Pinag babantaan po ako na bilang na ang araw ko thru tx.. ano po ang pwede kong gawin at pwede ko po ba cla or xa ireklamo?
August 29, 2012 03:55 PM
Name: angelo rabano
Location: padre burgos quezon
Subject: sa lupa
Rating: 3 stars
matagal na pong tenant ang lolo ko,nasa 50 taon na,ngayun po gusto kaming paalisin ng may ari at gagawin resort,may karapatan po ba ang lolo ko na wag umalis dun,sana po masagot nyo agad,kong anung dapat namin gawin,
August 01, 2012 05:56 PM
Name: JC Reyes
Location: G.M.A, Cavite
Subject: katanungan tungkol sa pera
Rating: 3 stars
Hi po! Ask ko lang po kung kahit papano, ano ang pwede kong ireklamo kapag hindi po sumunod sa pinirmahang kontrata? Nagkapirmahan po kasi na hanggang August katapusan, dapat mabayaran na ang utang. Pero wala pa pong August, lagi na kami sinisingil. Madalas pa na minumura kami sa text, and sinasabing wala kaming kwentang tao. Kahit na may kontrata o kasunduan kami, wala daw siyang pakialam, dapat daw mabayaran na namin yun kung hindi ay magfifile siya ng case sa amin.
Ano po kaya ang pwede namin ireklamo? -Sa pagmumura niya po sa amin, alam ko po hindi pa yun pwedeng "libel" since wala naman pong eskandalong nangyari, pero minsan po nakaka-sama na ng loob kahit mahinahon kaming nakikiusap. -Sa pinirmahang kontrata, hindi po ba panggigipit iyon? Wala daw siyang pakialam sa kontrata. Dapat daw po August 1 mabigay na namin lahat ng kulang namin sakanya.
Salamat po.
July 29, 2012 02:57 AM
Name: Rocielo
Location: Lapu Lapu city
Subject: advise
may bibili ako lupa and two gives po at may pinirmahan kami na contract to sale with regards sa two gives na aking pag bayad. Pero na tangal po ako sa trabaho at diko napo mabayaran ang kalahati ng kulang ko sa lupa. May habol po ba ako na maibalik ang pera ko or mapasa akin man lang ang kalahati ng lupa? 400sqm po yung lupa. Salamat po...
July 25, 2012 03:38 PM
Name: mary nor
Location: bulacan
Subject: seeking for advice
isa po akong guro sa public..last 2010 po nagkaroon ng gulo sa buhay q na humantong sa hiwalyan naming mag asawa..sinisira po aq sa net ng kapwa q guro sa public ano po ang pede kong gawin pati pamilya ko ,kamag anak ,church mate dinadamay nya..
July 15, 2012 10:44 PM
Name: aileen lipio marino
Location: sto.domingo,albay philippine
Subject: advice
gud am sir/madam,isa po akong ina, sa tatlo kong anak subalit po wala sila sa pangangalaga ko nasa asawa ko po,. ngaun poang mga anak ko ang edad ng panganay ko 11yrs old na ung kambal ko po 2yrsold palan,.last ko lang po sila nakita noon mg bday anak ko kc po inuwi ng asawa ko d2 sa bahay namin ng nakalipas po ang 1week ng kasakit ang kambal ko sabi po niya uwi nya uli sa kanila kc po buhay pa mga parent nya ako po ulila na meng lubos,.ndi na po nya binalik sa akin at yong panganay po namin anak kasama na po niya,. may trabaho po ako d2 sa lugar namin,.ang suporta ko po sa mga anak ko pinababalik po ng mother in law ko po dahil grbe na pong pagsira sa akin na may lalaki daw po ako na samantala po ndi ko na nga naaasikaso sarili ko lalaki pa kaya,. lagi po kami ng txt ng asawa ko subalit lahat lang po mura ang inaabot ko cinasabihan pa po ako na wala me kwntang ina,. ang gs2 ko lang po mg trabaho kc po noon labis ng g2m naranasan namin ng panganay namin anak ayoko na pong maranasan un ng kambal ko subalit linalayo nila sa akin mga anak ko ndi ko na po cla nakikita kong gs2 ko daw po makita pumunta ako sa kanila iba pong ugali ng mother in law ko,. iba cxa mg tarto ng tao lalo na po noon kong meron lang pong my lakas ng loob mg sumbong na bantay bata na po cxa ibang ugali po niya,. tanong ko lang po gs2 ko pong makita makapiling mga anak ko,. pano ko po cla makukuha na ayaw po sa akin ibigay ng mother in law ko kahit asawa ko,. salamat po,.
