Apr 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Eat Bulaga!

New Topic

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18 - 19 - 20 - 21 - 22 - 23 - 24 - 25 - 26 - 27 - 28 - 29 - 30 - 31

Name: Socorro Abad ValeLocation: Matacla Goa, Camarines Sur
Subject: Tindahan ni Aling puringRating: 3 stars

Isa po ako sa taga subaybay ng palabas nyo tuwing tanghali, sumulat po ako sa dahilang gusto ko
pong
sumali at magka negosyo sa Tindahan ni Aling Puring. ako po si naty vale at ang pangalan po ng
mama ko ay Socorro vale.sumulat po ako kasi gusto ko magkaroon ng sariling tindahan ni aling puring
matanda na kasi ang mama ko at kami namang mga anak nya ay walang maitulong sa pang araw na araw na
kunsumo niya sa araw araw lalo pat ang mga kapatid ko at mga pamangkin ay asa sa kaniya..ang
pinaghuhugutan lang ng pangastos ay isang maliit na palayan at inaalagaan nya ang mga pamangkin ko
sa dahilang walang mga trabaho ang kanilang mga magulang dati din operado ang mama ko sa katarata sa
isang medical misyon sa bayang ng libmanan,camarines sur
...sana po matulungan nyo ang mama ko
salamat po


lubos na gumagalang,
Naty Vale

Address: Matacla goa, Camarines Sur

contact#:
09216178376

November 30, 2012 06:14 AM
Name: Diane AspirasLocation: Las Pinas City
Subject: Tindahan ni Aling PuringRating: 3 stars

Bossing Vic,

Gusto ko po sanang isali ang aking Tita sa Tindahan ni Aling Puring. Ang kanyang
pangalan po ay Felicitas Bautista, 836 Leyte Del Sur, Sampaloc, Manila. Siya po ay 74 years old at
may maliit na tindahan na pinagkukunan niya ng pangastos sa gamot at pagkain nila ng aking pinsan na
si Maila, sya po ay mahigit 30 years old na at special child. Sana po ay maging recipient ang aking
Tita Feling at pinsang si Maila upang makatulong sa kanila ikakabuhay. Mabait po ang aking Tita
kaya sana po ay dingin iyo ang aking kahilingan para sa kanila. Salamat po sa patuloy nyong
pagpapasaya dahil sa Eat Bulaga. Salamat din sa dami ng inyong natutulungan. Best regards, Diane.

November 29, 2012 04:43 AM
Name: jennylyn santiagoLocation: manila
Subject: EB BABESRating: 3 stars

hello EB , im one of your loyal fan .. i always watching eat bulaga since im 7yrs old, im 19 yrs old
now in legal age. i really love eat bulaga the only thing i doesn't like was the EB BABES ..
nakakasira lang sila sa manunuod ehh .. kakabanas talaga wala kaming excitement kapag sila yung
nakikita nmn .. maganda pa dati yung sexbomb .. haiy .. sana ibalik niyo na sila for the sake of the
show .. many fans want them .. so please pay attention .. THANK YOU .

November 26, 2012 06:32 PM
Name: mary ann ramosLocation: kabya alley l19,b40l p3 e3 longos malabon
Subject: tindahan ni aling puringRating: 3 stars

isang mapagpalang araw po sa mga taong patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga taong patuloy na
mangarap upang matupad ang pangarap nila sa buhay.
ako po si mary ann ramos may trabaho at may
3anak sumulat po ako sa inyo di po para sa sarili ko dahil sa mga taong pina aaral po naming mag
asawa,guzto ko po talagang magkaroon ng sariling tindahan dati po meron akong izang maliit na
tindahan dhl sa bagyo nasira po siya malaki po ang naging tulong nila samin lalo na sa pang araw
araw na gastos ng mga anak ko at pina aaral namin kya lng nung nagdaang bgyo inabot din po kami ung
naipon namin ay nagastos din po namin pang upa ng bahay na malilipatan namin.dina po ako nakagtinda
dahl wla ng puhunan ung tindahan kya natigil ko na po.etong sulat ko malaking maitutulong sa 3colege
na pina aaral po namin mabibilhan na po namin sila ng mga kinakylangang nila sa school,dahil madalas
po kahit di nila sabibin nararamdaman kong nahirapan din po sila pero dahil pangarap po nilang
makatapos talaga tyga nlang kahit pamasahe lang ang dala nila pagpasok sa school bosing aling puring
sana po magustuhan niyo ang sulat ko anu man pong tulong ang maibibigay nyo ay buong puso kng pasasa
lamatan sampu po ng aking pamilya dalangin po naming yumabong pa ang inyong programa.

