Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Failon Ngayon

New Topic

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18

Name: lina dela cruzLocation: obando, bulacan
Subject: annulment 

dear mr. failon,

good day po, mr. failon, ito po ay tungkol sa aking anak na babae na hiniwalayan
ng kaniyang asawa 2 years ago, sila ay me 2 anak aged 5 (lalake} and 3 (babae) na sa ngayon.
nakipag-live-in ang asawa ng anak ko sa kaopisina niya at recently sinabi niya na annuled na sila ng
anak ko at buntis yung kinakasama niya at balak nilang magpakasal sa sibil. hindi po namin
maintindihan kung paano nangyari ang annulment na walang kaalam-alam ang anak ko, to think kasal
sila sa simbahan. nakakuha po kami ng kopya ng annulment sa queson city hall and it was granted by a
certain judge of imus, cavite. legal po ba ang ganito? hindi po ba dapat ay pinag-usapan ito ng
magkabilang panig? puwede po bang kasuhan ng bigamy at falsification of public documents ang asawa
ng anak ko? puwede rin po bang kasuhan ang judge na nag-grant ng annulment without proper
proceedings? ilan lang po ito sa mga katanungan na bumabagabag sa amin ngayon at sana ay matulungan
ninyo kami.

maraming salamat po.

gumagalang,
lina dela cruz

November 09, 2011 02:34 PM
Name: leo dizonLocation: Para?aque City
Subject: Kaawa-awang Mae2xRating: 3 stars

Sir Ted,

Good evening Sir Ted, ako po si Leo Dizon ng Para?aque City, palage po akong
nakasubaybay sa mga palabas nyo sa tv (Failon Ngayon at tv patrol) ako po ay inyong taga
hanga dahil sa galing nyo bilang broadcaster at bilang ordinaryong tao na humaharap sa hamon ng
buhay.
Sir Ted may isang bata kasi na nasa PGH ngayon, pinsan sya ng girlfriend ko, Ma. Jessa
Mae B. Don po ang name nung bata ang edad nya ay 15 taong gulang, ganito po kasi ang nangyare, nung
marso po ng kasalukuyang taon papasok na sana sa school c mae2 ng mabangga siya ng tricycle, na
puruhan po yung ulo nya kaya nakacoma sya ilang buwan din po sya bago nkarecover at nkalabas ng PGH
tpos nitong nkaraang linggo lang po eh sinugod po ulit sya sa PGH, ngayon po eh mas malala po yung
lagay nya, sobrang naawa po ako sa pamilya ng bata kasi hikahos din po sila sa buhay, wala na po
silang malapitan kasi po maski mga pulitiko nilapitang nila dati eh wala din po naitulong sa kanila,
ako po'y nagbaka sakali lang po na mapansin nyo tong mensahe ko para naman po kahit papaano eh
makatulong po sa kanila. Sir Ted sana po kahit hinde nyo po matulungan si mae2 kasi alam ko pong
madami pa kayong tinutulungan sa ngayon eh mabisita nyo po sana ang ating Philippine General
Hospital, grabe po kasi yung mga pasyente dun sobrang kahabag habag po, Sir Ted kinuha ko po ung
pangalan ng magulang ni mae2 at knilang numero para po kung saka sakaling matulungan nyo
sila.
Rizaldy Don
Alma Don
add: 398 dalandan st. Sampaloc Site 2 Sucat Para?aque City.
contact #
0929-534-1069

lubos na gumagalang,
leo dizon ng Para?aque City

November 09, 2011 12:38 PM
Name: April B.Location: Malolos, Bulacan
Subject: KANATA INTERNATIONAL CASERating: 3 stars

Sir Ted,

Nais ko pong manawagan sa mga may reklamo sa KANATA International may kaso na po kaming
isinampa at kung gusto po nilang sumama para tuluyan ng mapasara at mapakulong ang mga taong involve
ay pwede po kayong sumama ito po ang case no. Prosecutor Melquiades Mutiangpuo ng Makati City
Prosecutors Office na may Docket No. XV05INV-02544.

Sana po mabilanggo na silang lahat dahil ang
Kanata ay illegal recruiter na nagpapa alis ng ang gamit ay tourist visa na may kasamang trabaho na
caregiver. pag maraming complainant matitiyak po nating di sila makakapagpyansa at mabubulok sa
kulungan habang buhay... Salamat po

November 07, 2011 07:45 AM
Name: gladysLocation: lucena city
Subject: we need your help 

Dear Ted Failon,

Please Help Us In My Brother's Fight For His Life

I have heard a lot of
people say how they hate hospitals. Well, I won't go with the trend. I am indifferent with
hospitals. I don't like them; why would I? But I don't hate them at the same time. I know
how much of a necessity they are in a community.

I've been staying in a hospital for
about a week now. Biro nga ng barkada ko, " Balita ko, lumipat ka na ng bahay." It's
because my second to the youngest sibling is confined in a critical care unit. We in the family know
eversince his birth that something is wrong with his heart and blood. His fingernails bluntly reveal
how he lacks oxygen in his body. (They are abnormally big and violet in color.) However, due to
financial incapability, his medication has never been supported. Nevertheless, he has grown jolly
and normal like a child without such a disease.

However, last April 21, 2011, Holy Thursday, as
we were having our afternoon kwentuhan and kulitan in our house, my brother, all of a sudden, stood
up from lying on the chair, cried out "Ate..." and vomited blood without halt.

