Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bahala si Bitag

New Topic

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18 - 19 - 20 - 21 - 22 - 23 - 24 - 25 - 26 - 27 - 28 - 29 - 30 - 31 - 32 - 33 - 34 - 35 - 36 - 37 - 38 - 39 - 40 - 41 - 42 - 43 - 44 - 45 - 46 - 47

Name: AnnaLocation: Taif, Ksa
Subject: caregiver school 

gusto ko lang po sana ask kung aling caregiver school sa batangas ang accredited ng canadian
embassy. im planning to study caregiver gusto ko po kasi makapagwork sa canada. dito po kasi sa
saudi pharmacy technician ako kaya lang di gasino malaki salary namin.

September 15, 2008 10:21 PM
Name: Classified 
Subject: corruption sa customs 

dati po akong empleyado ng isang customs brokerage na pag-aari ng isang customs official.

alam ko
po bawal mag-may-ari ng isang brokerage ang mga empleyado ng customs. Plus yung mga kliyente po
namin ay sa section pa nila dumadaan.

kailangan ko po ng contact number nyo. eto po ang sa akin
09178867002.

piniframe up po nila ako, anytime ay pwede nila akong ipakulong sa isang kasalanang
di ko ginawa.

September 15, 2008 11:47 AM
Name: Tina RamosLocation: Imus, Cavite
Subject: Scam sa SSS benefit ng Call Center agent s ePLDT VentusRating: 3 stars

Sir,
I'm a call center agent who previously worked for ePLDT Ventus. With my 1 and 8 months of
service with their company nagbuntis po ako and i filed my SSS maternity benefit claim through them.
Unfortunately po hanggang ngaun wala ako ntanggap kahit n pinipilit nilang meron daw sila binigay at
ngayon po iniipit nila ang backpay ko pati n din un sa SSS ko. Please po sana matulungan nyo ako
kasi malimit tlagang naabuso kami na mga call center agent s ng mga kompanyang npapasukan namin.
Wala man lang kami malalapitan na maaring makaktulong sa amin. I really hope yo will be able to help
me.

September 14, 2008 09:58 AM
Name: Aris O. ElagioLocation: Daet, Cam Norte
Subject: tresspassing and grave treath 

Sir good day po,
Ako po si Mr. Aris Elagio ng b11 lt 18&20 happy homes fairview daet cam
norte. irereklamo ko po sana ang kapitbahay kong siga na nagngangalang Ernesto Consuelo Jr. Ganito
po yun, bandang 5:45 ng hapon po inilalakad po namin ng kaibigan kong si Mark Aguirre ang 2 aso
pareho pong nakaleash. Nang biglang sa gitna ng kalsada eh sinugod kami ng aso nang nasabing
kapitbahay ko na ilang taon ng pagala gala dito sa aming subdivision. Eh dahil po sa kakagat na yung
aso kaya nasipa po nung kaibigan ko. Actually nakatingin lang yung misis nung nasabing kapitbahay ko
di naman sinasaway (sa araw araw pong dumadaan ako di pa nila sinaway yun). Nung makita o nyang
sinipa nagsabi syang "tarantado ka ah bat sinisipa mo yan aso mo ba yan". Sumagot po yung
kaibigan ko na "talian nyo kasi", then she replied "gago ka pala eh kung ayaw kong
talian". Pagkatapos nun sinabihan ko yung kaibigan ko na hayaan na lang. Bandang 9pm po
pagkaalis nung kaibigan ko biglang sinugod ako nung asawa nya sa loob mismo ng bakuran ko dinuro ako
at sinabing "wag mona papuntahin dito yang kaibigan mo"."tarantado ka di mo kami
kilala". akala ko po dun na natapos yun pero maya maya dumating yung kaibigan kong si Mark
tumatakbo diretso pasok sa bahay ko. Maya maya pa pumasok din kasunod si Mr Ernesto Consuelo Jr.
dinibdiban yung kaibigan ko, minura at pagkatapos dinuro din ako at sinabing "tarantado ka di
mo kami kilala", at pagkatapos at binalingan ang nanay ko dinuro din sa mukha at sinabing
"isa kapang matanda ka" natigil lang po ng hilahin sya palabas ng asawa nyang si Sally may
kasama pa sila na isang di kilalang lalaki pero di pumasok sa loob ng bahay pero nasa loob ng
bakuran. Ipinablotter ko po sa brgy at police. pero ang kinagulat ko po ay parang ako pa ang masama
dahil maliit na bagay lang daw palalakihin ko pa sabi sa brgy hall at nung ipablotter namin sa
police station andun yun ama nung kapitbahay ko na si Mr Ernesto Sr. na nagpakilalang police asset
daw sya at binantaan pa ang nanay ko pag may nangyari sa anak nya kami ang mananagot. natatakot po
kami.

