Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp

All About Eve > Casts Information and Character Guide

Nicole and Erika are two contrasting women born to different fates battling for the same destiny.

 

All About Eve

Angel Aquino as Judith
Malihim si Judith; isang news anchor na tinitingala ng marami, pero nagtatago ng isang sikretong maaaring sumira sa kanyang career.

Iza Calzado as Nicole
Palaban si Nicole; kahit na lumaking mayaman, kaya niyang makipagsabayan sa mga barumbado't walang pinag-aralan, and with class.

Ian de Leon as Mando
Malupit si Mando; siya ang kikilalaning ama ni Erika, at siya rin ang magiging dahilan kung bakit lalaki si Ericka na mapagmanipula at sakim.

Keempee de Leon

Keempee de Leon as Paul
Pihikan si Paul; walang babaeng lalampas sa kanya nang hindi niya natitikman. Ginagamit niya ang kanyang posisyon sa buhay para makuha ang mga gusto niya.

Sunshine Dizon as Erika
Ambisyosa sa Erika; dahil sa mga pangarap niya sa buhay, gagawin niya ang kahit ano—kahit ang mang-agaw ng buhay ng may buhay.

Gabby Eigenmann as Max
Desperado si Max; para maibalik ang pag-ibig ng kanyang dating girlfriend, kakayanin niya ang lahat ng ipagagawa nito—sang-ayon man siya dito o hindi.

Mark Anthony Fernandez as Kenneth
Mapusok si Kenneth; hindi man niya makasundo ang kanyang ama, babalik siya sa mundo nito para makasama ang babaeng mamahalin niya.

Jean Garcia as Katrina
Inosente si Katrina; hindi man siya ang unang magkakasala, pero matutuo siya agad na walang nangyayari sa mga taong mababait.

Richard Gomez as Frederico
Babaero si Frederico; malambot ang puso niya sa mahihirap, pero mas malambot ito para sa mga babae. Mabilis mahulog ang loob, puso lagi ang pinaiiral niya sa kanyang mga desisyon.

Marky Lopez as Joel
Totoo si Enrico; tapat na kaibigan, siya rin ang laging nasasangkot sa lahat ng kalokohan na papasukin ni Kenneth.

Eric Quizon as Don Robert
Mahina si Don Robert; kaya siyang manipulahin ng kahit sino, at magagamit siya ng isang babae para sa paghihiganting pinaplano nito.

Ina Raymundo as Lisa
Sawi si Lisa; dahil hindi niya kayang pigilang magmahal ng iba ang kanyang asawa, siya ang magiging biktima ng isang krimen ng pag-ibig.

Celia Rodriguez as Donya Concepcion
Matapobre si Donya Concepcion; galit sa mga mahihirap, siya ang sisira sa buhay ng kanyang anak—dahil para sa kanya, walang babaeng makahihigit sa puwesto niya sa buhay ni Frederico.

Carmen Ronda as Donya Luisa
Mapang-api si Donya Luisa; hindi niya gugustuhin ang mamahalin ng apo, kaya naman lahat ng kanyang galit ay ibubuhos niya sa babaeng gusto nito.

Eula Valdez as Alma
Tuso si Alma; tulad ng kanyang anak, pag-ibig ang kahinaan niya. At para sa pag-ibig na ito, wala siyang sasantuhin—kaaway man o kaibigan.

Alfred Vargas as Warren
Martyr si Warren; alam niya ang gusto niya, at lahat ay kaya niyang isakripisyo para sa ninanais ng kanyang damdamin—kahit na ikasama niya ito.

Cast Preference