We
rushed him into the hospital, found out that he has a wound in his intestine and his blood cannot
perform clotting because he has a low amount of platelets in his blood.

Seeing that he puked a
lot of blood, the doctors said there would be a need for blood transfusion. We looked for possible
donors. His blood type is A+. All willing donors that time were of type O. We were told that blood
type A+ is really hard to find. And my heart really broke whenever we found someone of blood type A+
but unwilling to donate his/her blood.

God intervened.

Results of his blood test
showed that his hemoglobin count is normal. Another test was made. It revealed that he was indeed
lacking a number of platelets. The doctors said red blood was no longer neede, but we had to secure
two bags of fresh frozen plasma (FFP). Malapot daw kasi and red blood niya, kay abnormal ang flow ng
oxygen sa katawan niya. Kelangan ng white blood na pangcounterbalance.

Another good news arrived.
Naging normal ang platelets count niya. Pwedeng one bag of FFP na lang ang isalin sa kanya. Good
enough, we had bucks sufficient enough to buy a bag of FFP. Through God's blessings, the
transfusion was done.

But medicines should still be supplied to cure the wound in his intestines
and a number of labtests must still be done to check the normalcy of his bloood. Thousands of pesos
was still necessary. Exactly at the moment when we badly needed the money, God sent a man preaching
the gospel to each and every room in the hospital. The man did not just carry along with him
God's comforting words but also bulky bags of The Book of New Testament with a thousand peso
bill in each of it.


The lab test was done. Thank God.


But my brother's bout is not
yet over. We were told that still another bag of FFP has to be transfused to him, and that his
heart's condition should be known through the use of apparatuses called 2D Echo and ECG. Those
machines aren't available in the hospital where my brother is confined in, since it is a public
hospital. Those tests are very costly too, that our family's meager income cannot afford
it.

One morning, when we all thought he was starting to recover his body's normal condition,
his blood pressure began to drop. It was 5am and he was asleep. From 90/60, his blood pressure
became 70/50, then 60/40. I was so scared. I woke him up and asked him how was he feeling. He said
he was okay, not knowing he was in danger.

The nurse gave him first aid treatment. Buti na
lang, it somehow worked. I could see that the nurse was relieved too. In my brother's one week
of staying in the hospital, the nurses have grown sympathy for him because of his courage to fight
for his life.

One time, I commented on how brave he was to be able to carry on the hose
situated into his stomach by passing through his nose. He recounted, "Ewan ko ba. Basta sabi
nila (the nurses), lumunok daw ako. Lunok lang ako nang lunok. Tapos paggising ko, aba, may hose na
ako sa ilong."

But the nurses and I both know that what they were giving and doing to
him are all but first aids. My brother needs much deeper sense of medication that neither the
hospital nor our family can provide.

God again moved. An unknown Samaritan sponsored my
brother's 2D Echo test the next day. We come to know what's wrong with his heart. There
was a clog somewhere it. We were referred to the Philippine Heart Center by the cardiologist. My
brother has to undergo surgery. Scary, yes. But being merely a twelve year old kid, my brother said
when asked if he thinks he can carry the operation, "Oo naman. Kakayanin." Then he smiled.

Being not sweet and showy in nature, I cannot say that my brother is one of my favorite
persons in the world. But deep witihn me, I feel how dear he is to me. I want him to be transferred
in a more capable hospital, his situation be handled by a real heart specialist, and his life be
saved and prolonged. There's more to life for him to enjoy. Money is obviously needed. And
that's what we lack. But we'll step forward in faith. By the way, he wants to be a nurse
someday.


We do need your help. Any kind of help would be appreciated. Kindly e-mail
this blogger at mydamnwebpage@yahoo.com.

November 06, 2011 02:40 PM
Name: Shalemar EnocLocation: Quezon City
Subject: Birth CerftificateRating: 2 stars