merry
christmas and happy new year


gumagalang.

mary ann ramos
09325261038

November 26, 2012 08:21 AM
Name: JASONLocation: valenzuela city
Subject: bossingRating: 3 stars

sana po makapunta po ako dian sa broadway centrum ...salamat po mkore power eat bulaga

November 26, 2012 05:49 AM
Name: ARLENE M. ANCHETALocation: Blk 4 Lot24 Quartz St., Goldenville 2, Sabang Dasma. Cavite
Subject: Tindahan ni Aling Puring 

Isa po ako sa taga subaybay ng palabas nyo tuwing tanghali, sumulat po ako sa dahilang gusto ko
pong
sumali at magka negosyo sa Tindahan ni Aling Puring.35y/o n po ako at kasalukuyang buntis,
manganganak po nitong December. Sa kasalukuyan ay wala akong trabaho, pero may online job po ako,
home-based. Ang aking asawa ay nagtatrabaho bilang IT Technician sa isang company sa Navotas. Ang
maliit na sweldo nya lang po ang pinagkakasya namin pra sa araw araw na gastusin at nakikitira lang
po kami sa ngayon sa aking mga magulang. Kaya gusto kong magtindahan nlng dito sa harap ng bahay
nmen para kahit papano makatulong.Gusto ko nman pong kumita para mgkatulong kmi sa
gastusin, hindi
po ako makapagtrabaho sa ngayon kasi nga po manganganak po ako.Sana po matugunan ninyo ang
munti
kong kahilingan. Merry Christmas and Happy New Year po sa inyo Dabarkads...

November 23, 2012 04:06 AM
Name: Antonio B. QuilesteLocation: #9-A M. Sevilla St. Parang Marikina City Philippines
Subject: Eat Bulaga's Tindahan Ni Aling Puring (PureGold)Rating: 3 stars

Dear Eat Bulaga's Tindahan Ni Aling Puring,

Magandang araw po sa inyo mga Sir Tito, Vic
and Joey at sa lahat po ng bumubuo ng programang EAT BULAGA, ganun na din po sa Tindahan Ni Aling
Puring at sa PureGold po. ako po si Antonio Barquez Quileste 31 yrs. old, ipinanganak noong jan. 17,
1981. may-asawa na si Eleonor E. Quileste, may dalawa po kaming anak si Guinevere Gail E. Quileste
2yrs. old at si Maia Gail E. Quileste 1 yr. old. Sa ngayon po, kami po ay nakikipisan sa bahay po ng
nanay ng aking asawa na si nanay Teresita. Ako po ay lehitimong tubong Brgy. Parang Marikina kung
saan dun po nakatira ang aking mga magulang na si nanay Lourdes Barquez Quileste na ngayon ay 67 yrs
old na po. at ang tatay ko po na si Jose Quileste na ngayon po ay 65 yrs. old. walo po kaming
mgkakapatid, ako po ang pangpito, pangalawa sa bunso, panganay na lalaki.

Dati po noong
taon 2002 ay meron pong pinundar na maliit na tindahan ang isa po naming kapatid para po merong
kabuhayan ang magulang po namin. Noong umpisa po ay maraming paninda pero napapansin ko po na habang
lumilipas ang panahon ay unti-unti nalulugi ang tindahan, dun po kasi kami noon kumukuha ng
pangtustos sa pang araw-araw pangangailangan sa para sa bahay na hindi agad naibabalik yung halagang
nagamit pati na din po yung puhunan, nandyan din po yung mmarami nangungutang, na karamihan ay hindi
nakakapagbayad ng maayos, hanggang sa tuluyan na nga po nagsara ang maliit na tindahan ng aming
magulang.