July 06, 2012 01:26 AM
Name: ruth
Location: cavite city
Subject: loan
Rating: 3 stars
meron po akong kapitbahay na tinulungan. nagloan sya gamit ang pangalan ko ,. hindi po sya nagbayad dun sa loan,. ako po ang naipit dahil nkapangalan s kin,. at hinuhulugan ko ung loan ngayon,. ano po ang pwede kong ikaso s knya para mbayaran nya ung mga naihulog ko s loan? ayaw nya po kse ako bayaran .
June 26, 2012 01:13 AM
Name: rhaymar
Location: makati city
Subject: rights
mayroong isinanla sa aming kwarto na pwede naming tirahan sa loob ng 3 taon at pagkatapos ng nasabing taon, ibabalik ang perang ibinigay namin,isinanla ito ng nagngangalang Cesar Maceda, at ngayon po ay binenta naman ito sa brgy kaptain ng pitugo na si Kapitan Alvior, May pinatira po sya sa kabilang kwarto, halos dalawang bwan na po silang hindi nagbabayad ng kuryente at sobrang laki na po ng aming binabayaran. ano po ba ang dapat gawin?
June 25, 2012 02:18 PM
Name: jonabel morante
Location: san jacinto pangasinan
Subject: may nakukulong ba sa agreement na pinirmahan
ask ko po atty. kung may nakukulong po ba sa agreement na pinirmahan ng aking kaibigan tungkol sa lupa mana nya un tapos nag agreement cla na magpinsan na pagnatapos ang kaso hati cla ngunit natapos ang kaso ng lupa binenta po ng aking kaibigan ung lupa na yun ngaun nagdemanda ung pinsan nya na parang bakit di daw pinaalam saknya bago nya benta ung lupa ang pinag lalaban ng pinsan nya agreement nila
ano po ba dapat gawin sana mo matulungan nyu po ang aking kaibigan kung may nakukulong po ba sa agreement tungkol sa lupa
salamat po
jonabel
June 17, 2012 09:12 AM
Name: Cresilda Andales
Location: Cebu
Subject: Land owners vs. homeowners
Rating: 3 stars
Nais ko po sanang humingi ng payo. Ganito po kasi. Gusto po kasi kaming palayasin sa lupa ng aming nirerentahan, lupa lang po ang nirerentahan namin kasi po sa amin po ang bahay. Nakatira po kami dito for 30 years na po at ngayun po gusto kaming palayasin. Tanong ko po sana kung ano po ang dapat naming gawin kasi po sa amin po itong bahay at ang kanila ay ang lupa. May magagawa po ba kami dito? Please advice po. Salamat.
June 08, 2012 03:02 AM
Name: chabelita
Location: philippines
Subject: lending
ano po kaya gagawin ko if ung ginarantoran ko sa isang lending company ay tinakbuhan nia pagkakautang nia?
June 01, 2012 01:15 AM
Name: reicy ignacio
Location: bulacan
Subject: anak
Rating: 3 stars
attorney,magtatanung lng po ako kug ano po b ang karapatan ko bilang isang ina.hiwalay po ako ngaun sa asawa ko nsa akin ang anak ko,ang problema ko po gusto idaan ng asawa ko sa legal ung sa anak ko.ano po b ang magiging karapatan ko bilang isang ina.4 yrs old plng po ung anak ko.and mula nun mag hiwalay kmi wala ako natatanggap n sustento galing sa ama nya.pag nahihiram lng po ska lng sya nagdadala ng gatas at vit ng bata.sa ngaun po may sakit po kc ang anak ko ayoko po sana muna mahiram hanggat nang gagamot ung bata.ano po ba ag dapat ko gawin?