October 27, 2011

Mr. TED FAILON
News Anchor
Failon Ngayon


Dear Sir Ted,

Sir
sumulat po ako para po sana humingi ng tulong po sa inyo ito po ay tungkol sa aking pinsan na si
Prud E. De Leon. Dahil po ito sa kanyang Birth Certificate si Prud po ay 17 taong gulang po at
nakatira sa lolo seryo at lola pasing ko po sila po ang kanyang tumatayong guardian dahil po ang
kanyang ina po ay namatay na baby palang po siya at ang kanyang ama ay iniwan sya sa pangangalaga ng
aking lolo at lola nung baby pa si Prud. may iniwan siyang birth certificate po pero ito lang
napagbiagyan pansin po napansin po namin na ang nasabing birth cerficate ay walang tatak ng NSO na
nagpapatunay na ito ay registrado po kaya yung lolo at lola ko po ay humingi ng tulong at ito naman
po ay tinulungan ng kakilala po nila natatakan po dahil po ito ay na question sa skwelahan nung high
school po sya kaya poi to ay na asikaso naman pero. Pero nitong natapos na po siya ng high school
wala po kakayahan itong lolo at lola ko na pong mag paral sa kanila dahil ang kanilang hanap buhay
lamang po nila ay pagtitinda at dahil sa katandaan na nila hindi na ito kaya pang masustentuhan pa
kaya sa murang edad po niya ay nagtrabaho na ito bilang tindera pero hindi sapat ang kanyang
kinikita kaya naisipan ni Prud na mag apply sana sa mga Fast Food dun niya napansin na ang kanyang
birth certificate sa gender na may mali instead na Female ang nakatala po dun au Male kaya po gulong
gulo siya po.
About sa ama po niya ito po ay hindi nagbigay at nagpakita sa loob ng 13 years
maliban nung huli isang nung unang beses nyang hanapin si prud ito ay bago niya malaman ni Prud na
may problema sa kanyang birth certificate nya pero wala din naman naitulong ang pagkikita nilang
mag Ama instead mas gusto panito na kalimutan ni Prud yung lo0lo at lola naming na nagpalaki sa
kanya kaya Ipinagpatuloy nalang ni prud ang pagigigng tinder. Lumipas ulit ang taon ito nap o ay
nalaman nya ang problema sa kanyang birth certificate natuwa sya dahil akala nya maayos na ang
kanyang problema pero hindi din pala kay po ako po bilang pinsan niya ay nagsumamo po na mtulungan
po sya kaya po ang unang hakbang kong ginawa ay sumangguni sa tanggapan ng DZMM kami po ay na
endorse sa PAO at nung lumapit po kami dun kami po ay pinayuhang pumunta sa ISABELA at makipagkita
sa isang abogado na mag aasikaso sa amin dun at may binigay na requirements po sa amin una affidavit
na galling sa Ama mismo ni Prud na nag sasaad na Pinapagamit nya ang kanyang Apilyidong DE LEON
pero instead na bigyan siya ng affidavit ng kanyang Ama ito ay pinagkait pa ng kanyang Ama at nag
saad na “WALA AKO PIPIRMAHAN DAHIL SA LAHAT NG NAGING ANAK KO NI ISA WALA AKONG PINIRMAHAN
SA BIRTH CERTIFICATE NILA” at ang kung anu ano pa ang sinabi niya sa BATA. Dahil ditto
gulong gulo na po yung bata hindi na niya alam ang gagawin kami po ng pamilya ko gustiong gusto
naming syang tulungan pero pag dating sa Finacial po ay hindi po kakayanin una ang aking ina ay
makaramdaman sa kanyang ATAY at aking ama naman pos a kanyang BAGA po may pending pang laboratory sa
Lung Center dahil sa kakulangan sap era dahil sa pagtitinda lng uling at gulay ang aming
kinabubuhay. Ngayon dumagdag pa ang lola naming dahil ito ay may Cancer sa Baga kaya naawa ako sa
bata bilang pinsan nag sumamo po ako na mabigyan si Prud na maasikaso ang kanyang birth certificate
kahit hindi na sya pumunta ng ISABELA dahil wala syang kakayahang Financial po lalo pa ngayon nung
tinatanong ni prud sa kanyang ama kung saan poo siya sa ISABELA ipinanganak hinihingi niya ang
address ng kanyang kapanganakan pero nililigaw pa siya nito at kung saan pa siya naitututro ay
napagbintangan pa na bakit po minamadali ang pag asikaso sa birth certificate dahil si prud daw po
ay maghahabol sa pera nila kung pera lang ang habol ng pinsan ko kanila at pati pamilya ko nadadamay
dahil sa pagbibgintang niya na ang ama at ina ko ang nagbago ng birth certificate nya bakit ngayon
lang si Prud nag hahabol ito sa loob ng 17 years ni wala itong sustento naiabot sa kanya instead
tahasang pang sinabi ng ama ni Prud na FAKE ang birth certificate nya at pati yung kasal nung
kanilang ina ay hindi totoo. Hindi hindi magbinigay ng kung anong tulong sa Birth Certificate ni
Prud.
Ang habol lang ng pinsan ko ay maayos birth certificate nya at makapagapply ng trabahong
matino para maipag patuloy nya pag aaral nya sa kolehiyo yun lang ang tanging nais ng aking pinsan.
Kaya po ako dumulog sa inyo at nagmamakaawa po ako na matulungan po si PRUD na iaayos at mai
registro sya para naman kahit sa ganoong paraan po makabawas ako sa bigat ng pasanin po nya. Sana
mabigyan pansin po ninyo ang problema ng pinsan kop o handa po ako magkipag ugnayan pos a inyong
programa po para po maibigyan ng maayos at rehistradong BIRTH CERTIFICATE po si PRUD.


Nasusumamo po at Nagpapasalamat,
Ms.
Shalemar Enoc

October 27, 2011 01:57 AM
Name: Jemmar BarreraLocation: Blk.40 Martinez St. Addition Hills Mandaluyong City
Subject: need some assistane 

sir good day jemmar barrera po pala.im one of your avid fans and watchers of Failon Ngayon
and TV PATROL. Sir i would like to ask some help from you kasi i really need a job.Im from Davao
City and undergraduate po sa college and i have been trying my best na maka hanap ng job dito pero
it seems na maroon po yatang discrimination sa ating sariling bansa kaya i would like to ask some
help from you na makahanap ng work here.Hope you will response to this matter.I know you will not
disappoint me kasi you have a good heart to help other pipol and thats what Failon Ngayon
is all about dba?helping people to solve their problems, public service and commitment to serve and
help the public. Im counting on you sir...I CAN BE REACH THROUGH my email add at
barrerajemmar@yahoo.com.tnx

