Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp

Claudine Barretto

Siya ay isa sa mga pinakasikat na aktres sa bansa, kung kaya naman kinokonsidera siya sa ABS-CBN bilang pinakaimportanteng artista sa hanay ng mga alaga ng Star Magic.

 

Claudine Barretto

Ipinanganak noong 20 Hulyo 1979 sa Lungsod Maynila, siya ay anak nina Miguel Alvier Barretto at Estrella Santiago Castelo. Mayroon siyang anim pang mga kapatid na sina Mito, Mitchie, Jay-jay, Gretchen at Marjorie. Sina Gretchen at Marjorie ay katulad niyang pumasok rin sa syobis.

Sa kanyang pagpasok sa syobis ay nakarelasyon niya ang anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno, na si Mark Anthony Fernandez.

Sa kanilang pagtatambal naman sa napakaraming proyekto sa telebisyon at sa pelikula, naging karelasyon niya rin sa tunay na buhay ang artistang Rico Yan na pumanaw na.

Taong 2006 nang siya'y magpakasal sa aktor na si Raymart Santiago. Ginanap ang kasal sa Tagaytay Highlands sa Tagaytay, Cavite. Dahil silang dalawa ay nagmula sa magkaibang istasyon sa telebisyon, maraming dumalo pareho mula sa ABS-CBN at GMA, maging ang mga nasa pinakamataas na posisyon. Bukod sa mga ito, naroroon rin ang kani-kanilang mga pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng syobis.

Noong ika-19 ng Hulyo 2007, isang araw bago ang kaarawan nilang mag-asawa, ay ipinanganak ni Claudine ang kanilang anak na pinangalanan nilang Rodrigo Santino. Ito ang kanilang pangalawang anak matapos kupkupin si Sabina Natasha noong ito'y dalawang buwang gulang pa lamang noong Hulyo 2004.

Noong siya'y 11 taong gulang pa lamang ay dumalo siya sa Repertory para sa karakter na Sandra Dee sa Grease.

Taong 1992 nang siya ay nadiskubre ni Johnny Manahan at kaagad isinama sa Ang TV na palabas sa ABS-CBN. Noon ay kilala pa lamang siya bilang nakababatang kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto. Dahil sa pagpapakita ng kakayahan sa pag-arte, naisama siya sa Home Along Da Riles bilang si Bing, isa sa mga anak ni Kevin na ginagampanan ng Hari ng Komedya na si Dolphy. Kinuha rin siya sa Oki Doki Doc bilang kapatid ni Agit Isidro at anak ng komedyanteng si Babalu.

Naging bida siya sa Star Magic Presents nang dalawang beses at nagwagi ng Best TV Personality Award noong 1997 mula sa Star Awards para sa kanyang pag-arte sa yugtong Kasunduan.

Matapos noon ay naging bida na siya ng sarili na niyang teleserye, ang Mula sa Puso na kung saan nakatambal niya si Rico Yan.

Dahil sa kanyang walang tigil na paghusay, nakasama niya sa mga pelikula ang mga naghuhusayan at subok nang mga artistang sina Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Christopher de Leon, Gloria Diaz, Hilda Koronel, at Dolphy. Dito ay nasubukan ang kanyang kakayahan na umarte at makipagsabayan hindi lamang pagdating sa drama, kundi maging sa komedya.

Average Rating
Your Rating

TV Series

  1. Kadenang Bulaklak (2009)
  2. Iisa Pa Lamang (2008) ... Catherine Ramirez
  3. Maligno (2008) ... Angela Cortez
  4. Walang Kapalit (2007) ... Melanie Borromeo
  5. Ikaw Ang Lahat Sa Akin (2005) ... Nea Cruz Fontanilla
  6. Marina (2004) ... Marina / Cristina
  7. Buttercup (2003) ... Meg
  8. Sa Dulo Ng Walang Hanggan (2001) ... Angelina / Angeline Montenegro Crisostomo
  9. Saan Ka Man Naroroon (1999) ... Rosario, Rosenda, Rosemarie
  10. Mula Sa Puso (1997) ... Olivia Pereira
  11. 'Sang Linggo nAPO Sila (1995) ... Host
  12. Oki Doki Doc (1993) ... Pinky Macunatan
  13. Ang TV (1992) ... various
  14. Home Along Da Riles (1992) ... Bing

TV Guesting

  1. Salamat Dok: Pagpapaputi at Pagpapakinis Ng Balat
  2. Entertainment Live: Showbiz Royalties Exposed
  3. Entertainment Live: ELive: August 04, 2007 Episode
  4. The Buzz: September 25, 2005 Episode
  5. Wowowee: Gay Comedians
  6. The Buzz: May 08, 2005 Episode
  7. Star Circle Quest: Marina, Part 2
  8. Star Circle Quest: Marina, Part 1

News

  1. 2009-11-03: Kris Aquino explains declaration that Kim Chiu is the No. 1 Young Actress today Melba Llanera
  2. 2009-11-02: Funny girl Kitkat sees dead people Mark Angelo Ching
  3. 2009-10-31: Big stars moving to GMA7? Mario E. Bautista
  4. 2009-10-28: ABS-CBN bags major Star Awards nominations Napoleon Quintos
  5. 2009-10-28: ABS-CBN bags the most number of Star Awards nominations Napoleon Quintos
  6. more...