September 12, 2008 09:04 AM
Name: Aris O. ElagioLocation: Blk 11 Lt 18&20 Happy Homes Fairview Daet, Cam.Norte
Subject: tresspassing and grave treath 

magandang araw po mr. tulfo. lumapit po ako sa inyo sa kadihilanang may isa po kaming kapitbahay na
nananakot sa amin. ang pangalan po nya ay Ernesto Consuelo Jr. Anak po sya ng isa pong police asset
dito at announcer daw po sya ng bayan na si Ernesto Consuelo Sr. at kapatid ng isang mediamen na si
Ivy Consuelo Garcia.
Ganito po ang pangyayari. Noon pong linggo September 7,2008, bandang 5:45 ng
hapon kami po ng kaibigan kong si Mark Aguirre ay naglalakad kasama ng aming mga aso nang kami po ay
lusubin ng aso nilang matagal nang pagala gala sa aming subdivision. Ako po ay trainer ng aso at
lahat po sila ay nakakulong. lumalabas lang kami pag palalakarin namin sila (nakakadena po sila nung
kami ay sugurin). binubugaw po sya ng kaibigan ko pero kakagat napo kaya nasipa sya ng kaibigan kong
si Mark. Nandun po ang asawa nyang si Sally at di man lang sinasaway ang aso nung sipain na tsaka
lang sya nagsalita na "tarantado ka ah bat mo sinisipa yan aso ko yan", sumagot po ang
kaibigan ko na talian nyo kasi. sumagot sya ulit na "gago ka kung ayaw kong talian marunong ka
pa, natural na habulin ka nyan at may dala kang aso". sinabihan ko po ang kaibigan ko na hayaan
na at umalis na lang kami. kinagabihan po mga bandang 9pm pinuntahan po ako sa loob ng bakuran ko at
sinabihang "wag mo na papupuntahin dito yang kaibigan mo""tarantado ka hindi mo kami
kilala". sa takot ko po wala ako nagawa kundi pumasok na lang. maya maya po dumating ang
kaibigan kong tumatakbo dahil hinabol pala sya habang pauwi. nagipit sya kaya imbis pauwi sa kanila
pabalik sa bahay ko sya tumakbo. kasunod po nya pumasok si Mr. Ernesto Consuelo sa loob po mismo ng
bahay namin at walang anu anoy dinibdiban si Mark ng 2 beses at pagkatapos ay dinuro ako at sinabing
tarantado ka di mo kami kilala. pagkatapos nun ay binalingan ang nanay ko at sinabing isa ka pang
matanda ka. pagkatapos po nun ay dumating na ang asawa nya at isa pang di kilalalng kasama at hinila
sya palabas. Pinablotter po namin sa barangay at police station. pero mukha pong one sided dahil
pilit pong inaareglo ng kapitan at sina sabing maliit na bagay lang pinalalaki ko pa. pagdating po
sa police station nandun po yung amam nyang si Mr. Ernesto Sr. at binabara pa kami habang nagblo
blotter. Binulungan pa nga ang nanay ko na pag may nangyari sa anak ko ikaw ang mananagot na parang
kami pa ang nakaargrabyado. natatakot po kami kasi marami na pong inano sa lugar namin yang si
Ernesto Jr. wala lang pong nakakapagreklamo at takot nga po. sana po ay matulungan nyo ako natatakot
napo ako sa aming buhay pati po ang lima kong anak ay apektado na rin. sa Sept 15 po ang paghaharap
sa barangay balak ko pong ituloy ang kaso sa hukuman pero ako po ay natatakot sana po ay mabigyan ng
aksyon ang isang taong matagal nang naghahari dito sa aming street. mabuhay po kayo at maraming
salamat

September 12, 2008 09:04 AM
Name: Randy AldaveLocation: Daet, Cam.Norte
Subject: lending 

Sir,tanung ko lng po kung pwede po kayo ditong mg sagawa ng imbistigayon sa Daet,kc po marami po
ditong anumalya tulad po sa lending.tapos po meron ditong abusadong tao,palibhasa bata ng
gobernador ang ama. si Ernesto Consuelo Jr. ng Happy Homes Fairview ng Daet Cam.Norte Wala pong na
kakapagreklamo.