October 22, 2011 10:56 AM
Name: Jesson HortelanoLocation: Cagayan de Oro City
Subject: Failon Ngayon,Rating: 3 stars

Dear Failon Ngayon,

ako pala si Jesson Hortelano, 25 yrs. old, tapos na po ako
nag-aaral ang course ko ay INFORMATION TECHNOLOGY wala akong trabaho dahil walang makakatanggap sa
akin dahil sa overweight kong katawan may pangrap pa naman ako sa ang mag karoon ng INTERNET CAFE
SHOP kasi yan lang ang pangarap ko sa buhay ko. gusto ko nga magtayo kaso lang wala talaga kami pera
kahit sa kusina namin namin repair hindi magawa sa wala kamiing pera.

lima po kami
magkakapatid yong una & dalawa kong kapatid may pamilya, ypng ikaapat na kapatid ko naman
hanggang high school lang ang natapos n'ya, yong ikalima ko naman kapit nag aaral college ang
course n'ya nursing 2nd year college na.

Yong mama ko naman nag chicken vendor
minsan lugi minsan mag kita pero yong kita n'ya ay bayad utang, yong papa ko naman may negosyo
c'ya ang BJ AUTO SHOP. sana matulungan ninyo ako kahit INTERNET CAFE SHOP lang


salamat poh a inyo dahil marami kayo natutulungan.

salamat .

October 16, 2011 03:56 PM
Name: george l. tawagLocation: tondo manila
Subject: pantalanRating: 3 stars

MR. TED FAILON

Good Day po sa inyo, sampu ng inyong mga kaopisina d'yan sa inyong himpilan
kami po ay mga manggagawa sa buong North Harbor kasama na po ang mga Office Personnel na hindi
naabsorbed nang magpalit ng bagong kontraktor ang Philippine Port Authority.
Sir, kaya kami
nag-email sa inyo ay upang malaman niyo ang buong katutohanan pati napo sa mga ibang hindi pa
nakakaalam, lalong lalo na sa mga kompanya na gustong mag-invest o mamuhunan sa North Harbor dahil
sa ang kanilang makakasama na si Micheal Romero na siyang may-ari ng Manila North Harbor Port
Incorporation (MNHPI) ay isang tuso at ganid walang awa sa mga mangagawa. Hindi sila marunong
magpalakad sa North Harbor, kaya dapat sila ay hindi manatili sa kanilang operasyon sa mga
kadahilanan:

1) Ang kanilang pag-ooperate sa North Harbor ay hindi idinaan sa pagbibiding ito ay
inaward lamang ni Atty. Oscar Sevilla na siyang General Manager noong taong 2009-2010.
2) Wala
silang mga sapat na mga kagamitan tulad ng mga forklift at iba pang mga malalaking equipment.
3)
Wala silang sapat na budget na 14.5 billion para sa pag-modernize o pagbabago sa buong
pantalan.
4) Hindi nila inabsorb ang lahat ng office Personnel kagaya ng kanilang pangako na
naging dahilan para ang mga ito ay magdemanda.
5) Mga naabsorbed na mga manggagawa sa loob ng
pantalan ay di nila maayos-ayos ang mga problema sa loob nh mahigit isang taon tulad ng mga
benepisyo at mga di paghuhulog sa “SSS” at “Pag-ibig”, ang
mga nag-eextra na manggagawa na mahigit isang taon ay di nila mabigyan ng 13 month pay at hindi
mairregular ang mga ito.
6) Mga Shipping lines, Shippers, Consignee at tracking ay nagrereklamo
dahil sa mabagal ang proseso sa kargamento at papeles at masyadong mahigpit ang mga guwardiya sa mga
gates at mahal din sila sumingil sa Arrastre at Stebadoring.
7) Ang mga naninirahan sa buong North
Harbor o squatters ay di nila ma-irelocate.
8) Ang pangako nila na tapusin ang paggawa sa Phase
One o Sampung Pier sa loob ng tatlong taon ay di pa nila naumpisahan.
Maraming Salamat po at
Pagpalain kayo at sana mabanggit ninyo sa inyong programa.....

MGA MANGGAWA SA PANTALAN

October 15, 2011 03:38 AM
Name: bernadetheLocation: bacoor cavite
Subject: assignment 

hi po makisagot nmn po itong tanung q paano masususlusyunan ang nararanasan suliraning sa ating
wika??pki sgt po plss pra po may ma sgt po aq sa project qXDD

October 09, 2011 06:03 AM
Name: MAYLocation: Bukidnon
Subject: tulong 

good day po! gusto ko lang po magtanong kung mai karampatang parusa po ba para sa mga kapolisan na
naka on duty ngunit di po kami magawang tulongan sa gayong humihingi po kami ng saklolo? at sa halip
naglalaro lang po ng computer? emergency po kasi nuon kailangan po madala agad sa ospital ang papa
q, isa po siyang retiradong police malapit lang po bahay namin sa station nila at nakaparada lang
ang kanilang mobile car,. mahirap po kasing isakay sa motor ang papa ko kasi naninigas na po,.
namatay po ang papa q, mabuti pa yong bulaklak ng patay ay naisakai sa sasakyan ng polis pero yong
papa ko po na sa panahong iyon ai nangangailiangan ng tulong di nila nagawang tumulong.
di po ba
kasama sa sinumpaang batas ng mga polis ang tumolong sa mga taong nangangailangan., at sila ang
tagabantay ng batas at katahimikan?papaano pa po nila magagawa ang sinumpaan nila bago pa man sila
nagserbisyo kung mismong kapitbahay at dating kasamahan sa polis ai di nila magawang tumulong? sana
po ay ma aksyonan po ang ilan sa mga kapolisan na madisiplina ng maayos. karamihan din sa kanila
kapag nka on duty ay nagtsitsinilas lamang at dinadala pa ang oamilya sa opisina.

