Sep 06
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp

Ruffa Gutierrez

Si Sharmaine Ruffa Gutierrez ay isang artistang Pilipinong ipinanganak noong Hunyo 24, 1974; anak siya nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

 

Ruffa Gutierrez

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez-Bektas ngunit mas kilala bilang Ruffa Gutierrez ay isang Pilipinang aktres, modelo at dating beauty queen. Nanalo siya bilang Binibining Pilipinas-World 1993 at Miss World 1993 2nd Princess.

Siya ay anak ng artistang si Eddie Gutierrez at dating artista ngunit naging talent manager na si Anabelle Rama. Ang kanyang mga kapatid ay sina Elvis, Rocky, ang kambal na sina Raymond at Richard Gutierrez, na sumusikat ngayon, at Richie Paul. Kapatid niya naman sa ama sina Tonton Gutierrez at Ramon Christopher na mga artista rin.

Siya ay matagal na ring artista at nakagawa na ng maraming pelikula.

Noong 2002, bago pa man siya ikasal kay Yilmaz Bektas, siya ay nasa loob ng istasyong GMA.

Matapos ay naibigay sa kanya ang proyektong Philippines' Next Top Model na ipinalabas sa RPN-9. Noong 11 Marso 2007, naimbita rin siyang maghost sa The Buzz nang magdesisyon si Kris Aquino na umalis pansamantala dahil sa pagbubuntis. Nang mapagdesisyunan nitong umalis na nang permanente, inalok si Ruffa ng ABS-CBN na palitan na si Kris at pumirma ng isang taong eksklusibong kontrata sa istasyon. Bukod sa paghohost ay naisama rin siya sa pambatang programa sa telebisyon na Kokey.

Ika-17 ng Enero 2008 nang magkaloob siya ng Php 500,000 sa mga nangangailangan mulas sa inorganisa niyang programa na isang fashion show at basar na tinawag niyang RRRampa for a Cause. Dito ay mayroong iba pang mga artista at sikat na tao ang tumulong na magbenta ng kani-kanila ring mga kagamitan, kabilang na ang kanyang mga kapatid na sina Raymond at Richard. Nakalikom sila ng Php 1.7 milyon na ipinamahagi rin nila sa Unicef, Philippine Red Cross, Make-A-Wish Foundation, World Vision, at Asilo de Milagrosa.

Kamakailan lang din nang maghost siya ng Pilipinong bersyon ng palabas na America's Next Top Model, ito nga ay ang Philippines' Next Top Model.

Taong 2003 nang siya ay magpakasal sa taga Turkyang si Yilmaz Bektas sa isang napakagarbong misa sa Maynila. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Lorin (ipinanganak noong taong 2003) at Venice (ipinanganak noong taong 2004) at sila'y nanirahan sa Istanbul, Turkey nang ilang taon, pero si Ruffa ay bumabalik paminsan-minsan dito sa Pilipinas dahil sa mga paanyayang lumabas sa ilang mga programa sa telebisyon.

Noong ika-8 ng Mayo 2007, ipinahayag ng mag-asawang Bektas na napagkasunduan na nilang tapusin ang kanilang apat na taong pagsasama. Sinabi ni Ruffa sa Startalk at The Buzz na siya ay sinaktan ng kanyang asawa habang sila ay nasa Turkey. SInabi niya ring ito ang dahilan kung bakit niya hihiwalayan ang kanyang asawa. Ngunit pinabulaanan ni Yilmaz ang mga naunang sinabi ni Ruffa. Nagkaroon sila ng sagutan sa mga panayam sa telebisyon upang klaruhin ang tunay na nangyari.

Kahit na siya ay nagpalit ng relihiyon patungong Islam dahil sa pagpapakasal, bumalik si Ruffa sa pagiging Kristiyano sa kanyang tuluyang pagbabalik dito sa Pilipinas kasama ang kanyang dalawang anak.

Matapos ng kanilang hindi maawat na sagutan at sabihan ng mga sikreto, ay humupa ang awayan. Ngayon sila ay tuluyan na ngang naghiwalay subalit mayroong mga pagkakataong nagsasalita sila tungkol sa hindi matigil at hindi maubos na mga intriga.

Average Rating
Your Rating

Rank
15 out of 11,000+ celebrities
10 out of 10 stars
1 vote

TV Series

  1. 5 Star Specials: Ruffa (2010) ... Sally / Mayet / Ima / Nina / Marla
  2. Ruffa and Ai (2009) ... Host
  3. I Love Betty La Fea (2008) ... Daniela
  4. Talentadong Pinoy (2008) ... Herself
  5. Kokey (2007) ... Trining Calundang
  6. Habang Kapiling Ka (2002) ... Helga
  7. The Buzz (1999) ... Host
  8. 13, 14, 15 (1990)
  9. Eat Bulaga! (1979) ... Co-Host
  10. GMA Supershow (1979) ... Host

TV Guesting

  1. Diz Iz It!: Diz Iz It! April 14, 2010 Episode
  2. TV Patrol World: A(H1N1) Virus in the Philippines ... Interviewee
  3. That's My Doc: KASALanan Nino?
  4. Wheel of Fortune: Pilot ... Contestant
  5. Entertainment Live: ELive: December 22, 2007 Episode
  6. Entertainment Live: ELive: August 25, 2007 Episode
  7. Wowowee: August 03, 2007 Episode
  8. Boy & Kris: Boy & Kris Episode # 15
  9. Extra Challenge: Promdi
  10. Quizon Avenue: Beauty Queen
  11. The Buzz: September 11, 2005 Episode

News

  1. 2010-06-21: John Lloyd Cruz finally admits real score with Shaina Magdayao: "Yes, it's us." Elyas Isabelo Salanga
  2. 2010-06-21: Sarah dumoble ang saya sa iPad mula sa mga fans sa US Lolit Solis
  3. 2010-06-21: Derek sumumpa kay Angelica never papatol kay Gretchen Salve Asis
  4. 2010-06-20: John Lloyd Cruz finally confirms he and Shaina Magdayao are a couple Bernie Franco
  5. 2010-06-20: John Lloyd Cruz finally admits relationship with Shaina Magdayao ABS-CBNNews.com
  6. more...