sir, we were please to be part of your program. "the registry system for basic sectors in agriculture" a significant endeavor by the cabinet cluster on GOOD GOVERNANCE and ANTI CORRUPTION. This was chaired by PRESIDENT BENIGNO S AQUINO III. THE GGAC identified the DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT as the lead agency responsible for the conceptualization of the REGISTRY SYSTEM FOR BASIC SECTORS IN AGRICULTURE (RSBSA)- an electronic compilation of the basic information on farmers, farm laborer, and fishermen. The DBM enjoined major agencies, particularly the NATIONAL STATISTICS OFFICE. The creation of RSBSA requires the conduct of a registration activity in all barangay nationwide to gather the necessary data inputs for the system.this joint memorandum of agreement was entered by the dbm and nso. the NSO takes the lead in the formulation of efficient operational strategies, the dbm gave the necessary authorization upon hiring/ recruitment of the FIELD INTERVIEWERS- They are responsible for conducting the actual house-to-house visit and listing of households. The DBM supposedly provides the necessary funds to ensure the success of the said activity but sadly the DBM hasnt perform its duty to provide what was needed. we started to work last september 4 2012, and the activity that has been conducted through out the country had already been finished but our COMPENSATION are still missing. they set the schedule for paying our wages, the first payment should covers the wages for fourth level training and the first five days of the registration, 2nd payment covering the 6th day to 15th day of the registration and the last payment covers the remaining days of the registration. pero sir natapos na po namin yung registration activity pero hanggang ngayon po wala pa rin po kaming balita sa dapat po naming matanggap na sahod.its been 2 months already pero ni single centavo po wala pa po kming natatanggap. we the ASSISTANT REGISTRATION AREA SUPERVISORS and the FIELD INTERVIEWERS ay humihingi po ng tulong sa inyo, upang kahit paano po ay makatok po ninyo ang opisina ng DBM at ang opisina ng pangulo. nagawa na po namin ang aming mga trabaho ng walang reklamo, nagawa na po namin ang aming parte sana man lng po gawin ng kinauukulan ang trabahong dapat nilang gawin upang maniwala kami na ang mga proyekto nga ng pangulo ay tungo sa isang matuwid na daan. pano kami maniniwala, how can we supposed to believed that the president is onto good governance kung kaming mga nagtratrabaho sa mga proyektong nakapaloob dito ay hindi nabibigyan ng kaukulang sahod na kung tutuusin ay tinrabaho po at tinapos po namin.Sana po ay matulungan po ninyo kami sa aming mga hinaing.
In behalf of my co-ARAS, and behalf of all the FIELD INTERVIEWERS thru out the country we give you the best gratitude, we hope that you can help us and we finally get what was supposed to be ours...THANK YOU AND GODBLESS..MORE POWER TO YOUR SHOW..
November 13, 2012 07:20 AM
Name: Lilebeth A.Lagang
Location: dau pampanga
Subject: gusto maibalik ang aking passport
Rating: 3 stars
Magandang gabi po sir, ako po si lilebeth from dau pampanga gusto ko po sana ilapit s inyo ang aking problema tungkols sa aking passport, noong taong 2010 po nag aaply po ako for abroad meron pong nagrecruit sa akin, pinagbayad po nila ako sa mga initial payment,nkapgmedical narin po ako, ready na po ako n makaalis sabi po nila sa akin malapit n ako aalis my date sila binigay sa akin ng pag alis ko, kaso po sabi ko sa nagkaroon po ako ng mga allergy sa katawan at matindi po un kaya d ako pwede makaalis,hanggang nagpagaling na po 2 beses po nangyari un nakita naman nila kalagayan ko at sabi nila d nga talaga ako pwede makaalis dahil sa mga allegy ko,kaya d ko n po tinuloy ang pag tatrabaho sa ibang bansa instead naghanap po ako ng ibang work, so ngaun po ang problema ko ganeto, nsa kanila parin ang passport ko