Noong ako po ay nagtatrabaho pa sa isang distribution company, ay nakakapag abot
ako ng kahit na maliit na halaga sa mga magulang ko, yun po ang munting paraan ko po para man lang
kahit sa ganoon ay makatulong ako, makapagshare pandagdag budget nila sa mga pangangailangan nila sa
kadahilanang pareho na po silang senior citizen. Pangarap ko po sana na mabigyan ng konting
kaginhawaan ang aking mga magulang. Dahil sa ngayon po hindi man po nila direktang sinasabi ay
talaga namang nakikita ko sa kanilang pangangatawan na gusto na nilang medyo relax, at maenjoy ang
pagiging senior citizen. Gawa ng kapos din po kami ng aking pamilya, ay madalang at halos hindi na
po ako nakakapag abot sa kanila ng kahit na konting halaga. Kaya naman kahit na sinasabihan naming
magkakapatid na huwag ng magtrabaho, paminsan minsan ay napipilitan din silang kumayod para meron
din silang pandagdag budget para sa pangangailangan nila.

Kapagka minsan na nadadalaw ako
dun sa magulang ko at nadadatnan ko ang ganoong sitwasyon, alam kong hindi maganda ang kalagayan
nila, na pag kinausap at kinumusta mo, ang isasagot nila ay "maayos naman anak", pero ang
totoo, nahihiya lang silang magsabi ng kailangan nila dahil alam nilang wala kaming maitutulong
pinansiyal sa ngayon, dahil hikahos din ang buhay namin ngayon. Yung tagpong ganoong sitwasyon ng
pag-uusap namin ng mga magulang ko ang talaga namang dumudurog sa aking puso at nagpapangilid ng
luha sa mga mata ko.

Sa ngayon po ang kabuhayan po namin ay sa pag aahente ng kape na nag
aalok sa mga kainan, carinderia, kapihan. Sa ngayon po ay nasa alanganing kalagayan ang aming
kabuhayan sa kadahilanang wala na kaming maipambili ng mga stocks na kape na mailalako pambenta gawa
ng yung puhunan po namin ay unti-unti pong nagagamit pantustos, panggastos sa pang araw-araw na
pangangailangan ng aming pamilya. Nagawa na rin po naming manghiram, mangutang (na madalas po ay
natatagalan bago namin mabayaran ng buo ang aming nahiram na pera.) para magpatuloy ang aming
kabuhayan pero dahil nga minsan dumarating sa punto na talagang mas malaki ang gastos sa pampamilya
kumpara sa kinikita ay nauuwi sa unti-unting pagkaubos ang maliit na puhunan.

Sa ngayon po
na wala na po kaming maipuhunan ay naghanap po kami ulit kami ng mga pedeng mahiraman. Kapag wala
pong mahiraman, Kapag linggo, kinokontak ko po yung iba ko pong kaibigan na computer technician,
bakasakaling pedeng makasama pag merong service repair ng personal computer sa mga kliyente po nila.
Sa ganoong paraan ay binibigyan po ako ng konting halaga, yun po ang pinagkakasya namin ng aking
pamilya para pantustos at mairaos ang isang araw. pumasok na din po kaming mag-asawa sa pag aahente
ng lupa at bahay, bakasakaling may makausap kami, makatagpo ng nangangailangan, makabenta ng lupa at
bahay para magkaron ng kita pandagdag puhunan. Sa kadahilanan wala po kaming puhunan para sa aming
kabuhayan, sinubukan ko po lumapit at manghiram sa kapatid po naming panganay, sinabi ko po na
ibabalik ko po ng paunti-unti pag medyo nakaluwagluwag po kami. at hindi naman po ako binigo na
pahiramin ng pera. yun po ngayon pinagkakasya namin para po mairaos ang bawat araw habang naghahanap
po ng iba pang paraan para po magpatuloy ang aming kabuhayan.

Sana po ay loobin ng
Panginoong Diyos matulungan ninyo po ako na matupad ang dalangin ko po na mabigyan ng kahit na
konting kaginhawaan ang aking mga magulang na ngayon ay nasa dapit-hapon ng kanilang buhay.


Maraming Salamat Po.




Lubos Na Gumagalang,




Antonio Barquez Quileste


477-81-59 / 0923-733-53-24

November 21, 2012 05:03 PM
Name: annjelica tanigLocation: city of san fernando pampanga
Subject: tindahan ni aling puring 

Dear eatbulaga's tindahan ni aling puring,

Ako po si annjelica tanig, ako ay lumiham
sa kadahilanang nais kong magkaroon ng tindahan ni aling puring ngunit hindi para sa akin kung para
sa aking tita babes, willierose romero, nakikita ko na nahihirapan sila ngaun magmula ng magkasakit
ang tito ko at ngayon ay nwalan pa ng trabaho ang aking tita...sa ngaun patuloy pa rin ang paggamot
sa tito ko natigil na rin sa pagaaral ang aking dalawang pinsan at may anak pa siyang
"special" na hnd rin mpunan labis akong naaawa sa kanyang kalagayan..sa labis na
kgustuhang makaraos ay nagbabakasakali syang mkapangibang bansa ngunit sa kasamaang palad ay
nabiktima xa ng panloloko at natangay ang natitirang ipon nya... sana sa programa nio ay matulungan
xa upang may makuhang panggastos sa arawaraw...