October 08, 2011 07:44 AM
Name: MIALocation: ILIGAN CITY
Subject: PLEASE HELP BREAST CANCER.Rating: 3 stars

AKO PO SI MAE MADRONA SONDONG,HUMIHINGI PO AKO NG TULONG PARA SA KAPITBAHAY KO NA MATAGAL NG MAY
BREAST CANCER,NAAWA PO AKO SA KANYA DAHIL PALAGI PO SIYANG UMIIYAK ARAW MAN O GABI DAHIL SA SAKIT NA
NADARAMA NIYA,NAPAKALAKI NA PO NG SUGAT SA DIBDIB NIYA,SAKATUNAYAN NATANGGAL NA PO ANG ISANG DIBDIB
NIYA.SANA PO MATULONGAN NINYU SIYA HINDI PA NAMAN SIGURO HULI ANG LAHAT PARA SA KANYA,SIYA PO SI
ELIZABETH MALUBAY CRISPO NAJKATIRA SA PUROK 14 CANAWAY TIBANGA ILIGAN CITY..

MARAMING
SALAMAT PO,SANA MATUGUNAN NINYU ANG SULAT KONG ITO.

October 06, 2011 01:31 PM
Name: lenida pagalananLocation: vigan city
Subject: for my son who is in need of your help 

good day!

i would like to seek your help regarding the condition of my son, last november 2011
may pumutok po na ugat sa ulo niya at naoperahan po ang anak ko, ngayon kailangan po siyang ma
andiogram sa maynila kaso nga lang po hindi po namin kaya iyong 60, 000 pesos na gastos para sa
andiogram, kung sakaling may resulta po iyong test ng andiogram niya kailangan po ulit siyang
maoperahan o malazer na naghahalalagang 400k to 650k,sabi po ng doctor mas delikado po kung
maoperahan ulit siya,at mas mabuti daw po pag lazer po iyong gagamitin, ang problema po namin hindo
po namin kaya iyong ganoong gastusin.Sana po matulungan po niyo kami, kialangan po talaga
namin.godbless sir!

contact #:09276521609

September 29, 2011 08:49 AM
Name: laarni arcayaLocation: bais city, negros oriental
Subject: for my brother who is in need... 