May 26, 2012 12:32 AM
Name: joan
Location: pasay city, phillippines
Subject: kaso sa lupa
Rating: 3 stars
Gud day po. Ganito po kasi yung lola ko po may ibinenta na lupa sa chinese ngayon po ang ang nging pgbayd po nun ay naging butal at nabayaran lng sa maba2ng halaga hndi nbyran ng buo. yung papa ko po naisip na magkaso pra mabawi yung lupa kya po kinausap nya lola ko maliit plng daw po kmi noon sabi ng mama ko halos kaedad ng ate ko 30yrs old napo ate ko.na2lo na po ang kaso taong 2001 po ata yun. ngayon po nag apela ang kalaban kso po nmatay na yung lola ko then sumunod papa ko na nmatay eksakto po ng manalo apela 2004 po ata yun ngayon po ang bnigyan po ng power of attorney ng mga tito ko yung pinsan ko na ba2e na may kaya po. ngaun po last 2008 tinanong ko po xa kng kumusta napo yun sabi nya ang lupa andun na kso may ba2yaran daw po na 100k kya hndi pa ma settle yung pagha2ti hati. then 2 days ago po tinanong ko po pinsan ko kng wat na ngyari sa lupa ang sabi po ngkausap na daw po ska yung ate ko ang sbi nmn po ng ate ko sabi daw po ng pinsan ko ng file daw po ng motion for reconsideration yung kalaban. ang tanong ko lng po ang apila po ba at ang motion for reconsideration ay iisa? kng ganun po ilang beses po ba pwedeng magfile ng apila ang kalaban kng na2lo ndin po sa apila. yung papa ko po kasi nghirap sa kaso sya po ang ngb2yad ng attorney's fee at mga expenses po khit hirap po kmi. hndi nmn po iniintindi ng mga tito ko noon ngayon po maki2hati na sila ok lng po ang problema po hindi po kami iniinform kng ano na ngyri kng dpa po ta2nungin.ngayon po tinatanong ko din po yung pinsan ko kng san nkafile yung motion for reconsideration pra ma verify ko hndi po ako sinasagot kc ang balita ko po dto daw sa manila. sa naga po kasi dti naghehearing nun. ask ko din po san ko po kya mal2man kng san nkafile na yun. marami pong salamat sna po ay matulngan niyo po ako.
April 25, 2012 12:10 PM
Name: ace cansicio
Location: calamba
Subject: son custody
May question lng po aq, married n po aq at meron pong isang anak, ung missis q po ay my lalaki po, pero alam q po un nagpa2alam nga po cya sakin kung my lkad cla eh, tangap q nmn po kya lang ayaw qng makipaghiwalay sa kanya mahal q po kc cya, 1 year old lng po anak nmin pero nangako aq sa anak q nba2wiin q mommy nya sa la2ki nito, sabi sakin ng missis q hnd nmn daw nya ipagpa2lit anak nmin dun sa lalaki kya lng po iba ung gnagawa nya halos ibgay n po nya lhat ng oras nya dun sa lalaki hnd q nra2mdman ung pagi2ng ina nya sa anak nmin ni hnd n nya na ito naackaso, nito ngang darating n undas cyempre bkasyon ng mtgal un, eto ung hnd q n matangap kc po mas pinili nyang sumamadun sa la2ki imbes n ilaan nya ung bakasyon nya sa anaak namin, kc ung mga kila2 qng magulang n ganun nsa icp, maksama ung nak nila sa bakasyon kahit aq xcited sa bakasyon para mkabonding q ng matagal anak nmin, hnd q nmn po sa gnagamit q ung anak q kya lng dba parng mali n un? eto po ung tanung q may chance po b na sakin mapunta ung anak nmin khit 1yr old plng cya kc prng hnd q kya ibgay sa kanya kung ganun cya, blak p nga po nya iiwan sa magulang nya, lalong ayoko den nmn dun kc po halata nmng hnd ito maackaso dun khit nga po cya ayaw nya dun kc magulo, pt dami n pong bata dun, kung sakin kc cya matututukan cya, kc solong apo lng po cya at alagang alaga p cya isa pa po saktin den anak nmin eh, hnd nga po nya magawang umabsent para sa bata eh, kya aq khit training plng sa trabaho aq nagaackaso sa anak nmin ganun po sana masagot nyo po tanung q kc sobra n kc pt ung nak namin pnagpalit n nya dun thanks po,
April 23, 2012 04:19 PM
Name: carmi
Location: Quezon city
Subject: pagbenta ng property hindi gamit ang original na titulo
Rating: 3 stars