Umaasa ng lubos,
Annjelica.

November 21, 2012 06:38 AM
Name: Basha DomingoLocation: 11- D Sto. Tomas St, Brgy Don Manuel, Galas, Quezon City
Subject: Bossing VicRating: 3 stars

Hello po sa inyong lahat, maraming salamat sa program nyo dahil sa inyo ang dami nyo na22lungan mga
tao, super best of luck po sanyo lhat.
gus2 ko po sna malaman kung paano po kami makakasali para sa
juan for all all for one nyo na game,...at bossing vic paano din po kaya ang makasali sa money drop
game show nyo,..maraming salamat po

November 18, 2012 01:26 PM
Name: Janette DichosoLocation: San Pablo City,Laguna Philippines
Subject: Tindahan ni Aling PuringRating: 3 stars

Magandang araw po sa inyo sa lahat po ng bumubuo ng Eat Bulaga,mula po sa mga host at staff. Ako po
si Janette Dichoso, 33 years old may asawa at 2 anak. Nakatira sa Brgy. Sto angel San Pablo
City,Laguna.
Ako po at ang aking buong pamilya ay lagi sumusubaybay sa inyong programa eat bulaga
lalo na po ang All For Juan, dahil kami po ay lubos na natutuwa sa kabutihan nagagawa ng inyong
programa para kapwa lalo na sa mga nakakapos sa buhay.
Ako po ay lumiham din sa inyo sa
kadahilanang isa po ako sa nangangarap na maabutan ng inyong mabuting kalooban.Hangad ko lang po na
maging parte ako ng TINDAHAN NI ALING PURING at makakapag patulong sa inyo na mapaunlad ang aking
namanang tindahan sa aking namayapang ama.Nun po namayapa ang aking ama ay ang aking Ina ang
nangasiwa ng Tindahan naming ito,subalit dala na rin ng katandaan pinag bawalan na rin sya ng
kanyang Doctor na gumawa ng mabibigat na gawain dinisisyunan ng aking ina na isarado ang tindahan,
subalit ang tanging pumasok sa isipan ko ay hingin ang paghahawak ng tindahan sa akin ina dahil ang
tanging pangaral na iniwan sa amin ng aking ama ay huwag magpapawala ng tindahan dahil kung meron
nito kahit kailan kahit singko ay di ka mawawalan at ito ay nanggaling parin pangaral mula sa aking
Lola. Gusto ko po paunlarin ang tindahan kung sana po ako ay inyong matutulungan.
Eto po ang aking
contact no:09494291345, kung sakali po ako ay mamaabot ng inyong mabuting kalooban.
Maraming
salamat po at pag palain po kayo ng Mabuting Panginoon Diyos!!!

November 16, 2012 05:53 AM
Name: Nympha P. OrtalizaLocation: Blk 72, Lot 38 Dona Aurora St. Brgy., Rizal, Makati City
Subject: To Bosing Vic, at sa Dabarkads ng eat BulagaRating: 3 stars

Isa po ako sa taga subaybay ng palabas nyo tuwing tanghali, sumulat po ako sa dahilang gusto ko pong
sumali at magka negosyo sa Tindahan ni Aling Puring.35y/o n po ako hindi na po ako matanggap sa
work, kaya gusto kong magtindahan nlng dito sa harap ng bahay nmen.Ang Mr.ko lng po ang nagtatrabaho
sa amin,di po sapat ang kita nya para sa amin, gusto ko nman pong kumita para mgkatulong kmi sa
gastusin, nag aaral n po ang 2 nming anak mlaki ang gastos kaya kaylangan po ng exta income para sa
family ko.kapag pmasok na sa skol ang mga bata ako nlng naiiwan sa bhay.Sana po matugunan ninyo ang
munti kong kahilingan.merry Christmas and Happy New Year Dabarkads...