September 12, 2008 04:07 AM
Name: CjLocation: Rizal
Subject: Our Local job agencyRating: 3 stars

Paki imbistigahan naman ung mga agensya nagbibigay ng trabaho lokal na mgbayad muna bago
deployment.marami dyan sa cubao qc, kalookan city.may reg fee at processing fee na non refundable
dw.tama kaya yun?

September 10, 2008 04:31 PM
Name: Ebu Da ManLocation: Pasay City
Subject: no disconnection pero pinutol 

gud afternoon po sir, hihingi po sna akong payo at tulong tungkol sa inuupahan naming mag ank ngaun
d2 sa pasay city. umuupa po kami ng 7,000.00 + ilaw at tubig na patung po dahil dun daw cla kumukuha
ng pambayad sa mga maintenance nila. sa katunyan po medyo nagipit po kmi ngaun at hindi po nahusto
ang ibinayad nmin sa buwan na ito at dahil na din po sa laki ng PENALTY na ipinapatong nila eh
lumalaki po ang bayarin namin. ito lamang pong araw na ito ay nagsabi sila samin na klangan daw po
kami magbayad ng 10,000 dahil kung hindi ay puputulin po nila ang tubig namin. tama po ba na bigla
biglang putulin ang tubig ng wala man lamang DISCONNECTION NOTICE? katunayan po kahapon ay nag
deposit kami ng 5,000 para ndi lumaki ang aming bill ngaun bigla pong kailangan eh magbayad kami ng
10,000 kung hindi ay puputulin daw po ang tubig namin at pagkatapos ay sang katutak na PENALTY pa
ang ipapatong nila.naki usap po kami samga taga pamahala nila na kung maari ay bigyan po kami ng
ilang araw na palugit para po makakuha kami ng pambayad ngunit ang sagot po samin ay WALA NA DAW
POSILANG MAGAGAWA.. TAMA PO BA ANG GANITONG URI NG PAG PAPAUPA NG BAHAY? d po ba ito'y isang
uri ng HARRASMENT? at tama din po ba na WALANG NOTARYO ANG CONTARATA NILA sa pag papa upa? dahil ang
KATWIRAN po nila ay ATTORNEY daw po ang may ari nito? at amin pong napag alaman na marami din po ang
umaangal sa ganitong uri ng pamamalakad ng kanilang kompanya. ilang din pong kapit bahay namin ay
ganito ang ginagawa nilang panggigipit. sir, sana po ay matulungan nyo po ako at ang ilan din po
naming kalapit bahay sa ganitong uri ng sitwasyon. maraming salamat po at mabuhay po kayo..

September 10, 2008 07:58 AM
Name: AlbertLocation: Makati
Subject: gwardyang abusado 

Sir, sana po mabigyan pansin nyo ang reklamo ko tungkol sa mga gwardya ng pier 2. Nung Sept 7 po
pasado 10 ng umaga, may hinatid po ako sa pier na sasakay ng san paolo. Pag daan po ng taxing
sinasakyan namin sa unang gwardya pagpasok ng pier, kinatok po ang bintana ng kaawang matanda na
driver ng taxi. Nagtanong po ang driver kung lisensya daw ba ang hinahanap. Sagot po ng gwardya na
may nakalagay na pangalang AREVALO DD sa uniform, para pangkape daw. Inabutan po namin sya ng pera.
Ang sumunod na gwardya na dinaanana namin hiningian din po kami. Hindi ko lang po nakita yung
pangalan nya sa uniform. Kaawa din naman po kase ang mga kababayan natin na mahihirap na uuwi ng
probinsya at mapapagsamantalahan ng mga gwardyang to. Alam ko pong kayo lang ang katapat ng mga
abusadong ito. Sana maturuan sila ng leksyon at magtanda. Sana isang araw ang makatok nila na
bintana ay ang bintana ng sasakyan ni bitag. Thank you po!

September 09, 2008 06:31 AM
Name: Ronald ValdezLocation: San Pedro, Laguna
Subject: Alarming ILLEGAL PERYA in San Pedro LagunaRating: 3 stars

A good day to you Mr. Tulfo!

