Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kampanerang Kuba (2005)

Kampanerang Kuba

Pagkatapos ng isang taong pag-aantay, narito na rin siya. At ang dala niya'y isang kuwentong hindi lang basta pantasya, kundi isa ring tunay na dramang para sa buong pamilya.

Simula ngayong Hunyo, magsisimula na sa ABS-CBN ang dramang babago ng anyo ng gabi ninyo sa pinakabagong nitong fantaserye, ang Kampanerang Kuba. Base sa kuwentong sinulat ni Pablo S. Gomez na unang ginamit sa pelikulang pinagbibidahan ni Vilma Santos noong dekada '70, binihisan nang husto ng ABS-CBN ang Kampanerang Kuba para sa muli nitong pamamayagpag sa telebisyon. Paano ito ginawa ng ABS-CBN? Una, pinagsama muli ang directing team nina Wenn Deramas at Andoy Ranay, ang mga direktor ng Marina, ang teleseryeng nagsimula ng fantasy trend sa primetime drama. Pangalawa, kumuha ang ABS-CBN ng magaling na cast na pinangungunahan nina Anne Curtis, Eula Valdes, Jean Garcia, Jomari Yllana, Jodi Santamaria, Christian Bautista, Patrick Garcia at Luis Manzano. At pangatlo, tunay na naiiba ang Kampanerang Kuba sa format pa lamang, dahil ito ang pinaka-unang drama-fantasy-musical na ipinrodus para sa pang-araw-araw na telebisyon.

Pero siyempre, ang pinaka-matinding elemento sa Kampanerang Kuba ay ang kuwento ni Fatima (Anne Curtis), na may palayaw na Imang. Totoo, isa siyang kuba. At totoo ring hindi naman siya kagandahan. Pero ang tunay na ganda niya ay nasa loob, isa siyang mabuti at matulunging tao, mga katangiang tinuro sa kanya ng pari at mga madre na nagpalaki sa kanya. Ngayo'y tumutulong siya sa mga gawain sa kumbento, lalo na bilang kampanera sa lumang simbahang kanilang pinagsisilbihan.

Pero hindi iyan ang simula ng kuwento ni Imang. May kuneksyon rin siya kina Lourdes (Eula Valdez) at Lucia (Jean Garcia), mga anak ng isa sa pinakamayamang tao sa kanilang bayan. Pero ano ang kinalaman ng kampanerang kuba at ng dalawang magkapatid? At ano rin ang misteryong bumabalot sa kanila, sa asawa ni Lourdes na si Martin (Jomari Yllana), ang asawa ni Luciang si Antonio (Yul Servo), at ang matapobreng anak nina Lourdes at Martin na si Veronica (Jodi Santamaria)?

Nagagalak rin ang ABS-CBN sa pag-aanunsiyo ng tatlong leading men sa Kampanerang Kuba: sina Luis Manzano, Christian Bautista at Patrick Garcia. Exciting ang proyektong ito para kay Luis, di lamang dahil ito ang una niyang dramatic role. Siyempre pa, ina niya si Vilma Santos, ang unang Kampanerang Kuba ng pinilakang tabing. Ito rin ang unang TV role para sa heartthrob na si Christian Bautista, pero nahasa na rin ang galing sa akting ng binata sa teatro. And of course, andiyan rin si Patrick Garcia, isa sa pinakamagaling na dramatic actors ng kanyang henerasyon.

Makakasama rin natin gabi-gabi sa ang magagaling na artistang sina Bobot Mortiz, Cherrie Pie Picache, Malou de Guzman, Meryll Soriano, Eugene Domingo and Chokoleit. Ang mga awiting kasama sa Kampanerang Kuba ay gawa ng composer at lyricist na si Vince de Jesus, na gumawa ng scores ng mga pelikulang Crying Ladies at La Visa Loca.

Executive producers ng seryeng ito sina Mio Siojo at Narciso Gulmatico, samantalang production manager naman si Ginny Ocampo. Si Jake Tordesillas ang creative manager ng Kampanerang Kuba, at si Keiko Aquino ang head writer. Si Olivia Lamasan ang executive in charge of creative, and of course, si Malou N. Santos ang over-all in charge of production.

Average Rating
Your Rating

Rank
29,249 out of 91,512 series
3.7 out of 10 stars
9 votes

Alternative Title : [Add An Alternative Title]
Status : Ended Edit Status
Running Time : 31 minutes
Premiered : June 06, 2005
Date Ended : December 16, 2005
Number of Episodes : [Edit Number of Episodes]
Season Count : [Edit Season Count]
Language : Tagalog
TV Station : ABS-CBN
Country : Philippines
Picture Format : [Edit Picture Format]
Audio Format : [Edit Audio Format]
Camera Setup : [Edit Camera Setup]
Genre : Fantasy, Drama, Musical

Tags : , , , ,