|
|
| Dingdong Dantes![]() Ipinanganak noong 2 Agosto 1980 sa Lungsod Quezon, siya ay anak nina Jiggs at Angeline Dantes. Noong siya'y magkolehiyo, nag-aral siya sa San Beda College at kumuha ng Marketing Management. Ngunit lumipat siya sa Ateneo De Manila University at kumuha naman ng Interdisciplinary Studies and Communication Arts. Mayroon din siyang kamag-anak sa syobis. Ito ay si Arthur Solinap, na artista rin ng GMA. Ang kanilang mga ina ay magkapatid. Bago siya nag-artista ay lumalabas na siya sa mga patalastas sa telebisyon noong bata pa siya, mga siyam na taong gulang pa lamang siya. Naging bahagi rin siya ng Abztract Dancers kasama ang ilan pang mga naging artistang sina Dino Guevarra at ang kanyang pinsang si Arthur. Naging madalas ang pagsasayaw nila sa Eat Bulaga at That's Entertainment. Pero bago pa man siya lumabas sa telebisyon ay nauna na siyang napasama sa ibang mga pelikula at nagkaroon siya ng mga maliliit na mga karakter sa mga ito. Nang siya'y tumungtong ng ika-17 taong gulang, pumasok na siya sa syobis. Napasama siya sa umpisa ng ikalawang pangkabataang programa ng GMA, ang T.G.I.S. (Thank God It's Sabado) (1995). Ginampanan niya ang karakter ni Iñaki, isang guwapong . Nagkaroon ito ng maraming mga tagahanga at tagasunod. Ang pagkakatambal niya rin dito kay Antoinette Taus, na naging karelasyon na sa tunay na buhay, ay tinaggap ng mga manonood kung kaya naman nagkaroon pa sila ng iba pang mga proyekto. Hindi nagtagal ay naging kabilang sila sa mga bida ng mga pelikula katulad ng Honey My Love So Sweet at I'm Sorry My Love, nakasama rin sila sa isa pang programa, ang Anna Karenina. Ngunit nang piliin ni Taus na ipagpatuloy ang karera nito sa Amerika, nagkahiwalay sila at naiwan si Dantes na nakapagbigay sa kanya ng pagkakataong makapagsolo bilang isang artista. Taong 2002 nang magkaroon siya ng panibagong katambal sa telebisyon, si Tanya Garcia at pinangunahan nila ang isang bagong soap opera sa GMA, ang Sana Ay Ikaw Na Nga. Nagkaroon muli sila ng mga tagahanga kung kaya naman naging matagumpay ang palabas na ito. Mayroon pa silang naging palabas matapos nito, ang Twin Hearts. Pagkatapos ng mga ito, nakasama siya sa telefantasya ng GMA na Encantadia. Gumanap siya bilang si Haring Ybrahim, at nakapareha niya ang kanyang kasalukuyang karelasyon din sa tunay na buhay, si Karylle. Nabigyan na rin siya ng sarili niyang telefantasya, ang Atlantika. Ang katatapos niya lamang palabas ay ang Marimar (2007) kasama si Marian Rivera. Dito ay ginampanan niya ang karakter ni Sergio Santibañez, na magkakagusto at maanakan si Marimar. Matapos nito ay nagkasama silang muli sa Dyesebel (2008) na orihinal na komiks. Habang siya ay mayroong mga pinagbibidahang palabas, siya rin ay naghohost sa iba't ibang mga ispesyal na palabas sa istasyon, kabilang na rito ang Binibing Pilipinas Pageant na ginanap taun-taon. At dahil sa subok na niyang abilidaad sa paghohost, ibinigay sa kanya ang bagong proyekto ng GMA, StarStruck, ang kauna-unahang reality talent search sa Pilipinas. Dito ay maglalaban-laban ang mga kabataan upang maging bagong mga artista. Si Dantes na rin ang naghost sa mga sumunod pang kabanata nito. Bukod sa pagkakaroon ng napakaraming mga palabas sa tlebisyon, napasama rin siya sa iba't ibang mga pelikula. Kabilang na rito ang Magkapatid at Pangarap Ko Ang Ibigin Ka na kung saan nakasama niya ang mga malalaking artista sa bansa katulad nina Christopher de Leon, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, at Judy Ann Santos. Nagkaroon din siya ng hindi malilimutang pelikula, ang Moments of Love tungkol sa pag-ibig na nabuo sa kabila ng agwat sa panahon. Sa naging palabas niyang Wag Kukurap (2004), hindi lamang siya naghost kundi naging direktor din ng ilan sa mga palabas nito. Ang pagdidirek ay isa sa mga nais niyang gawin bukod sa pag-arte. Kung hindi siya isang artista, ito ang gusto niyang gawin na may kinalaman sa syobis. Naging direktor rin siya ng isa pang programa na halos kapareho rin ng nauna, pinamagatan namang Kakabakaba Adventures (2004). |