until now at sa 2015 p po ang expired nun,kinakaelangan ko n po yung aking passport kasi ako aman po ang gumastos lahat nun hindi sila kaya wala sila karapatan n d ibalik sa akin ang passport ko,,nung nkaraang taon sinubukan ko po n makiusap sa kanila n tru txt messaging ,ibalik sa akin ang passport,pero sabi po nila sa akin babayad daw po ako ng 5,000 pesos para makuha ko ung passport ko,sabi ko wala ako ganong kalaking pera tapos sabi nila 3,000 nalang daw po,,nawalan po ako nag pag asa n makuha ko p ung passport ko,pero nagun po kelangan ko n po talaga ung passport ko,meron po akong number ng taong may hawak sa passport ko, ano po b dapat kung gawin sana po matulungan nyo po ako sa problema ko,
October 22, 2012 12:23 PM
Name: emelita
Location: taguig
Subject: estafa
Rating: 3 stars
gud pm po meron po akon irereklamo na tao ang pangalan nya ay joy juanon esporlas modus nya po ang mangutang ng pera at papapuntahin ka nya sa water station nya para patunay na kaya nyang magbayad sa uutangin nyang pera at kapag napautang mo na siya para maslalo ka pa magtiwala bibigyan ka pa nya ng check yun pala ay bouncing check pala na RCBC ang binigay nya...nag karoon kame ng kasunduan n 1 month to pay ang kanyang utang with interest na 10 percent ngunit hindi siya tumupad sa usapan na magbabayad siya kaya ako ay nagpasya na magpablater nasa barangay ngunit nong ako ay nagpabarangay nalaman ko na pang 7 na akong nag pa blater sa kanya at nalaman ko pa na humigit 1.3 milyon na ang nautang ni joy juanon esporlas sa amin na nakuhaan nya ng pera ngayon po napag alaman ko pa na may humahawak sa kanya na abogado at nag ngangalan solomon tibe at sinabihan pa kame na kapag may nagreklamo sa joy juanon esporlas eh forward na lang sa kanyang tanggapan.sana po matulungan nyo po ako sa aking malaking problema yung perang inutang nya saken kasi inutang ko din sa ibang tao kasi naingganyo ako sa pangako nya.ngayon naniningil ako sa kanya sa text sinabihan nya pa ako na wala siyang balak harapin kung anu man ang nirereklamo namen na mga nautangan nya.
July 23, 2012 12:54 PM
Name: vanessa
Location: quezon city
Subject: smart padala
Rating: 3 stars
Dear sir tulfo, nais ko lang po humingi ng konting tulong sainyo, kase po nagkamali po ako ng type ng number sa smart money padala instead po sa last 4 digits na 8118 ay nalagay ko ay 3118, which is napunta sa ibang account,nun tumawag po ako sa hotline nila sabi ng costumer service ay maki coordinate po ako sa anonymous account na isole ang pera problema po ayaw naman isole ang pera at ayaw nia maki pag-usap.tumawag po ako ng madaming beses sa smart at humihingi ng tulong para po ma hold or mafreeze yong perang naihulog sa maling account kaso lagi nila sinasabi na di nila kasalanan yong human error at sinabi nila na tanging dealer lang ang covered ng terms of conditions nila, means un daw pong account na ginamit ko ay natural account or parang retailer lang..ang tanong ko po bat yong dealer pwedeng mag freeze/hold ng transaksyon covered ng terms & conditions nila and bakit sila nag bebenta sa mga retailer kung limited lang pala ang kaya nilang tulungan pag may problema at wala na silang paki alam sa mga nawawalan ng pera ng ganun nlng..mahirap po na tanggapin na sasabihin nila na kasalan ng consumer na nag kamali sila ng pindot, at mapunta sa iba ang pera at wala na silang pakialam basta sila kumikita..marami po ang nawawalan ng pera at nag rereklamo sa kanilang website kaso nagbingi-bingihan nlng sila..panu na po yong mga perang basta nlng nawawala dahil sa pagkakamali at ayaw nila ipa cancel ang transaksyon? at wala pong ibang sinasabi sila kundi "pasensya" nalang.. sana po mahingian nio sila ng kaukulan paliwanag sa ganitong bagay kase po mahirap kumita ng pera at mawawala lang ng ganun nalang.. anu po ba gagawin ko na mabawi yong pera kahit po maliit na bagay yon sobrang mahalaga po sakin yon.. More power & godbless po...