gud day po... ikunsulta ko lang po kung tama ba ang pabenta nang property o bahay na hindi ginamit ang original na titulo?at ang masakit po kasi ang mga legal na anak at asawa ay hindi napartihan at ang unang anak sa labas ng tatay na hindi naman legal na anak yon lang ang nakinabang at hanggang ngayon hndi pa ngpakita ang mag ama, lima silang magkakapatid na anak ng may ari ng property, apat nalang ang buhay kasama na ang ama na asawa ko patay na ang isa at walang anak,at nagkapermahan na apat na matatanda para maibenta na hindi namin alam at hindi rin alam ng nanay ng asawa ko, bale apat nalang sila ang maghatian matatanda. ang problema nabenta nila ang property na hindi ginamit ang original title na sa murang halaga at wala pang natanggap ang asawa at maga anak na legal. ano po ba dapat naming gagawin atorny at eto pa atorny pinilit pa kami paalisin sa property na yon na don kami naghanap buhay na wala namang pinapakita na documento na magpapalis s amin sana po matulunga nyo ang pamilya ng asawa ko para sa karapatan nila. salamat po
April 18, 2012 03:45 AM
Name: malon
Location: qc
Subject: utang ng asawa
Rating: 3 stars
gusto ko po sanang itanong kung may sagutin po ba ako sa madaming utang ng asawa ko, nasa ibang bansa po ako nagtratabaho napag alaman ko nalang na madaming utang po sya at napakalalaki pa ako ang ginagawang garantor nya samantalang wala naman akong pinipirmahan na pinahihintulutan ko syang mangutang. Maliban po doon sa may kinalulukuhang lalaki po sya.Kapag wala ako sa Pilipinas madalas syang magkasama. Ano po ang dapat kong gawin para makafile ng annulment at hindi ko maging pasanin ang mga utang nya na walang pahintulot ko.
April 08, 2012 08:26 AM
Name: ruby
Location: laguna
Subject: paninira
Rating: 2 stars
gud day,
need ko lang po ng advise bout sa problema ko. merun po kasi dati ka-live in yun asawa ko ngayon ngayon po merun na sila kasunduan na sustento nalang ang hihingen niya sa asawa ko nagkarun po sila ng agreement sa dswd na kung saan magbibigay siya ng sustento halagang four thousand a month which is i agree kz need yun ng mga bata at kelangan nila yun, ng matapus po yun 1month bigla nalang pinagtabuyan ng ate nun babae yun mga bata at yun dati ka live in asawa ko nagdecide po kame na dalahin nalang niya nag mga bata sa probinsya sa inay ng asawa ko ngayun pagkatapus po ulit ng isang buwan bigla sumugud ulit dun yun dati niya ka live in para kunin ang mga bata at mag-skandalo sa bahay ng inay ng asawa ko.nagbanta pa po ito na babalik sya at hindi pa tapus magugulat nalang daw po ang magulang ng asawa ko bigla nalang ito mamatay, ngayun nag pablotter po cla sa brgy na if in case may mangyari sa asawa ko merun kame tutukuyin sa nagyari dahil siya lang aman ang nagbanta. nagdecide po kame na mag-open nalang account sa tam at bankbook para sa mga bata sustento nito pero dahil takot po pumunta dun ang asawa ko sa tinitirahan nila dahil baka kung ano mangyari sknya hindi niya maibigay ang atm sa kanila ngayun po ng maglakas loob na siya pumunta dun katulong lang po yun dinatnan at ang bilin daw po sa katulong na kahit anung ibigay niya wag ttanggapin at hindi na niya ito kelangan pa, maghintay nalang sa reklamo niya..dame niya paninira puri saken na kesyo daw ako ay pokpok at madame lalaki at hindi daw anak ng asawa ko ang anak namen hinamon po ako ng dna test ngayon po pumayag ako sa gusto niyang yun hindi po siya nakaimik at wala ng ginawa.pinagbantaan nalang ako na ipapatay yun ang sinabe sa magulang ko sa mga txt messages nila!.. ngayon po nagreklamo siya sa pulis na hindi daw nagsustento ang asawa ko saknya at physical na pananakit nito sa kanya pati daw ng magulang ng asawa ko lahat po ng sinumbong niya sa counsil