I really don't know if the POLICE Station of San Pedro Laguna
is BLIND!
Last year an illegal operation of "PERYA" operated by DOMINADOR "Jun"
FERNANDEZ and his wife VIOLY FERNANDEZ was placed in FRONT of our town CHURCH, and recently, just
near the San Pedro wet and dry market which is also near from the schools in our town. This is
really alarming that even the Mayor of our town is also involve in this "ILLEGAL PERYA".
The operator of "ILLEGAL PERYA" has connection with the mayor due to
"LAGAY".
So our policemen here has nothing to do with this problem?????????
Masyado ng
nakakabahala ang PERYANG ito dahil nauubos ang pera ng mga tao ng dahil sa pandadaya ng mga operator
nito. Marami lalo nagugutom at naghihirap ng dahil sa kanila.
I hope you could make an IMMEDIATE
action with this PROBLEM of our TOWN.
I really hope that its operation could stop promptly.
I
trust your service...

A concern citizen of San Pedro, Laguna.
Ronald E. Valdez

September 06, 2008 10:19 AM
Name: RodelLocation: Camarines Norte
Subject: may gumagamit ng pangalan nyo dito... 

this is rodel, local media practitioner here in daet camarines norte, bicol. pls dont mention my
name sir... concern lang po ako kasi may isang lalaki dito na gumagala sa camarines norte na gamit
gamit po ang pangalan ng mga tulfo sa kanyang pangingikil sa mga negosyante dito. you may refer to
daet PNP station. nag pablotter po doon ang isang kapitan ng brgy sa mercedes cam norte. sept 4 po
ang petsa sa blotter. nanghihingi po ng pera sa mga stablishment na walang permit tsaka nagbabanta
na i-bro-broadcast sa TV pag hindi nag bigay. balita po namin gumagala din yung suspek sa ibat ibang
lugar dito sa cam norte.

September 05, 2008 09:49 AM
Name: Noemi FermanesLocation: Binan,Laguna
Subject: noise pollutionRating: 3 stars

Good am po.Reklamo po naming residente dito sa San Isidro Village Delapaz,Binan Laguna ang mabilis
na pagpapatakbo ng ilang motorbikes at tricycles na nakabangga na ng pamangkin ko at kapitbahay ko
matagal na pero hanggang ngayon ay patuloy pa din ang mga kaskaserong driver na walang pakundangan
sa pag da drive nila.wala rin kaming peace na matulog sa gabi dahil sa ingay ng mga motor nila at
mabilis na patakbo ng motor nila at pati mga sounds.Yung mga karaoke dito sa tindahan at video games
ay nakakaistorbo din ng katahimikan sa pagtulog.Ito po ay nasabi na sa Barangay namin.Kung di man po
Kaya pigilan ng Baranggay namin ang reklamong ito sana po ay matulungan nyo kami para iparating ang
kahilingan namin na napakasimple lang pero parang mahirap gawin sa kanila.

September 05, 2008 08:18 AM
Name: Noemi FermanesLocation: Binan,Laguna
Subject: noise pollution 

Good am po.Reklamo po naming residente dito sa San Isidro Village Delapaz,Binan Laguna ang mabilis
na pagpapatakbo ng ilang motorbikes at tricycles na nakabangga na ng pamangkin ko at kapitbahay ko
matagal na pero hanggang ngayon ay patuloy pa din ang mga kaskaserong driver na walang pakundangan
sa pag da drive nila.wala rin kaming peace na matulog sa gabi dahil sa ingay ng mga motor nila at
mabilis na patakbo ng motor nila at pati mga sounds.Yung mga karaoke dito sa tindahan at video games
ay nakakaistorbo din ng katahimikan sa pagtulog.Ito po ay nasabi na sa Barangay namin.Kung di man po
Kaya pigilan ng Baranggay namin ang reklamong ito sana po ay matulungan nyo kami para iparating ang
kahilingan namin na napakasimple lang pero parang mahirap gawin sa kanila.

September 05, 2008 07:23 AM
Name: Juan Dela CruzLocation: Makati
Subject: Pamimilit sa mga bata na bumili ng pagkainRating: 2 stars

Sir paki imbestigahan nyo po ang mga iskul sa makati na namimilit ng mga estudyante na bumili sa mga
pagkain ng kanilang iskul. Hindi po kami makapgsumbong sa DepEd kasi po di naman nila kami
iniintindi pati na rin po ang kanilang principal. kampi kampi po silang lahat.tenk yu po

