KatatakutanAuthor: ABS-CBN Interactive Summary: Si Cecilia pala na nagpapanggap na Birhen ang nagpakita kay Veronica, pinapasauli niya ang korona at nahintakutan si Veronica! Si Cecilia naman tuwang tuwa sa outcome ng paggamit niya ng kapangyarihan niya. Samantala si Luke at Imang naman nagiging magkaibigan na talaga, gusto tuloy matuto ni Imang ng English para makausap si Luke ng maayos. Nakokonsensya na talaga si Veronica pero wala siyang balak na ibalik ang korona dahil ayaw niyang makulong. Kita mo nga naman ang tigas ng puso nito oh. Sa panaginip naman dinalaw ng mga nanay madre si Veronica! Tinakot nila ito at ipinapabalik ang korona ng Birhen. Tsk tsk kawawang dalaga, ni sa pagtulog hindi tinatakasan ng ginawa nilang kasamaan. Naisip naman ni Martin na ipaalam kay Sykharma ang susunod na gagawin ng mga madre sa anak niya. Narinig ni Sykharma ang susunod na gagawin ng mga madre, kaya nasabi niya ito kay Martin. Si Pablo tinatanong ang Tiyo Tonio niya kung naisip na ba nitong magpakita sa dati niyang asawa, asus Pablo, gulo yan alam mo ba? Naku hinahanap ni Martin ang boses ni sister Cecilia, mukhang mapapahamak pa ang pinakabatang nanay madre ni Imang! Kasi nakikipaglaro pa kay Martin eh. Sister bumalik ka na sa ibang mga nanay madre! Language: Tagalog |