ng pulis is kabaliktaran ng mga tunay na nangyari. ngayon po pati ang pulis ay nagsulsul sa babae na yun na magsampa na ng kaso..tinanung po ng asawa ko ano pwede niya gawin wag lang ituloy yun demanda saknya at ang pagdemanda daw saken.ang gusto pala mangyari is balikan siya at pakasalan at dispatsahin ako merun ako mga voice record na sinabe niya iyon sa asawa ko.. ano po ang dapat amen ikaso sknya sa panggu-gugulo at public scandal sa company ng coca-cola yun pagmumura niya at pagsasabe ng kung ano-ano sa trabahador sa company na pinagtrabahunan ng asawa ko. sobra po harassment yun ginagawa niya pagpilit at pambabaliktad sa asawa ko at saken at tama po ba sabihin niya na pagkatapus daw nilang maikasal e palalayain din daw niya okey lang daw na mambabae ito wag lang saken dahil may balak aman siya mag-ibang bansa..pabagu-bagu po ang sinasabe niya nun una ginagawa lang daw po niya iyon para mabuo ulit sila para sa mga bata.tpus bigla ganun nalang ulit yun sasabihin niya! gusto ko po malamn kung ano pwede ko ikaso sakanya panggugulo,public scandal, paninira puri at pambibintang na pinakulam daw ng magulang ko sila pero hindi aman mapatunayan ng babae na yun..patuloy parin yun pananakot niya sa asawa ko pagpipilit na isiksik yun sarili gayun merun aman sila agreement ginagawa niya lahat yun para matanggal ang asawa ko sa trabaho..
March 24, 2012 12:26 PM
Name: Christian
Location: Novaliches
Subject: gud pm
Rating: 3 stars
Dear Atty.. gusto ko lang po humingi ng advice, ung asawa at anak ko po ay hiwalay sa akin. sampung buwan na po kami hiwalay sa sampung buwan na un hindi siya nang hingi ng sustento. pero ngaun pinipilit nya ko magsustento ee wala naman po ako trabaho, pag di daw ako nagbigay sasampahan daw niya ako ng kaso.need ko po advice niyo.
March 23, 2012 08:51 AM
Name: GINA DIMAUNAHAN
Location: batangas philippines
Subject: rights for my properties
Rating: 3 stars
gud day po attorney,bumuli po ako ng lupa d2 sa batangas at nakalagay po sa pangalan ko pero ang 2 ko pong kapatid ang nagtayo ng bahay ng hindi ko alam dahil natatrabaho po ako sa kuwait.ang sabi nila nga magulang ko ang my karapatan sa lupa dahil binili ko ito ng ako ay dalaga pa!!totoo po ba na ganito ang batas pagdalaga pa
March 20, 2012 01:06 AM
Name: khamala sebastian
Location: cebu,philippines
Subject: nangungupahan ng lupa
Rating: 3 stars
gud day po,
tanong ko lang po pwede po ba basta basta mapaalis ang isang nangungupahan sa lupa.kasi po yon po ang mangyayari sa amin.ang storya po ganito itong lupang aming tinitirikan ay dati pang pinag tratrabaho-an ng lolo ko.hangat sa lumaki na sila mama at kalaunan pinanganak kami.hangat namtay ang aming lolo,at ang orihinal na nag mamay ari ng lupa,ngayon po ang mga apo na nalang ng may-ari ang siyang namahala.kung bibilangin ko po ang taong na kamiy nakatira rito higit kumulang lagpas ng 35 na taon,sa mga taon po ito ay nagbabayad po kami sa nagmamayari ng lupa bilang renta,hangat sa balak na siguro nila gamitin ang lupa kaya kami pina alis.tanong ko may batas po ba tayo para sa katulad naming dihado sa ganitong klaseng laban?sana poy mabigyan niyo po ako nang kaliwanagan sa pasanin kong ito..maraming salamat po...
March 14, 2012 09:46 AM
Name: roman rommel y hidalgo
Location: quezon city
Subject: advice
Rating: 3 stars
gud day pohh atty. advice lang po kasi ung kapatid kong babae may dating kinakasama di nman po cla kasal may isang anak. ngayon poh gustong kunin ng lalaki ung bata. pede po ba nya makuha un. cno po ang may karapatan dun sa bata? ung bata nasa probinsya po ung kapatid kong babae dito sa manila nag tratrabaho. may batas po ba dun? salamat po!!! sanay mapagbigyan mo ang aking katanungan. god bless po at more power!!!!