magandang hapon po sa lahat na makabasa nito lalo na po kay sir Ted Failon. Sumulat po ako nito
dahil disperada napo akong matulongan ang sitwasyon ng kapatid ko. nalilito na po kasi ako kong saan
ko po pwedeng maiparating kay sir ted ang tungkol dito. alam ko po kasi madami na siyang natulongan
na mga mahihirap na may sakit at nagbabakasakali po akong matulongan niya ang kapatid ko po. baka po
kasi may alam yong iba na makabasa nito kong saan pwede po ako makahinge ng tulong financial para sa
kanya. last year pa kasi nkadiagnose siya na may posterior mediastinal mass. isang bukol po na
matatagpoan sa may esophagus niya na naging dahilan upang nahihirapan syang lonokin ang pagkain o
kahit tubig po. inadvise po kaming operahan siya agad sa philippine heart center para hindi napo
lumaaki at lumala dahil pumayat napo siya ng husto. pero po dahil po sa kahirapan hindi po namin
siya agad napaoperahan, lumapit pa kasi ako sa local government para matulongan po kami sa pag
paopera sa kanya. pero medyo natagalan po un kasi ang dami din pong huminge ng tulong medical sa
kanila. ang maibigay lang nila ay tulong para sa mga gamot at ibang medical na pangangailangan. pero
yong pang opera na halaga ay wala po talaga kaming mapagkokonan dahil 300,000 po ung kailangan.
hangang dumating yong time na hindi napo kinaya ng katawan ng kapatid ko, pumayat napo kasi siya ng
husto dahil sa pagkakataon nato nag lock napo talaga ang esophagos nya. na kahit malambot na pagkain
hindi napo talaga malonok kahit po tubig hindi na ailonok bagkos ay isusoka nalang niya ang ahat na
pagkain at tubig na gusto niya kainin. dahil dito nag desisyon napo kaming dalhin sya sa ospital
dahil 2 days na na walang tubig at pagkain na makapasok sa lalamonan niya dahilan upang butasan siya
sa may bandang tiyan diretso sa intestine niya malapit sa tiyan na. pero di pa din sya pweding
operahan kasi di na daw kaya ng katawan niya kailangan muna da maibalik yong ideal na timbang bago
siya operahan. dahilan upang ilabas siya ulit sa ospital, pero ilang months lang ang lumipas mas
lalong lumala ang condisyon nya ngayong june 2011 lang ipinasok na naman namin siya sa ospital dahil
hindi na siya makahinhe dahil may nakita na namang bukol sa lungs niya, noong unang admit niya
sinabihan kami na first emprssion nila ng mga doctor na stage 4 cancer daw ang sakit ng kuya ko,
pero kailangan nila tiyakin. hindi namin alam na malignant pala ang buko na nakita sa kanya, halos
nawalan na kami ng pag asa lalo na ang kapatid ko kaso hindi kami pweding sumoko hanggat humihinga
pa siya. kahit alam namin na wala kaming pam paospital sa kanya dahil dsa nangyari sa kanya last
month isinugot namin siya sa Lungs center of the philippines hanggang ngayon naka admit pa siya,
dahil nagcomplicate na sa lungs niya ung bukol.. nag polmonya siya at fever na walang untat dahilan
para bumaba ang oxygen nya ng husto kaya hindi na siya makahinga.. akala namin kataposan na ng
kapatid ko halos mag 2 years na niyang dala ang sakit na to. sabi ng doctor kailangan pa i monitor
ang condisyon niya at gawin yong lahat na laboratory.. sa ngayon ligtas pa daw ang kapatid ko, at
pede na namin siya i uwi habang maghintay ng tamang panahon para operahan siya, ang problem sagad na
po ang mga kapatid ko.. walang wala napo talaga kami dahil sa dami po na gastusin niya sa hospital.
kaya po ako sumulat nito at nagbabakasakali na matolongan niyo po ang kapatid ko. DRANDREB ROMERO
ARCAYA po ang pangalan niya ant naka confine parin siya hanggang ngayon sa LUNGS CENTER OF THE
PHILIPPINES.. nasa 140+ thousand napo ang bill namin at hindi po namin alam kong paano namin siya
mailabas sa ngayon at paano pa kong kailangan na sya operahan.. sana po matulongan niyo po ako.. ako
po ay si laarni arcya youngest sister po nila. at kasalukoyang nag woworking student dito po sa
dumaguete city negros oriental. wala napo kaming ama namatay po siya nong 10 years old pa po ako sa
ataki. at last year lang din po mnamatay din ang brother po namin na siyang breed winner po ng
pamilya sa ataki din po. ang mama po namin ay hoouse wife lang po at maysakit din sa puso. tanging
ang dalawa ko pong nkatandang kapatid ang siyang tumutulong sa kapatid ko ngayong may sakit, kaya po
nag mamakaawa po ako kong sino man ang nakakalam para maiparating ko po itong minsahe kay sir Ted.
nagbabakasakali po na matulongan niya ang kapatid ko.. at sana kong pwede po maipost niyo po itong
message nato sa kong saan pweding may makatulong po sa amin..
MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa pag
babasa..

Lubos na gumagalang,
Laarni R. Arcaya
Calasgaan Bais City Neg.Oriental
Cell#:
09262662159

September 26, 2011 09:10 AM
Name: jayden aguilarLocation: taguig city
Subject: C6 Road rehabilitaion 

hi. isa po ako sa mga dumadaan sa kahabaan ng c6 na araw araw nagtitiis sa lubak lubak, mabato at
madilim na c6. napaka delikado lalo na sa mga nakatirang residente ng kahabaan ng c6 lalo na kapag
gabi dahil halos wala kang makita kapag ikaw ay dumadaan. pwera pa sa mga residente ay may mga
eskwelahan pang nakatirik sa tabi ng kalsada kung saan daan daang mga bata ang halos muntik ng
mahagip ng mabibilis na sasakyan. NA FEATURE NYO NA DATI ANG C6 SA ISANG FLASH REPORT, ngunit halos
wala ng pumapansin dito upang ito ay ayusin. ang c6 ay nagmumula sa bicutan, taguig, pasig, at
taytay. malaki po ang naitutulong sa amin ng daanang ito sapagkat walang traffic at mas nakakatipid
kami sa gasolina. sana po ay tulungan nyo kami na kalampagin si Cayetano, Eusebio at Gacula upang
aksyonan ang kalsadang ito. isa po kami sa mga tax payer ng taguig kung kaya't humihingi kami
ng tulong na makita namin ang aming pinaghihirapang ipasweldo sa kanila. salamt po.

September 20, 2011 07:40 AM
Name: vanessa nunalLocation: davao city, philippines
Subject: helpRating: 2 stars

matagal ko na po gusto lumapit sa inyo. nagkaroon po ako ng anak sa isang mayaman na may koneksyon
na tao dyan sa manila. nagkaroon po kami ng anak at pinirmahan nya po ang birth cert ng anak ko.
pero d po sya nagbibigay ng susteneto sa bata. sinubukan ko po lumapit sa abogado pero wala po
nangyari. lum apit din po ako sa brgy nila sa meycauyan bulacan para ipatawag sya at mag usap kami
pero d po ako pinansin ng brgy dahil kilala po sya sa lugar nila. humihingi po ako ng tulong ninyo.

September 15, 2011 11:51 AM
Name: vanessa nunalLocation: davao city, philippines
Subject: helpRating: 2 stars

matagal ko na po gusto lumapit sa inyo. nagkaroon po ako ng anak sa isang mayaman na may koneksyon
na tao dyan sa manila. nagkaroon po kami ng anak at pinirmahan nya po ang birth cert ng anak ko.
pero d po sya nagbibigay ng susteneto sa bata. sinubukan ko po lumapit sa abogado pero wala po
nangyari. lum apit din po ako sa brgy nila sa meycauyan bulacan para ipatawag sya at mag usap kami
pero d po ako pinansin ng brgy dahil kilala po sya sa lugar nila. humihingi po ako ng tulong ninyo.