contact no. 09192704330
June 17, 2012 07:11 AM
Name: roger babila
Location: calasiao pangasinan
Subject: hindi ko po natanggap ang kabuoan ng sahod ko
Rating: 2 stars
ako po ay nag tarabaho sa robinson's place ng calasiao pangasinan bilang isang subcontrac. mula nong november sa drianage at ok naman po ang pamamalakad ng aking amo. ngunit dito sa isang project maneger ng space of robinson's ay nong una ay maganda naman ang usapan namin sa pag tatrabaho at nangako na pag natapos ay babayaran kita. at ng matapos kuna ang subcon ko sa kanya na sa restoration ay kinausapa ko sya sa cellphone ngunit wala na itong ginawa kundi pasahin lang ako mula march hanggang may. ngunit sa kalahatian ng may ay tumawag saking ang isa kong boss na nag bayad na daw ang maneger ng space halagang 40,thousand lang kasi yon lang daw lang po ang na i bill ng maneger ngunit ibinigay din po sakin yon pero halagang 20,thousand lang ang natanggap ko. na samantalang ang bill ko sa maneger ay halagang 1 hundread ,32,thousand pesos.ang problema po hindi ko na sya ma contact ngayon ang gusto ko po sana eh maipaliwanag nya sakin kong bakit ganon lang ang ibinigay sakin kong hindi man yon talaga ang price na sa inaakala ko sana man lang magawa nya akong paliwanagan ngunit di man lang namin sya macontact sana po ay matulugan nyo ako sa problema ko at ipapaliwanag ko po lahat kasi po napakahaba kong dito ko pa iasasalaysay lahat. sana po ay matulungan nyo ako.. roger babila po. paki contct nalang po ako sa number na ito 09394131236.. maraming salamat po
June 17, 2012 02:37 AM
Name: Sol penalosa gregorio
Location: obando
Subject: SSS pension issues
Rating: 3 stars
Ako po si Maria Soledad Penalosa Gregorio, residente ng 18-r Paco Obando Bulacan, tagasubaybay po ako ng inyong programang Tutok Tulfo at nasaksihan ko po ang inyong serbisyo upang makatulong sa inyong kapwa sa inyong makakayang paraan.. kaya po napagisipan ko na idulog ang kaso ng akin biyenan hinggil sa kanyang pensyon na hanggang ngayon ay hindi pa din nya na natatanggap..
Ang aking pong Biyenan na si Edilberto Gregorio ay miyembro ng ahensiyang SSS.. ngunit sa kasawiang palad siya po ay pumanaw na sa sakit na diabetes.. kaya po nagfile kami na maipasa ang kanyang pensyon sa aking biyenang babae na si RUFINA S. Gregorio.. matapos po ng mailibing ang aking biyenan na lalake inayos na po namin ang lahat ng kaukulang dokumento para sa pagpapaayos ng transfer.. lahat naman po ng kaukulang documento ay nakumpleto namin at naaprubahan na ng SSS, at umasa na magkakapensyon na ang aking biyenan.. kung saan higit nya itong kailangan para sa kanyang pamumuhay at sa pagtaguyod ng kanyang mga anak..ngunit sa di po inaasahang pangyayari, ang inaasahan po naming paglabas ng pensyon nya ay naantala dahil may lumabas daw pong checke para sa dissability ng aking biyenang lalaki na nanggaling sa SSS main.. noon po kasing nabubuhay pa siya kami po ay nagfile ng disabilty para sa kanyang paggagamot