March 01, 2012 01:06 AM
Name: evangeline pandi
Location: manila philippines
Subject: Sanlang tira
Rating: 3 stars
meron po akong kinuhang sanglang tira .. pinaupahan ko ng 3,00 sa aking kaibigan... nagkasundo po kami na lahat ng gastusin pagpakabit ng kuryente kisame at iba ay ibabawas sa upa... sa makatuwid di po sila nagbayad ng 3 buwan para sa mga bagay na yun...
Makalipas ng ilang buwan ... inakusahan po ako ng pinauupahan ko na may relasyon kami ng asawa nya ngunit di naman totoo... nag umpisa ito nang hindi ko sya pahiramin ng pera...
ako po ay umalis ng bansa at sila pa rin ang nakaupa sa bahay na sanglang tirang nakuha ko...
nung una ay nagbabayad sila ng upa... ngunit na naglaon ay hindi na.. humigit sa 1taon at 5 buwan cla di nagbayad...
ngayon po na umuei ako ay nabalitaan ko sa may ari ng bahay na pinalalabas ng nangungupahan ay pinababantay ko lang sila sa bahay... isang kasingungalingan dahil hindi ko po sinabi yun....
ngayon po ay tutubusin ng may ari yung bahay ... hindi ko na po masingil anyg umuupa at sabi pa nila ay babaklasin nila ang mga kinabit nila..
inabisuhan ko na po sila ng isang buwan bago kami magbayaran ng may ari ng bahay .. ngunit ayon sa kanila hindi daw sila aalis at 3 buwan ang hinihinngi nilang palugit...
pano po yun natubos na ng may ari ang bahay ayaw pa nila umalis?
nabigyan naman sila ng 1 mos. notice... pero gusto nila 3 buwan . maari po ba yun?
At di ba po ang may ari ng bahay ay may karapatan na paalisin sila dun dahil wala naman silang kasunduan?
umaasa sa iyon sagot...
January 11, 2012 10:22 AM
Name: Leonora
Location: makati
Subject: sir/ Mam
Rating: 2 stars
Sir/ mam.. mag tatanong lang po q, kasi po nakabili po q ng bahay sa c5 noong 2003-2004, ngayon hindi ko na binago yung pintuan simula nung binili ko, tinambakan ko ang harapan kasi mputik at binakuran ko, itong bahay ko may dumikit sa pader ko, sya yung anak ng may ari ng binilhan ko. nung una hindi sya nag reklamo nung nag bakod ako nung 2004, ngayon nag baha ng undoy bumaba yung bakod nmin, so dinagdagan ko ngayon ang bakod kasi lumaki na ang knal, at doon na rin sila dumudumi (ebak) dhil wala silang palikuran. Ngayon po sir/mam yung nakadikit sa pader ko inangkin na nila yung harapan ng pintuan ko kasama ang bakod dhil ang sabi nya sa knila daw yun. Ngayon binaranggay ako at ang dming sulsol s lugar na yun ngayon pra walang gulo nag pasauli lang q sa bakod kung mag kano ang nagastos ko dhil ilang tambak n yun, ayaw nman nilang mag bayad, bakbakin nlang daw yung pader ko. Anu po bang nararapat kong gawin sir/ mam... ayaw ko rin po sana ng gulo ang gus2 ko lang din po ay maayos... sana matulungan or mabigyan nyo po ako ng advice kung anung nararapat po...
November 29, 2011 10:19 AM
Name: chamagne
Location: palawan
Subject: binuntis tapos iniwan
Rating: 3 stars
itatanong ko lang po kung ano pwede kong ikaso sa ka live in ng ate ko,matapos sya nitong pangakuan ng kasal.kasalukuyan po syang buntis ngayon.nagpaalam ang asawa nya na pupunta ng samar pero nandito lang pala sa palawan at ngayon ay nagtatago na.