November 16, 2012 05:44 AM


Vilma Lucas

Location:
Posts: 1
Level: 0

Aling Puring


Dear Eat Bulaga,
Ako po si Vilma S. Lucas, 42 years old naninirahan sa 418 Calle Gipit, San
Pablo Malolos City Bulacan. May asawa at may tatlong anak. Isang lalaki at dalawang babae. Ang
isa kong anak na lalaki ay anak ko sa una kong nakarelasyon hindi kami nakasal dahil pumunta sya sa
Canada at ang pangako na babalikan kami ang aking pinanghahawakan subalit ang pangakong kanyang
binitawan ay hindi natupad. Siya ay nagkaroon ng ugnayan sa ibang babae kaya mula noon natuto akong
tumayo sa aking dalawang paa para matugunan ang pangangailangan ng aking anak na isang taon at anim
na buwan pa lamang sya noon. Kinailangan kong iwan ang aking anak sa aking mga magulang at ang
aking kapatid na si ate Ming ang nag- alaga sa kanya para makapagtrabaho sa Maynila.
Ang dahilan
po kung bakit ko gustong magkaroon ng “Tindahan ni Aling Puring” ay ang
kadahilanan na gusto ko po itong ibigay sa aking ina at kapatid na naninirahan sa Apalit, Pampanga.
Nang mamatay po ang aking ama isang maliit na tindahan na lamang po ang kanilang ikinabubuhay nila.
Sa hirap ng buhay unti-unting humihina ang tindahan pero hanggang ngayon naman po ay nag-ooperate
pero halos wala ng laman. Sa pamamgitan po ng tindahan ni Aling Puring magkakaroon nap o ng liwanag
ang buhay nila. Kahit po panawid lang po nila sa araw-araw ay malaking bagay na po iyon. Noon ko
pa pangarap na matulungan sila pero dahil po kami rin ay nakakaraos lang sa araw- araw kaya po diko
man lang maisakatuparan ang pangarap ko sa pamilya ko sa pamamagitan po ng “Tindahan ni
Aling Puring”. Ito na rin po ang magiging daan sa aking taos pusong pasasalamat sa aking
magulang at kapatid na nag- alaga at nagmahal sa aking anak. Maraming Salamat po sa Eat Bulaga at
Puregold sana pomaging daan po kayo sa aking munting pangarap para sa aking pamilya.


Nagpapasalamat po muli;


Vilma S. Lucas

Name: irene bonggatLocation: muntinlupa
Subject: juan for all all for juanRating: 3 stars

magandang hapon poh sa lahat ng buobuo ng eatbulaga...lalo n poh kay bosing vic..araw araw poh akung
nano2od ng eatbulaga pag kagaling koh poh sa trabaho,, kasambahay lang poh akoh..27yrsold..may anak
poh akoh 2...guzto koh lang poh malaman kung pno poh sumali s tindahan n aling puring...gusto koh
poh ksi n mag karoon ng negosyo kahit maliit lang poh..un nga poh ang mag katindahan...nais koh poh
n ma2lungan ang mga magulang koh ...ksi poh ay akoh lang poh ang ng iisang anak nla...at akoh lang
poh ang ng ha2nap buhay ,, para poh mabuhay koh ang 2 kung anak at ang mga magulang koh poh...sana
poh ay ma2lungan ninyo akoh...salamat poh...more power poh sa inyung lahat...sana poh ay lalo kayung
pag palain ng dios s mabuti ninyong puso... i2 nga poh pla ang no# koh 09103295231 sana poh ay mapag
bigyan poh ninyo ang munting kahilingan koh...salamat poh ulit..eatbulaga...'',

November 14, 2012 09:30 AM
Name: nhel rose a. padayaoLocation: san jose del monte bulacan 2000 blk3lot12sec25phase3
Subject: tindahan ni aling puringRating: 3 stars

magandang umaga po sa mga dabarkads gusto ko sanang makasali ang aking mama sa tindahan ni aling
puring kasi po may maliit kaming sari-sari store na minsan may laman minsan naman po wala .kasi po
ang aking papa na dati po kasi sya ofwu sa saudi gusto po sana nyang bumalik kaso po naloko kami
gusto ko po sanang maging regalo sa kanila sa weding anniversary desyembere 9

November 14, 2012 12:40 AM
Name: APPLELocation: MAKATI
Subject: EB BABESRating: 3 stars