September 03, 2008 04:55 AM
Name: LinoLocation: Caloocan City
Subject: mandarayang jeepney driversRating: 3 stars

good day sir. pakikalamapag naman sir yung mga jeepney drivers na bumabyaheng sm north to
momunmento. ang terminal po nila ay sa sm north. pano po kasi naniningil sila ng 9pesos pero ang
nakalagay sa certification nila ay minimum lang dapat singilin nila. pag may naggreklamo pong
pasahero ay pabalang at pasigaw nilang sasagutin. kaya po di na lang kumikibo yung mga pasahero.
bastos din po sila at walang galang sa mga pasahero nila. magpapatakbo ng sobrang bilis tapos pag
pumara kat di nila narinig at ikaw ay lumampas, sisigawan ka at di kapa nakakababa ng mahusay ay
papaandarin na nila ang jeep nila. sana po ay mabigyang leksyon ang mga driver na to. salamat po sir
and more power

August 29, 2008 03:51 PM
Name: HelpseekerLocation: Batangas
Subject: manlolokong licensed agency 

gusto ko lang po isumbong sa inyo ang UP INTERNATIONAL EMPLOYMENT AGENCY INC.sa quezon city sa
panglolokong ginawa nila sa mga pilipino na nangarap makaahon sa kahirapan pero lalo pa nilang
inilugmok.unang-una hindi sila nag-iisue ng resibo sa lahat ng pinababayaran nila sa mga
aplikante.nag-apply po sa kanila ang pinsan ko bilang factory worker sa malaysia.nagbayad po sya ng
60,000 bilang placement fee bukod pa po dun ang medical, processing,jacket,pamasahe papuntang clark
dun po sila sumakay ng eroplano papuntang malaysia lahat po yun walang resibo kasi di daw po sila
talaga nagbibigay ng resibo,nagtiwala na lang daw po pinsan ko kasi rehistrado sila sa POEA.sa
madaling salita nakaalis po ang pinsan ko at sa kasalukuyan ay nandoon pa rin sya.ang pinirmahan po
nilang kontrata dito ay 1000ringit o 13000 sa pera natin pero pagdating dun pinapirma po sila ng
bagong kontrata na 470ringit bawas pa 10ringit sa tax kya lumalabas na 410ringit lang ang sweldo
nila sa 1 buwan o P5300.kinuha din daw po ng employer nila ang mga pasport nila at 12 hrs.per day
trabaho nila walang overtime yun.gusto nga daw po nila umatras kaya lang tinakot sila ni Sir JERRY
na isang NBI AGENT daw po at boss sa agency na magbabayad sila ng P50,000
kapag umatras sila.papano
po nila mababayaran yung inutang nila sa lending ofc.na pag-aari naman ng kapatid ng may-ari ng
agency na 60k payable for 1yr.90k+ kasama tubo P8,000 po ang hulog nila monthly.Sabi po ng pinsan ko
wala ni isang nagkatotoo sa pangako sa kanila ni JOAN at JERRY.miserable daw po ang buhay nila dun
at baon pa sa utang dito sa pilipinas kaya humihingi po ako ng tulong sa inyo at sana po wala ng
maloko ang licensed agency na ito at managot sa mga ginawa nila.

August 27, 2008 12:15 PM
Name: HelpseekerLocation: Batangas
Subject: manlolokong licensed agency 

gusto ko lang po isumbong sa inyo ang UP INTERNATIONAL EMPLOYMENT AGENCY INC.sa quezon city sa
panglolokong ginawa nila sa mga pilipino na nangarap makaahon sa kahirapan pero lalo pa nilang
inilugmok.unang-una hindi sila nag-iisue ng resibo sa lahat ng pinababayaran nila sa mga
aplikante.nag-apply po sa kanila ang pinsan ko bilang factory worker sa malaysia.nagbayad po sya ng
60,000 bilang placement fee bukod pa po dun ang medical, processing,jacket,pamasahe papuntang clark
dun po sila sumakay ng eroplano papuntang malaysia lahat po yun walang resibo kasi di daw po sila
talaga nagbibigay ng resibo,nagtiwala na lang daw po pinsan ko kasi rehistrado sila sa POEA.sa
madaling salita nakaalis po ang pinsan ko at sa kasalukuyan ay nandoon pa rin sya.ang pinirmahan po
nilang kontrata dito ay 1000ringit o 13000 sa pera natin pero pagdating dun pinapirma po sila ng
bagong kontrata na 470ringit bawas pa 10ringit sa tax kya lumalabas na 410ringit lang ang sweldo
nila sa 1 buwan o P5300.kinuha din daw po ng employer nila ang mga pasport nila at 12 hrs.per day
trabaho nila walang overtime yun.gusto nga daw po nila umatras kaya lang tinakot sila ni Sir JERRY
na isang NBI AGENT daw po at boss sa agency na magbabayad sila ng P50,000
kapag umatras sila.papano
po nila mababayaran yung inutang nila sa lending ofc.na pag-aari naman ng kapatid ng may-ari ng
agency na 60k payable for 1yr.90k+ kasama tubo P8,000 po ang hulog nila monthly.Sabi po ng pinsan ko
wala ni isang nagkatotoo sa pangako sa kanila ni JOAN at JERRY.miserable daw po ang buhay nila dun
at baon pa sa utang dito sa pilipinas kaya humihingi po ako ng tulong sa inyo at sana po wala ng
maloko ang licensed agency na ito at managot sa mga ginawa nila.