para sa pagdidialysis..ang sabi po sa amin sa SSS meycauayan kailangan daw po na magkaroon ng cancelation hinggil sa disability check mula sa SSS main.. kaya po kami ay nagsadya sa main office ng SSS upang magrequest ng cancellation ng disability ng aking biyenan..ang SSS main naman po ay kinancel ang disability.. at magpapadala na lamang daw po ng sulat sa meycauayn.. kaya po kami ay nagpunta muli sa meycauayn upang iberipika kung natanggap na nila ang sulat mula sa SSS main.. ngunit wala pa din daw po.. kaya po kami ay humingi ng request mula sa SSS meycauayan upang magsadya muli sa SSS main at upang personal na po namin makuha ang cancelation.. ngunit ang sabi po ng SSS meycauayan.. di daw po maari at branch to main office lamang daw po ang maari na magkipagtransaksyon.. kami daw po ay makakatanggap ng sulat galing sa SSS meycauayn kung natanggap na po nila ang cancelation at kung muli ay pede na po namn ifile ang transfer sa pensyon... kami po ay madalas na tumatawag at nagpapabalik balik sa SSS meycauayn.. ngunit wala pa rin pong sulat kaming natatanggap.. marami na din po kaming nilapitan ngunit wala pong makatulong sa amin..gayung lahat naman po ng aming papeles ay lehitimo. Umabot na po ng tatlong taon ang aming paghihintay ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa din pong sagot ang SSS sa aming problema
kaya po ako ay lumalapit sa inyong tanggapan at programa at nagbabakasakali na kami ay inyong matulungan sa kalagayan ng aking biyenang babae.. siya po ay nagkakasakit na rin sa ngayon at may mga anak na nagaaral.. siya po ay tindera lamang sa palengke kaya ang pensyon na makukuha nya ay malaking tulong sa kaniya... nawa po ako po ay inyong matugunan sa aking kahilingang ito.
Nawa ang pagpapala ng Diyos at kanyang gabay ay sumubaybay sa inyo...at nawa marami pa kayong matulungan na tulad namin..
Lubos na Gumagalang at Umaasa Maria Soledad Penalosa Gregorio 18-r Paco Obando Bulacan 09328814339 / 09199447068
June 11, 2012 06:15 PM
Name: laarni
Location: gen.trias cavite
Subject: filinvest crystal aire
Rating: 3 stars
feb.2007 po nang nagpareserve kami ng lupa sa nasabing subdivision,..na may lawak na 100 sq.mtr. !
pagkatapos ng reservation,..ay nagpatuloy na ang hulog namin para sa 6 na bwan na equity,..na nagkakahalaga ng P2,100+ ang sabi sa amin ng broker na kausap ko,..pag katapo ng equity at nakumpleto ang lahat ng requirments na kailangan,..mag hihintay lamang ng isang bwan para sa proseso ng papel ko for take out... maklipas ang tatlong taon wala paring balita,..na expired na lahAT NG DOCS NA IBIGAY KO SA KANILA..WALA SILANG isinasagot sa akin kundi on process parin ang papel ko,..sa galit ko sumulat ako sa opisina nila na kung hindi nila aayusin ang loan ko, ibalik nalang nila ang nahulog kong pera! ang sagot nila sa akin ay hindi na raw iyon maaring ibalik,... hangang kailan po kaya ako maghihintay 5 taon na po ngayon at wala paring resulta! tulungan nyo po ako! salamat po,..