Hello EB Im your solid fan since childhood.Wala po akong concern sa lahat ng pakulo nyo kasi lahat
naman po ay ok ang patok.masaya lahat ng pakulo nyo ang,mga hosts ok lahat.isa lang ang d maganda at
ok sa inyo,ung mga dancers nyo.ang tagal na nila dyan abgo na lahat d pa rin sumisikat.no wonder
kung bakit mga dating member na eb babes ay wala na lahat.d sabay sumayaw tapos d pa mga
magaganda.masyadong maluwag ang stage dahil konti lang sila.ang daming feedback nung naglaban cla ng
barangay bombs.puro pangit ang feedback sa eb babes.i dont konw kung minamaind ung mga comments sa
inyo.kung d pa sila nagpaputi ano pa kaya sila.ibalik nyo ang sexbomb daming nagrerequest.dapat
bigyan nyo halaga ang mga requseyng mga viewers nyo.para din 2 sa ikagaganda ng eb.tingnan nyo mga
dancers nyo lang d maganda sa inyo.hope nabasa nyo sa comments sa eb babes garbe!concern lang
po,thanks and more power...godbless!

November 13, 2012 09:31 AM
Name: marilou c. delos reyesLocation: blk 48 d lot 24 ph3 e2 kaunlaran village malabon city
Subject: tindahan ni aling puringRating: 2 stars

ako po si marilou delos reyes, may asawa at 5 anak, na naktra sa malabon city.kaya po ako sumulat sa
inyo para maipabatid sa inyo ang aming mga hinaing. ako po ay may 5 anak at ang 4 dito ay mga nag
aaral, ang aking asawa ay isa pong OFW sa Saudi. halos d po sapat ang kanyang kinikita pra sa amingb
pamilya, kaya ang hangarin k po ay makatlong sa aking asawa lalo nasa pag aaral ng aking mga anak.
gusto ko po sanang magkaroon ng isang maliit na tindahan para sa pandagdag kita at pra sa aming araw
araw na panganagilangan. bossing sana po isa ako sa mpalad na magkaroon ng tindahan ni aling puring
pra sa pagtatapos ng aking mga anak sa pag aaral. naway pagpalain po kayo ng may kapal sampu ng
inyong samahan lalo na po kayo bossing ikaw po ang ginawang instrumento ni lord pra makatulong sa
aming mga mahihirap. maraming maraming salamat po sa eat bulaga.

November 12, 2012 07:47 AM
Name: marilou c. delos reyesLocation: blk 48 d lot 24 ph3 e2 kaunlaran village malabon city
Subject: pra sa tindahan ni aling puringRating: 2 stars

magandang araw po dabarkads lalo na syo bossing, ako po si marilou delos reyes 34 na taong gulang na
may asawa at 5 anak. tga blk 48 d lot 24 ph3 e2 kaunlaran village malabon city. nais ko sanang
magkaroon ng sariling negosyo para makatulong sa aking pamilya. lalo na sa panahon ngaun. ang aking
aswa ay isang ofw sa saudi, halos d po sapat ang kinkita ng aking asawa para sa aming
pamilya.bossing sana po. isa po akong mapalad na magkaroon ng tindahan ni aling puring lalo na sa
ngaun sapagkat npklaking tulong nito sa aming araw araw na pangangailangan lalo na sa pag aaral ng
aking mga anak, lubos po ako nagpapasalamat na sa inyo, at may isang pamilya ang natulungan ni aling
puring sa pagtatapos ng aking mga anak lalo na po ngaun na kasali sila sa honor ng kanilang
eskwelahan.naway dinggin ng poong maykapal ang amingb panlangin at naway marami pa po kayong
mtulungan na katulad nmin. maraming maraming salamat sayo bossing at pati sa cast ng eat bulaga na
patuloy kayung sumusuporta sa aming mga mahihirap.

November 12, 2012 07:29 AM
Name: chelLocation: davao city
Subject: for tindahan ni aling puringRating: 3 stars

hi mga dabarkads!!!
everyday po talaga ako ng search sa net hinahanap ko po kc address sa pg join
ng tindahan ni aling puring, kasi pag watch po ako ng eat bulaga hindi ko mkuha2x agad ang nka post
na address kung mgpadala ng sulat sa tindahan ni aling puring, sana po mgreply kayo sa akin mtagal
ko na po gusto mgpadala ng sulat para sa mama ko po, pls po gusto ko o mlman kung paano mg join at
ang address po para maipadala ang sulat ko..sana po mgreply agad kayo mghihintay po ako..Godbless
Eat Bulaga!!solid ako sa nyo..

