Katrina HaliliSi Katrina o Kat ay ipinanganak noong Enero 4, 1986. Siya ay may lahing Intsik at pinalaki sa Palawan. Nagsimula siya sa larangan ng syobis nang mapasali siya sa StarStruck 1 noong taong 2003. Bagama't hindi pinalad na makamit ang titulo na "Ultimate Female Survivor", naging mapalad naman siya sa larangang pinasok niya dahil nakilala siya bilang isang magaling na aktres at nakakitaan siya ng galing sa pagganap bilang isang kontrabida sa telebisyon. Nakilala pa ng husto si Katrina sa pagganap niya bilang Angelika sa programang Mari Mar (2007). Napili siya bilang isa sa mga pinakamaalindog na babae sa panlalaking magasin, ang FHM. Noong pumapangalawa lamang siya kay Angel Locsinsa listahan ngunit noong taong 2006 ay naagaw na niya ang titulong ito kay Angel at naulit pa nang sumunod na taon. Taong 2004 ay nasa ika-14 lamang siya na puwesto sa mga pinakamaalindog na babae sa Pilipinas ayon sa FHM. Nang sumunod na taon, ay umangat patungong ikawalong puwesto si Katrina at nang dumating ang taong 2006 ay kinilala na rin siya bilang pinakamaalindog sa lahat ng mga babaeng napasama sa magasin na iyon. Muling kinilala si Kat na "Pinakamaalindog na Babae" ng FHM taong 2007. Sa taong ring iyon ay makamit niya ang Google's Most Searched Local Female Actress. News - 2009-10-11: Sharon, wanted kay Tuesday Vargas! Direk Maryo, sure na ang pagdalo sa Int'l Emmy Awards! Rey Pumaloy
- 2009-10-11: Katrina, lilikha ng iskandalo sa Emmy Awards! Rey Pumaloy
- 2009-10-09: Katrina Halili wants to attend International Emmy awards night where Magdusa Ka is nominated for Best Telenovela Ruel J. Mendoza
- 2009-10-08: 'Magdusa Ka' nominated in Emmy Awards Fidel Jimenez
- 2009-10-08: Angel good samaritan kaya good karma Gerry Ocampo
- more...
|