August 27, 2008 12:15 PM
Name: Marlon M. Sering Sr.Location: Angeles City
Subject: Abusadong GermanRating: 2 stars

To: Sir Tulfo,

Magandang araw po sa inyo. Ako po si Marlon M. Sering Sr, 38 years
old na taga-Angeles City. Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo. May business po ako na
advertising. Ang naging problema ko po 'yung costumer namin na german. Nagpagawa po ng dalawang
signage 'yung german sa akin. 'yung isang signage nai-deliver ko na po pero 'yung isa
hindi pa. Dahil na-delay at hindi ko pa nadeliver 'yung isang signage, nagalit po 'yung
german at binabawi 'yung pera sa akin na P7,000. Sabi po niya sa loob ng 24 hours kailangan
maibalik ko sa kanya ang P7,000 kung hindi magdadala siya ng pulis at ipakukulong ako. Hindi po ba
dapat sa barangay muna siya magreklamo bago sa pulis? Nangako po ako sa german na ibabalik ko ang
P7,000 sa kanya pero bigyan niya ako ng kahit na ilang araw lang para maibalik sa kanya ang pera
pero ayaw niya at nagalit siya. Tama po ba na ipakulong niya ako? Kung sakali man po na ipakulong
niya ako, NAKIKIUSAP PO AKO SA INYO NA SANA TULUNGAN N'YO PO AKO? TATANAWIN KO PO ITONG
MALAKING UTANG NA LOOB SA INYO.

Kung sakali po na ipakulong ako, tatawagan po
kayo ng nanay ko na si Lea para humingi ng tulong. Eto po ang cell. # ko 09187557900 Tel. Nos. (045)
889-3308


Maraming salamat po,


Marlon M. Sering Sr.

August 22, 2008 11:53 AM
Name: Concerned CitizenLocation: Bulacan
Subject: July 26 Epsiode Meycauayan Kotong Cops 

Sir this is with regards sa episode nyo regarding sa kotong cops sa may meycauayan bulacan, who is
victimizing BUs and jeeps alon Bancal Meycauayan Bulacan. In your episode, with the Bulacan
Provincial Police, You captured the "runner" that later "KUMANTA" kung sino ang
kumikita dun sa nakukuha nila sa mga bus, He states a CERTAIN "MAYORA" iisa lang po ang
kilala kong mayora sa amin na corrupt like her husband... I hope na Ma-imbestigahan pa po ng mas
malalim ang Munisipyo ng Meycauayan. kung mapapansin nyo ang kahabaan ng daan ng mc arthur hiw ay
na sakop ng Meycauayan lalo na sa may BANGGA MECAUAYAn Bulacan, ilan pa poba ang kailagang
madisgrasya bago nila aksyonan ang napaka-laking lubak dun?

Thank you sir, I believe in your
brothers qoute.. EVIL TRIUMPS WHEN GOOD MEN DO NOTHING

I believe in you also Sir... You have
made many good changes in our community..

Salamat at naging kakampi ka namin..

August 21, 2008 08:55 AM
Name: Abegail OmpadLocation: Las Pinas City, Philippines
Subject: memo about tax exemptionRating: 3 stars

gud pm po..gusto ko lang po sana humiling n magkaroon po kayo ng segment tungkol sa new tax
implemtation.kasi sabi di ba po sa sona ni Pres. Gloria macapagal arroyo yung below 10,000 ala ng
tax tapos babaan yung kaltas sa mga tax ng mga manggagawa pero until now sa company namin di pa
mabago yung kinakaltas sa tax namin kasi ala pa raw memo ng bir na nagsasabi about dun sa sinabi ng
presidente sa sona po nya...sayang din po yung konti n nga lang sinasahod namin di p namin makuha
yung karapatan namin n yun..salamat po sa dios...god bless...