November 09, 2012 03:39 AM
Name: victor dizon jrLocation: mandaluyong city,hagdan bato itaas 247 a bonifacio st
Subject: tulungan niyo po koRating: 3 stars

plzzzzz gusto ko po san sumali panu po b eto po contact ko po 09273912789/09071439729 gusto ko po
kc sumali tulungan niyo po ako...isa niyo po ko sa manga taga hanga ng gma7 at lagi tatangkilik ng
laht ng palabas po.....plzzzzzz po po po
'

November 06, 2012 10:10 AM
Name: victor dizon jrLocation: mandaluyong city,hagdan bato itaas 247 a bonifacio st
Subject: sasali po ko ng kilabot panu poRating: 3 stars

panu po sumali ng kilabot sa eat bulaga gusto ko po san sumali eto po contact no# ko po
09273912789/09071439729 tulungan niyo n mn po ko

November 06, 2012 10:07 AM
Name: Dianalyn Paralejas JimenezLocation: olongapo city
Subject: "Tindahan Ni Aling Puring"Rating: 3 stars

Mapagpalang araw po! Ako po si Dianalyn Paralejas Jimenez ng Olongapo City. Ako po ay may asawa na
po sa edad na 22 years Old at may isa na po akong anak na lalake. Nais ko pong tulungan ang aking
asawa sa kanyang pag tratrabaho sa pamamagitan po sana ng isang sari sari store. nais ko po siyang
tulungan sapagkat di po sapat ang kanyang sinasahod para po matustusan po namin ang aming anak.
nakikitira pa din po kame sa aking magulang gusto ko po sana na makapag bukod na po sa pamamagitan
po nang pag kakaroon ng tindahan ni aling puring para po makapag simula na po akong makatulong sa
anak at asawa ko po. sana po matulungan nyo po ako. hindi pa po nabibinyagan ang aming anak. alam ko
po sa pamamagitan po ng tindahan ni aling puring ay makakapag ipon po kame para po sa pag bibinyag o
pag aalay po ng aming anak. at para din po sa kinabukasan nya. sana po matulungan nyo po ako..
Maraming Salamat Po! More Power! God Bless You All!!!

November 05, 2012 10:16 AM
Name: masterpeteLocation: Cavite
Subject: samarRating: 3 stars

napanuod ko po dati sa iWitness na mahirap na probinsya ang samar. sana po makapunta po ang juan for
all all for juan duon.

November 02, 2012 06:09 AM
Name: masterpeteLocation: Cavite
Subject: Anjo YllanaRating: 3 stars

Hindi po ba pwede tanggalin si Mr. Anjo Yllana sa show nyo. Unang una wala syang ka talent talent.
di marunong kumanta, magsayaw, mag emcee, at corny syang magpatawa!

mahal po namin ang eat
bulaga. panira lang sya. Sorry!

November 02, 2012 06:07 AM
Name: nildee cuadroLocation: 1123 esmeraldakgitingan tondo manila
Subject: no# 1 tlaga ang eat bulaga.u are the bestRating: 3 stars

mga dabarkad at bossing vic u are the no# 1 and best show in the word.wla kyong kapares.marami
kyong npa2sayang tao.at natu2lungan.sa juan for all all for.thank u rin po ky mam paulin dhil kung
di sa kanya di kmi mka2panaood ng aet bulaga.ang ganda ganda at sexy nya po.ms ruby idol na idol rin
kta.sna mka pag picture kmi sa mga dabarkad at bossing vic.araw araw q kyong ipag pray plgi lhat ng
mga taga eat bulaga.
more blessing 2 come..
i love you eat bulaga.

October 10, 2012 06:28 AM
Name: fredmarkLocation: quezon city
Subject: sana po maka bisita kayo sa amin.Rating: 3 stars

paanu po ba makakasali ang brgy namin sa 1 4 all,all 4 1?

October 09, 2012 03:48 AM

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18 - 19 - 20 - 21 - 22 - 23 - 24 - 25 - 26 - 27 - 28 - 29 - 30 - 31

Posts are moderated for non-members. Fields with asterisk are mandatory.

Post A Comment

Enter your name.

Enter your e-mail address.

Enter your location (City, State, Country).

Enter the subject of your comment.

Enter your comment. HTML and BBCode are disabled.

Rate this series.