November 28, 2011 07:51 AM
Name: Edwin
Location: Olongapo City
Subject: Sanlang-Tira
Meron po akong sanlang tira na nakuha sa Olongapo. Nakasaad po sa kontratang pinirmahan namin nung una na kung ano man daw yung ipagagawa ko eh pwede kong mareinverse sa kanila kapag magkakatubusan na. Ang bahay po eh hindi halos matirhan pero tinanggap ko po sa kasunduang iyon na pwede kong ipagawa at ibabalik din nila yung pera ko pagkatapos. Binayaran ko po yung mga electric bills nung dating nangungupahan doon alinsunod na rin sa pakiusap nung nagsanlang tira at isasama na lang daw sa halaga ng pagkakasanla kasama na rin po rito yung pagpapakabit ng sariling metro para sa tubig. Nung una po okay yung usapan pero nung tumagal lumabas na po yung totoong ugali nung may ari at yung mga nakikialam na nitong mga anak. Dahil po sa ugali nilang iyon ang balak naming pagtira nung aking kasintahan eh nalipat na lang sa disisyong ipa-upa sa iba para may pumasok namang pera at mapakinabangan namin yung Sanlang-Tira na bahay. Nakasaad din po iyon sa kontrata na pwede naming paupahan yung bahay kung hindi namin titirhan. Pero nakakarinig po ako ng sumbong mula sa aking mga pinapaupa na ginugulo raw sila nung pamilya nung nagsanla at nitong huli nga umalis na yung huling nangungupahan sa akin. Lumampas na po kami sa unang dalawang taon doon sa kontrata na dapat eh tapos na pero dahil sa pakiusap nila eh nag-extend ulit kami ng sagad isang taon ayaw ko mang pumayag dahi sa sobrang haba na ng palugit na binigay ko. Pinangakuan po nila akong maibenta lang nila yung isang lupa nila eh babayaran na nila ako agad kahit di na patapusin yung isang taon. Dahil po sa awa at konsiderasyon ko na naman sa kanila eh mukhang naloko na naman po nila ako. Nung matanggap po nila yung pinagbilhan nung iba nilang lupa na ipinangako na ipambabayad sa akin eh bigla na namang nag-iba yung ihip ng hangin.. Palibhasa pong alam nila dito ako ngayon sa ibang bansa at nagtatrabaho pero every month po akong nauwi. Kasi po di ko po natitirhan tapos yung pinapaupa ko eh ginugulo nila. Di po ba isa yung malinaw na paglabag sa kontrata naming pinirmahan na pwede kong paupahan ang bahay dahil may sarili na po akong bahay. Pwede ko po bang iterminate na yung kontratang pinirmahan namin at kasuhan na sila dahil sa mga pangyayaring ito, lalo pa ngat hindi ko na napapakinabangan yung bahay.Gusto po nilang ipagawa ko raw po ulit yung mga sira sa kesame pero wala naman pong nakasaad doon sa kontrata namin na ipapagawa ko ulit kung ano man yung masisira bago nila tubusin. Isa pa puro palugit na nga lang ang ibinibigay ko sa kanila. Iba rin po kasi ang katwiran nila... Wala raw pong nakukulong sa utang? Totoo po ba iyon? Pero di po ba iba itong kaso ko lalo pa ngat may bahay at kontratang pinirmahan sa abugado. Paano ko po kaya mababawi ang pera ko? Wala po akong pinanghahawakang papel ng lupa dahil bahay lang po talaga yung napagkasunduan namin maliban lang po sa kontratang may notaryo ng abugado. Pwede ko po bang ipa freeze yung titolo o right nung lupa para di nila maibenta o maisanla sa iba hanggat hindi pa ako nababayaran? Matanda na po yung nagsanla sa akin at tingin ko po eh iniimpluwensyahan lang sya ng mga anak nya kaya nagiging mahirap ng kausapin yung matanda. Doon po sa huling kontrata namin nakalagda na yung isang anak nya bilang tistigo. Magagamit ko po ba ang kontratang pinirmahan namin laban sa kanila? May habol pa ho ba ako sa pera ko o doon sa bahay kapag (pwera hiling) namatay yung matanda? Umabot po kasi ng 130K yung halaga ng pagkakasanla sa akin base sa mga nagastos ko. Sana po matulungan nyo ako kasi talagang aminado akong naloko nila ako dahil na rin pakiusap at sa awa....Salamat po.