August 20, 2008 06:47 AM
Name: Chay VeracruzLocation: Quezon City Philippines
Subject: Quezon City EPWMD tarantadong department headRating: 3 stars

ginoong ben tulfo:

ako po ay isang empleyado ng EPWMD QC na natatakot pong lumantad sapagkat ang
aming department head na si ginang rentoy at ang aming administrative officer na si ginang
concepcion ay bigla na lamang tinatanggal sa posisyon ang mga nagsasalita laban sa kanila. kaming
mga ordinaryong empleyado lalo na't mga contractual at casual lamang ay natatakot na baka kapag
nalaman nilang kami ang nagsusuplong sa kakurakutan nilang ginagawa ay kinabukasan ay wala na kaming
trabaho.

makailang ulit na po kaming humingi ng tulong mula sa opisina ng pamahalaan ng quezon
city ngunit wala pa rin po kaming natatanggap kahit na kaunting hustisya man lamang. ilan na sa
aming mga kaopisina ang tinanggal sa puwesto at sa kadahilanan na rin na permanente na ang estado
nila sa city hall, hindi sila lubusang matanggal sa trabaho kundi parang unofficially demoted na
lamang. ang amin pong inirereklamo ay ang pagiging opresibo at kurakot ni ginang rentoy at ni
ginang concepcion sa kanilang mga "nasasakupan." siguro nga't totoong gatasang
kalabaw ang pag-ayos ng basura kaya't walang aksyon kaming natatanggap ngunit hindi na rin po
namin masikmura ang ginagawang pagmamaliit sa amin ng aming mga bossing.

milyon milyon ang
naibubulsa nila ginang rentoy at ng kanyang mga alipores kaya't kahit na sa tunay ay hindi
kataasan ang kanyang sahod, ang lifestyle nya ay hindi sang-ayon dito. at hindi lamang ang
pangungurakot ang aming nirereklamo kundi ang pagiging unethical at opresibo nila sa kanilang mga
trabaho at kanilang mga empleyado. kahit kayo ay gumawa ng imbestigasyon o interview sa mga
empleyado ng EPWMD, marami kayong malalamang katarantaduhan na ginagawa ng aming mga pamunuan
kaya't nakakadiri na ring maitabi ang aming mga pangalan sa opisinang EPWMD.

kami po ay
humingi na ng tulong sa inyo sapagkat baka sa tulong ninyo at sa pamamagitan na rin ng inyong
programa ay maitutuwid ang mga katarantaduhan at pangungurakot nina ginang rentoy at ng kanyang mga
kasama dahil kaming mga empleyadong contractual lamang ay walang magawa sa takot sa kanila dahil
lubos nila kaming ginigipit sa pamamagitan ng pagtanggal sa amin sa trabaho at maging pananakot na
rin.

maraming salamat po

August 17, 2008 10:36 AM
Name: Code Name LaLocation: Quezon City
Subject: Barangay Officials 

gusto ko lang pong i-report ang mga barangay officials sa batasan hills. pakiramdam ko, nahold-up
nila ako nung nag-apply ako ng postal ID. kapag pumunta ka sa kanila para kumuha ng barangay
clearance at sinabi mong para sa postal ID, napaka rami nilang palusot para makumbinsi kang sa
kanila na lang direktang mag-apply imbes na sa post office. kesyo wala si kapitan o matagal na
processing daw kapag ako pa ang nag-lakad... o kaya naman e kung ano-anong papel ang hihingin nila
kagaya ng voter's id (khit na hanggang ngayon ay di pa narerelease ng comelec and id ko...).
ako naman ang mukang tanga na nagpaloko. binenta nila sakin ang nasabing ID sa halagan 500 pesos, di
pa kasama ang lamination. sobrang disappoinment naramdaman ko nang malamang 170-200 pesos lang pala
ang ID kung sa post office ako kumuha. humingi ako ng resibo pero pinagtawanan lang nila
ako...


sana po ay mabasa nyo ito mr. tulfo at maaksyunan. salamat po.

August 15, 2008 06:50 PM
Name: Lyra FranciscoLocation: Cebu City, Philippines
Subject: Herbal Medicine 

Hello Mr. Ben Tulfo,

I am an avid fan of yours and if possible, i'll always try to go home
early during Saturday just to watch your show.

Anyway, i was able to watch your show last
Saturday ( August 9, 2008) and one of your featured story is the herbal medicine that was invented
by a Filipino that could help heal cancerous people. I would like to ask what is the name of the
hearbal medicine and where can we buy it here in Cebu City because one of my colleague here in our
office would like to try since her husband diagnosed with liver cancer. They don't have any
money to spend to let her husband confine in the hospital and maybe this could help a bit in
extending the life of her husband. I remebered it was also endorsed by a doctor to less fortunate
patient, so, i guess, this could give them a big help.

