|
|
| Shaina Magdayao![]() Ipinanganak noong 6 Nobyembre 1989 sa Lungsod Quezon, siya ang bunsong anak ni Enrique, na nagmula sa Cebuanong angkan, at Deanne, na nagmula naman sa angkan ng mga Espanyol. Siya ang nakababatang kapatid ng mang-aawit at aktres na si Vina Morales. Nagsimula ang kanyang pagpasok sa syobis nang gumanap siya bilang Lyra sa palabas na Lyra noong siya'y pitong gulang pa lamang. Pagkatapos nito'y naging bahagi siya ng Star Magic sa ABS-CBN. Isinama siya sa programang isinunod sa Ang TV, ang Kaybol. Ngunit dahil sa tinapos rin ito agad, isinama na siya sa mga nagsisikatan nang batang artista na sina Camille Prats at Serena Dalrymple at sila'y lumabas sa panghapong programa ng ABS-CBN, ang Marinella, na kung saan ginanapan niya ang karakter ni Rina. Nagkaroon rin siya ng album sa ilalim ng kumpanya ng ABS-CBN, ang Star Records. Gumanap siya bilang isa sa mga apo ni Gloria Romero sa pelikulang Tanging Yaman noong 2000, na nakapagpanalo sa kanya ng ilang mga karangalan. Matapos nito ay sumalang naman siya bilang isa sa mga anak ni Ai Ai Delas Alas sa pelikulang Ang Tanging Ina at dahil sa ito'y isang katatawanang pelikula, ginaya niya ang kanyang karakter at isang hindi malilimutang eksena sa nakaraan niyang pelikula. Taong 2002 nang mapasama siya sa isang pangkabataang program na pinagsamahan nila ng kanyang matalik na kaibigan sa syobis, si Bea Alonzo, ang K2BU. Matapos noon ay nagkaroon na siya nang marami pang mga sumunod na programa sa telebisyon. At sa mga ito ay nagkaroon din siya ng iba't ibang mga kapareha. News
|