Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp

My Dad Is Better Than Your Dad

From the producers of Are You Smarter Than A 5th Grader? comes another exciting game show na sigurado namang aabangan ng mga Kapuso viewers, ang My Dad is Better Than Your Dad!

 

My Dad Is Better Than Your Dad (2008)

My Dad Is Better Than Your Dad

Pinangungunahan ng multi-talented actor at host na si Paolo Contis, ang My Dad is Better Than Your Dad! will feature not just kids in the contest, but their fathers as well. Ang mga tatay at ang kanilang mga chikiting na 8 to10 years old ay sabay-sabay na haharapin ang pagsubok ng lakas at katalinuhan upang mahirang na pinakamagaling na team.

Ang bawa't episode ay may mga rounds kung saan makikipag-kumpitensiya ang apat na pares ng ama at anak.

Sa Ang Daddy Kong Fast, mag-uunahan ang mag-aama sa mga obstacle courses bago maubusan ng oras. Sa Ang Daddy Kong Strong, magpapakitang-gilas si Tatay sa mga palarong susubok sa kanyang lakas. Katalinuhan at mabilis na pag-iisip ang kailangan sa Ang Daddy Kong Smart, at kasama ang moral support ng kanyang anak, katapangan ni Daddy ang huhusgahan sa Ang Daddy Kong Brave.

Ang pair na makakalampas sa lahat ng pagsubok ng apat na rounds ang siyang sasali sa jackpot round na Ang Daddy Kong Da Best, kung saan maaring silang manalo ng P100,000!

Huwag palampasin ang kapana-panabik na banggaan ng daddy at kanilang kids sa My Dad is Better Than Your Dad!

Your Rating
Alternative Title : [Add An Alternative Title]
Status : Running Edit Status
Premiered : November 23, 2008
Number of Episodes : [Edit Number of Episodes]
Season Count : [Edit Season Count]
Language : Tagalog
TV Station : GMA 7
Country : Philippines
Picture Format : [Edit Picture Format]
Audio Format : [Edit Audio Format]
Camera Setup : [Edit Camera Setup]
Genre : Game Show, Reality

Tags : Father, Non-Fiction