March 25, 2012 01:16 PM
Name: carlo tan
Location: san pablo city laguna philippines
Subject: frustrated murder
Rating: 3 stars
magandang hapon po..ako po ay isang biktima ng pamamaril..apat po ang natamo kung tama ng bala sa katawan sa awa po ng diyos ay buhay pa ako. nahuli po yung bumaril sakin kaso pinalaya din po nila wala pang tatlong buwan sabi po ng polisya dito sa sanpablo ay antayin ko daw po yung supuena hindi naman po dumating hanggang sa nabalitaan ko nalang po nitong araw na ito na nkalaya na po siya..parang binasura nalang po ng pulisya ang kaso ko..ay muntik na po akung mamatay sa ginawa niya butas ho ang panga ko at may deperensya na po ang kamay ko ... kaya hirap po akung makahanap ng tarbaho.. sana po matulungan ninyo ako..lubos na gumagalang CARLO TAN NG SANPABLO CITY LAGUNA
March 18, 2012 09:08 AM
Name: rose
Location: Brgy. Buenavista II General Trias Cavite
Subject: palpak na panunungkulan
Rating: 3 stars
Gusto ko lamang po maipaalam sainyo na ang aming Brgy.Hall ay puro kapalpakan.palagi pong wala ang Treasurer at Secretary, kaya sa twing may kumukuha ng mga kailangang dokumento halimbawa na ang Bry. Certificate ay kailangan pang hanapin ang secretary kung saan ito nandoon. Paano naman po kung hindi namin alam ang lugar na itinuturo sa amin, wala din po ang mga tanod para sana ay mag assist man lang sa amin. May umuupo na ibang tao sa kanilang mga pwesto. Sana kung hindi nila kayang gampanan ang kanilang mga posisyon ay huwag nalang sana nilang tanggapin, dahil mas maraming tao pa ang dapat sana ay makagawa ng tama, hindi kagaya nila na sumasahod na lang pero wala namang nagagawa sa aming barangay. At nag bibigay ng mga certificate na hindi po kmi binibigyan ng resibo,kahit na nag babayad po kami. Ang street light ng aming barangay ay alas tres(3) palamang ng madaling araw ay pinapatay na, kahit na sobrang dilim pa. Ang waiting shed na dapat sana ay maging lugar sa pag hihintay ng mga tao sa sasakyan ay hindi magamit,dahil ginagawang parking ng trycle. At mga aso na nakatali sa mismong tabi ng kalsada na daanan ng tao. Na minsan ko pong nasaksihan ang matandang muntik ng makagat ng aso at sa gulat ay napaiwas ito at siya namang naging dahilan ng pag kabundol sa kanya ng sasakyan. Mga aso na pagala gala na madalas ay nakakakagat at maging ang mga dumi nito ay nakakalat nalang sa kalsada. Sana po ay maaksyunan po ito ng nasa itaas... dahil ilang taon na po na ganito ang kaganapan sa aming barangay.. salamat po
February 22, 2012 04:11 PM
Name: Madness
Location: zamboanga city
Subject: School Problem
Rating: 2 stars
hmmf pede ba dito magreklamo tungkol sa school nah lack of teacherz?then meh kinuha silang kapalit sa ng retired nah teacher sa kolehiyo??kasi po kumuha sila ng di bihasang teacher nah di nagtuturo saming mga college student tapos ang laki pa nmn ng binabayaran naming tuition. ung last sem nagtapon nga lng kame ng pera sa pabayang teacher na un then now sa major subject nmin ganun nnmn gagawin??3rd yr college na kame at halos wala pa kame natutunan sa school na to ang pangalan po ng school na to ay MEIN COLLEGE inc. sa zamboanga city sana po may maka2long saming mga college student nagrereklamo na nga kame sa DEAN tapos parang di nmn kame pinapansin ng DEAN namin sa mga hinaing namin...
