Adik Sa 'YoMarvin Agustin as Carlos Si Carlos ang lalaking nakukuha ang lahat with a silver platter, with a silver spoon pa para subuan siya. Kaya naman sa dami ng silver sa buhay niya, naging isa siyang sikat na metal sculptor. Lahat na lang ay ibinibigay sa kanya—except, apparently, ang pag-ibig. Vanessa del Moral as Racquel Si Racquel ang dalagitang kapatid ni Ruben na saksakan ng arte at napaka-gastadora! Kung ano ang uso, siguradong meron siya. At pangarap rin niya ang maging artista, kaya lahat ng auditions, ala e, pinapatulan niya! Eugene Domingo as Fatima Si Fatima ang ina ni Joanna, at ang unang babaeng minahal ni Luigi. Dahil sa mga hindi masyado sinasadyang mga pangyayari, nawalay siya sa kanyang mag-ama. Tapos, kaya nga slightly sinasadya, ipinarating na lang sa mga mahal niya sa buhay na patay na siya... Jennica Garcia as Karen Si Karen ay may pagka-bratinela. Biruin mo ba naman, ikakasal na lang, tatakbo pa? Kasi, sabi ng manghuhula, may ibang lalaki raw na nararapat para sa kanya! E para sa hopeless romantic na 'to, isang obsession ang mahanap ang perfect na lalaking talagang magpapasaya sa kanya. E may perfect man pa ba ngayon? John Lapuz as July Si July ay, aminin na natin, ang baklang parlorista na kapitbahay nina Ruben. Dead na dead talaga ito sa charms ni Ruben, kaya handa siyang ipaglaban ito ng patayan sa sino mang manakit at manloko dito!  | Pauleen Luna as Camille Si Camille ang ambisyosang ex-girlfriend ni Ruben na isa lang ang gusto sa buhay: maging Sexbomb Dancer. Ang taas ng ambisyon 'no? Pero dahil sadyang makapal ang kanyang apog, nakuha rin naman niya ang gusto niya. Kaso nga lang, nawala naman ang boyfriend niya. |
Tony Mabesa as Lolo Samuel Si Lolo Samuel ay isang wizened old man na marami nang natutunan sa mga experience niya sa buhay. Ang kaso nga lang, tuwing nagbibigay siya ng advice, nakakalimutan rin niya ito! Aba e kung siya lang rin naman ang magbibigay ng love at life advice sa 'yo,... Jolina Magdangal as Joanna Maglipot Si Joanna ay isang simpleng dalaga na may mga simpleng gusto sa buhay. Simple lang siya kung mangarap, simple lang siya kung manamit. Simple ang lahat sa kanya. In short, isang manang si Joanna. Pero hanggang kailan ba siya magmamanang-manangan? Joey Marquez as Luigi Si Luigi na siguro ang pinagmulan ng salitang mambobola. Ma-chicks na nga, basketball player pa! Akalain mo? Siya ang mabait at mapagmahal na ama nina Karen at Joanna. German Moreno as Lolo Joe Si Lolo Joe ay isa sa mga matatandang dinadalaw ni Joan sa bahay-aruga. Kahit nasa sisenta na ay maliksi pa rin at mahilig sumayaw! Very open-minded ito kung mag-isip, kaya naman laging nakokontra ni Lolo Samuel. Mosang as Mila Si Mila, mabait at mapagmahal kay Joanna. Ang kaso nga lang, hindi naman siya ang tunay na ina nito, 'no! Pero kung siya ang masusunod, matagal na niya sanang napalitan si Fatima sa puso ni Luigi. Ang kaso nga lang, naunahan na siya ni Stella. Iwa Moto as Andrea Si Andrea ang malditang assistant ni Aurora na may lihim na pagtingin kay Carlos. Pero isa lang yan sa mga lihim na tinatago niya. Marami-rami rin naman ang hindi nalalaman ng iba, in all fairness. Hindi nga lang kasama sa mga naitatago niya ang inis na nararamdaman para sa magkapatid na Karen at Joanna. Elizabeth Oropesa as Stella Si Stella ang social-climbing na ina ni Karen; ang utak sa likod ng tagumpay ng STELLA Stardines. Kaso nga lang, mayaman nga siya, pero wala pa ring ka-class-class sa katawan! Benjie Paras as Benjo Si Benjo ang aanga-angang alalay at driver ni Carlos. Madalas maligaw at madalas maloko, kaya naman paboritong kakutsaba ni Andrea sa mga kalokohan nito. Jim Pebanco as Roman Si Roman na siguro ang pinaka-loyal na assistant na mahahanap ninuman. Tumatayo rin siyang bodyguard para kay Stella, dahil may lihim itong pagtingin sa amo niya. Kaya naman galit na galit ito, at laging nagngingitngit sa selos tuwing nakikita si Luigi! Ces Quesada as Ising Si Ising ay ang tsismosang nanay nina Ruben na nakikita ang buhay niya bilang isang telenobela. Ito na siguro ang dahilan kung bakit mayroon siyang tatlong panganay. Hindi na kasi nakuntento sa love at first sight, nag second at third sight pa. Chanda Romero as Aurora Si Aurora ang plastik na ina ni Carlos. Sosyal at hambog, mahilig siyang mag-fake ng affections para sa mga taong hindi niya masyado gusto—lalo na kung gusto niya ang mga pera nito. Chariz Solomon as Emilene Si Emilene ay may pagkakikay, may pagkakulit, at may pagka-engot. Aba'y mas maarte pa nga siya kesa sa alaga niyang si Karen! Pinagkakamalan na ngang nakadikit ang cellphone niya sa kamay, at parang parati na lang may kausap sa telepono! Sandy Talag as Ria Si Ria at matalino, makulit at atribida! Diretsahan na! Madalas niyang laitin ang kung sinong babaeng mapusuan ng Kuya Ruben niya, pero lovable pa rin naman siya. Dennis Trillo as Ruben Domingo Si Ruben ang Batangueñong manunuba na kuntento na sa kung ano ang meron siya. Ang kaso, biglang may darating sa buhay niya para guluhin ang mundo niya—at simula nito, hindi na niya kakayaning mamuhay ng simple muli. Luz Valdez as Caring Si Caring ang lasenggang lola ni Ruben. Malakas itong lumaklak ng alak at mahilig sumugal. Medyo madali lang pakiusapan si Caring, as long as meron kang enough na pera. Pero masuyo ito sa mga apo, kaya naman love na love pa rin ni Ruben kahit papaano. |