September 15, 2011 11:46 AM
Name: Annalyn IsonLocation: Cavite
Subject: Help Pls. 

Good Day Sir,

Sir pwede ko po ba makuha ang contact # or email add ng show niyo?
I badly need
your help sir..this is urgent pls..
this is my contact # 09153817717
hope to hear from you soon!

September 15, 2011 05:59 AM
Name: melanie bonifacioLocation: san mateo,rizal
Subject: help 

GUd day po mr ted,d ba po kyo ang nag imbistiga sa kaso ng ISA or international student advisors 4u
inc.Pwede po bang malaman kung alam po ninyo ang bagong address nila sa makati. Kc po, may kakilala
po ako na nagbayad na sakanila pero nabaliwala po. malaking halaga po ang nawala 300,000 po sa hirap
po ng buhay ngayn. sana naman maibalik. kaya po kung alam po ninyo, ipaalam po ninyo sa akin.

September 07, 2011 06:21 AM
Name: Ann JellicaLocation: Malibay Pasay City
Subject: helpRating: 3 stars

Ako po C Ann Jellica Macalintal Cornejo - pwed nyo po ako twgan s no.ko 09081994126

September 06, 2011 12:03 PM
Name: Ann JellicaLocation: Malibay Pasay City
Subject: helpRating: 3 stars

Hello po;
Ako po C Ann Jellica Cornejo tga batangas po ako,ng wowork po ako s isang korean
company s ortigas pasig city,ng tuturo po ako s mga koreans ng english via online....
Tinermenate
po ung contract ko ng wlang mlinaw n dhilan....pumsok po ako nung Sept.1,2011 - Thursday...pgkpsok
ko po bgla nlng po cnbi skin n terminated n po contract ko...pngwa po nila ako ng resignation letter
pra d dw po bad record,pra bgyan dw po ako Certificate of Employment,d man lng po bngyan ng notice n
mteterminate po ako...cnbi lng po nila n last day ko n po nung arw n un...base po s payslip ko wla
po ako kaltas s tax at sss at medicare at iba p pong benefits....
Sana po mtulungan nyo po
ako...kc nainsulto din po at d po nila ako nirespeto...wla po kaalam alam n mttnggal po ako...

Sna po maaksyunan nyo po agd ang reklamo ko...gsto ko lng po ipglabn ung HUMAN RIGHTS pra d n po
nila ito mgwa s iba ko pong mga kwork at s iba pong mga employees....
Maraming Salamat
po....Inaasahan ko po ang agarang pg aksyon....lge po ako nano2od ng inyo pong programa kya s inyo
ko po naicip humingi ng tulong.

September 05, 2011 07:57 AM
Name: warren radazaLocation: sibonga,cebu
Subject: may nakulong na ofw sa ryad saudi. 

pls tolongan nyo po yong kaibigan ng ate ko tomatawag ngayon dahil nakolong po sa ryad saudi arabia.
hindi pa namin alam kong ano na kalagayan nya ngayon...tanx

September 01, 2011 02:05 AM
Name: zelLocation: subic, zambales
Subject: police drug protector !Rating: 2 stars