Hope you could reply my request and send
me e-mail so we could buy it immediately. If its not yet distributed in Cebu City, let me know where
we could buy in Manila so we could ask to our Manila friends.

Thanks and more power to your show.

August 15, 2008 07:37 AM
Name: LynLocation: Pasig
Subject: MERALCORating: 3 stars

Sir,

Nakabili po ako ng bahay at lupa sa pasig at ito po ay nabakante ng isang buwan na walang
pang tumira, na-disconnect po yon kuryente dahil di ko namalayan na may notice of disconnection na,
nang binayaran ko sa meralco meron po outstanding balance n Php6000+ since 2007 pa, at ito ay wala
naman sa buwanan na bill, maliban pa sa current bill na Php66. Tinanong namin sa isang empleyado don
sa meralco ang dahilan nito, ang sabi po ay unbill charges daw ito sa paglipat nG metro sa taas ng
poste. At ito ay kinumperma ko sa binilhan KO at sabi naman bakit daw sya magbayad ay pagkakamali
naman daw ng meralco at hindi naman daw sya pinutulan simula ng paglipat ng metro sa itaas kung yon
po daw ay legal na charges sa consumer. Ang dating may-ari po ay pumunta sa meralco din bakit
pinutulan, at pagkatapos non ay binalik na agad. Ngunit Sa ngayon po ay wala ng kuryente sa bahay
dahil pinutulan na naman kahit wala pang disconnection notice buwan ng july-august 2008 at pilit
pinabayaran ng meralco ang outstanding balance na Php6000+. MAKIUSAP PO AKO KUNG MAARI PO AY
TULUNGAN MO AKO AT MALAMAN KO KUNG SINO ANG MAY PANANAGUTAN SA PALPAK NA SISTEMA NG MERALCO DITO SA
PASIG.

August 15, 2008 05:11 AM
Name: Suraya UssamLocation: 403 Bedana St.San Miguel Pasig City
Subject: Settlement worth Php42,000 

Mr.Tulfo sana po mapansin nyo itong problema idinudulog ko sa inyo tungkol po ito sa pamangkin ko
taga Olongapo po sya may asawang Amerikano.,sila po ay naabuso!kung tutuusin po wala pong kweenta
ang ilalapit ko sa inyo kaya lang po binabaliktad sila ng suspect. nagsimula sa nawawalang celfone
ng kasambahay nya,Bukod po sa kanilang mag asawa 2nyang anak 10 at 5yrs.old 1kapatid ko at
2kasambahayang iba lang pong tao na naglalabas pasok ng bahay ay yung tutor ng apo kong 10yrs.old
nawala po yung celfone ng isa sa kasambahay nya,ayon po dun sa nawalan ng celfone sinabi ng tutor sa
kanya na magbibigay sya ng 500 kada sweldo wag lang sabihin sa pamangkin ko na nawawala yung celfone
nya ng sumunod na araw ay inireklamo sila sa brgy. nung tutor n pinagbibintngan sya na nagnakaw ng
celfone!sa ngayon po hindi na po napaguusapan sa brgy.ang nawawalang celfone kundi po ang magbayad
ang pamangkin ko ng Php42,000 bilang danyos sa perwisyo kung susumahin wala pong kinalaman sa
nangyari pero sya na po ang nadidiin at sya po ang pinagbabayad ng nasabing halaga.!hindi naman po
maraming pera ang pamangkin ko may asaswa nga po syang amerikano nabubuhay lang po sila sa pension
at may sakit na cancer ang asawa nya at sa brgy.po hindi po nabibigyan ng pagkakataon sya
makapagpaliwanag!Ano po ang dapat naming gawin sana matulungan nyo kami naaawa na po ako sa
pamangkin ko dahil sa pananakot nila

August 08, 2008 04:49 PM

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18 - 19 - 20 - 21 - 22 - 23 - 24 - 25 - 26 - 27 - 28 - 29 - 30 - 31 - 32 - 33 - 34 - 35 - 36 - 37 - 38 - 39 - 40 - 41 - 42 - 43 - 44 - 45 - 46 - 47

Posts are moderated for non-members. Fields with asterisk are mandatory.

Post A Comment

Enter your name.

Enter your e-mail address.

Enter your location (City, State, Country).

Enter the subject of your comment.

Enter your comment. HTML and BBCode are disabled.

Rate this series.