Ako po ay isang studyante ng subic college. Inutusan po ako ng tatay ko upang ipaalam at ihingi ng
solusyon ang mga maling sistema at gawain ng mga alagad ng batas ditto sa bayan naming.
Ang tatay
ko po ay drug dependent na sa katagalan ay nagging tauhan ng drug pusher na meron daw po nagpakilala
sa kanila na isang Lt. Steve Fernandez na binibigyan ng 15,000 hanggang 25,000 buwanang lagay upang
magsabi kung mayroong isasagawang operasyon ang isang ahensya na sa katagalan ay nakakaharap na
nila. Naikwento ng steve na naging asset nila ang isang muslim na kilala sa pangalang “Ali
Tangkad” at naikwento din ng pulis na sya din ang bumaril sa kapatid ni Ali Tangkad na
kilala sa pangalang “borotchoy” na ayon sa kanya ay binaril nya habang nakamotor
sa highway ngunit hindi tinamaan hanggang sa nakatakbo. Pinagpayuhan din daw ang aking tatay na
bumili ng baril upang magamit kung sakaling may humuli sa kanila, sa katunayan nakabili ang pusher
na kasama ng tatay ko ng 9mm na Jericho, 9mm na noringo, 357 na first class danao. Nakikita ko pa po
na dala ng tatay ko ang 9mm na noringo , ayon sa tatay ko sinabe sa kanila ng pulis na kung sakaling
makabaril sila o di kaya ay mahuli sa kanila ang mga hindi lisensyadong baril ay tawagan lamang nila
ang pulis na nagpakilalang si Lt.Steve Fernandez atsya na daw ang bahala sa lahat. Napag alaman din
ng tatay ko na ang pulis na yon ay dati ring protector ng amo naq muslim na si Maulay Samma Kappa na
sa ngayon ay nakakulong sa BJMP sa barrette olongapo city.
Si Maulay ay nahuli dati nila Lt.Steve
Fernandez sa matain, subic, zambales taong 2010 holy Thursday noon na nabalitaan din na kinabukasan
ay pinalaya dahil nagbigayu daw ng 150,000 at iyon daw ang naging simula nasatwing ikalawang lingo
ay nagbibigay na sya ng pera sa nasabing pulis. Sa ngayon ay patuloy pa din sila sa ganitong gawain.
Sa katunayan po ay may kilala silang isang malakas na drug pusher na dalawang beses nang nahuli
ngunit kinabukasan ay nakalaya din dahil nakapagbayad siyang hinihinging halaga ng nasabing pulis,
ang pangalan ng drug pusher na ito ay Angelito “angel” Taralus na dati nang no.1
sa operation ng PDEA ditto sa musliman area sa matain, subic, zambales.
Nais po sana ng tatay ko
na bigyang pansin at imbestigahan ang mga ito dahil malala nap o ang drug addiction ditto sa bayan
namin. Ayaw naman daw po nilang ipaalam sa mga kinauukulan ditto dahil mayroon din silang kasabwat
sa mga ito.
Natuklasan din po ng tatay ko na ang nagpapanggap na si Lt.Steve Fernandes ay walang
iba kundi si PO3 Javier na alalay ni Col.Salida na ayon sa kanila ay sa S2 nakapwesto. Hindi po ito
sinasadyang natuklasan ng tatay ko. Isinama lamang po siya ng asawa ng aking pinsan na si Rey Quinto
na nagtatrabaho sa mayor's office sa bayan ng subic dahil napagkasunduan nilang paimbestigahan
ang nasabing pulis . nang malaman ng nasabing pulis na natuklasan na ng tatay ko na nagpapanggap
lamang siya, ay gumawa na ito ng paraan upang siraan ang aking tatay sa kanyang kasamahan na si
Ricardo alyas “jay ar” . nang malaman ito ng aking ama ay natakot na sya
sapagkat ang grupo nila jay ar ay mga “hired killer” naprotektado ng nasabing
PO3 javier na nagpapanggap bilang Lt.Fernandes. Alam ng tatay ko ang mgamasasamang gawain ng grupo
nila jay ar tulad na lamang ng pagpatay kay “ayie” arguila na sinasabing asset
umano kaya nahuli si Maulay Samma.
Sana po ay bigyan ninyo ito ng pansin dahil kung hindi po ay
baka ipapatay din nila ang aking ama. Ang tatay ko po ay kumalas na sa kanilang samahan sapagkat
siya ay may takot na baka siya ay ipapatay din. Sana po ay mabigyan ninyo ito ng pansin sa lalong
madaling panahon.

August 26, 2011 02:48 PM
Name: lyn viernes aradanasLocation: united arab emiorates
Subject: panloloko sa visa dito sa UAERating: 3 stars

sir,pls 2lungan nyo po frend ko kong ano po ggwin nya pra mbwi nya agad ang psport at pera n
ibinayad nya s kapwa ntin pinay n ngvvisa d2 pero niloko lng po sya,1yr n pong wla sya visa,mrami po
silang niloko at kinuhaan ng mllaking halaga d2 s al ain..nttkot po kmi n bka mahuli siya d2 at
makulong dhl s kggwan ng kapwa at mpgsamantala nating kbbyan d2,mrami p po syang mloloko kng di ito
maaksyonan agad,,2lungan nyo po kami at pra n rin mprusahan sya dhl naninira sya ng buhay,,pti pmlya
po s pinas apektado dhl di sila mkpgtrabaho d2 dhl wla visa..sir,,,pls help./cp:+971505665075
salamatpo

August 20, 2011 07:11 AM
Name: Sherry LaurenteLocation: Sto. Rosario Vill. Malabon City Philippines
Subject: mapanganib na asoRating: 2 stars

humihingi po ako ng tulong sa inyo na magawan ng paraan ang mapanganib na aso ng aming kapitbahay sa
Sta. Isabel Compound, Sto. Rosario Village, Malabon City. Ang pangalan ng aso ay Zoro, itim, malaki
at nakaktakot. Nanghahabol ng tao, matapang at posibleng mangagat, pinapatay nya ang mga pusa sa
aming compound at kagabi lamang pinatay nya ang aming tuta 7:30pm. Walang nagawa ang may-ari, at
hindi lamang ito ang panaglawang beses, dahil halos lahat ng aming kapitbahay ay hinahabol, at
natatakot sa asong ito. Hindi na makalabas ng bahay ang kanilang mga anak dahil sa pinapabayaan lang
ng may-ari na gumala ito sa aming compound kahit na gabi. Halos lahat ng aming kapitbahay ay
nakasaksi sa pangyayaring ito, at sila din ay naging biktima ng panghahabol ng aso na ito. Sana po
ay matulungan nyo kami na kausapin ang may-ari ng aso bago pa makabiktima ng tao.

August 18, 2011 07:58 AM
Name: renatoLocation: batangas
Subject: chedRating: 3 stars

kinunsinte ni dr. patricia licuanan ng ched ang anomalya sa batangas state university

August 16, 2011 01:30 PM

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18

Posts are moderated for non-members. Fields with asterisk are mandatory.

Post A Comment

Enter your name.

Enter your e-mail address.

Enter your location (City, State, Country).

Enter the subject of your comment.

Enter your comment. HTML and BBCode are disabled.

Rate this series.