February 10, 2012 11:38 AM
Name: suzette crispe
Location: mabalacat pampanga
Subject: humihingi po ng saklolo
Rating: 3 stars
Magandang araw po ako nga po pa si susan or suzette gamueda crispe,humuhingi po ako ng tulong ,may pamangkin po ako na humihingi ng tulong akin lagi po syng tumatawag para saklolohin ko daw po sya ,gusto niya po kc makuha ung anak niya sa asawa niya, babae po ang aking pamangkin at ung anak niya po babae na 3years old palng po ,binantaan panga po sy ng lalaki na hindi raw niya mamakukuha ang bata kahit dalhin po daw ito sa korte,may nalalamn din po ako sa batas ,pero kaya po ako sumulat sainyo dahil alam ko po na akoy matutulongan niyo ,at hindi na po maghirap ang damdamin ng aking pamngkin . sa na po ay matulongan nio po ako ng mas maaga maraming salamat po at more blessing po sa inyong show lagi ko po kau pianpanuod. eto nga po pala ang aking contact no 09154276967 09165348776.kung sakali po na mapaunlakan niyo po ang aking kahilingan
February 05, 2012 04:15 AM
Name: kheng santos
Location: muntinlupa city
Subject: none
Rating: 3 stars
dr. mr tulfo ako po ay si kheng santos ako poh humuhingi ng tulong prA sa tatay ko na pinakulong na walang kasalanan .... salamat poh
January 27, 2012 11:28 AM
Name: feliciana umandal masicat
Location: Jala-Jala Tanay Rizal
Subject: need your help
Rating: 3 stars
kailangan ko po ng 2long nyo upang maibalik po sken ung nwala skeng bagahe kanina, sa cebu pacific airline po ako sumakay nong kukunin ko na po ung mga bagahe ko wla po ung isa kng bagahe my lman po ung samsung galaxy and netbook.sna m2lungan nyo po ako maibalik un o kng hindi po nla maibabalik un byaran nlang po nila ung halaga nwala sken dahil ksalanan nman po nla un d nla inaayos serbisyo nla sarili na nga lng nlang kababayan ginagwan pa ng masama,nagpakahirap po ako bgo ko un mabila naway ma2lungan nyo po ako..eh2 po contact # ko 09158337284 or 09351392214.maraming salamat po sna po ay mtawagan nyo ko at matulungan.
January 27, 2012 10:16 AM
Name: grace
Location: paranaque
Subject: terminal 3
Rating: 2 stars
gandang umaga po hihinge lang po ako ng tulong,nung jan 22,2012 po kasi pina kuha po ako ng ticket ng boyfriend ko sa cebu pacific airlines papuntang thailand flight on jan 24 sa birthday ko po bali birthday gift na din nya po yun sakin,kumuha po ko ng roundtrip ticket for jan. 24 until feb. 08 tapos nung flight ko na po sana hindi ako pinayagan ng immigration na makaalis dahil kulang daw ako sa requirements balik nalang daw ako pag kompleto na lahat,sabeh ko pag nakompleto ko lahat ng requirements sa araw na din yun makaka alis po ba ako sabe nila anytime daw po as long as i have all the requirements then i call my boyfriend what happen hininge ko po lahat ng kaylangan ko para sa byahe ko ang nangyari po pag balik ko dun at that night ang sabe sakin hindi ko na daw po pwedeng magamit yung ticket ko manila to thailand kaylangan ko naman daw pung bumili ng bago papunta dun ang gusto ko lang mangyari ma refund yung pera ko kasi po ang laki po ng gastos namin dun lahat lahat magsasayang lang po ako ng pera pinaghirapan ng boyfriend ko sa wala at pagod namin,hindi ko naman po kasalanan hindi ako nakaalis dapat po sa outlet palang ng binilhan ko ng ticket sinabe na nila kung anu kaylangan ko para makaalis ako birthday ko po yun pero ang natangap kung regalo puro panget dahil sa airlines na yan,alam ko naman po policy is policy pero kawawa naman po kami masasayang lang po yung pera namin hindi na namin magagamit pati yung parents at boyfriend galit na din po nanghihinayang sa pera na nagastos ko,tumawag po ako dun sa outlet na kinuhaan ko ng ticket ang sabe wala daw pung refund oh di nagbibigay ang cebu pacific ng refund,,anu po ba gagawin ko ayaw ko pung masayang yung perang nagastos ko sana po matulungan nyo ako sa problema ko...salamat po
January 26, 2012 01:41 AM
Name: Fridalyn Mendoza
Location: Makati City
Subject: MGA TNT SA KSA
Rating: 3 stars
gudevening po...hingi po sna ako ng tulong...tnt po ang father ko sa ksa..mtgal npo clang nagaayos ng papers para makauwi na cla...nainterview nga daw po cla doon ng reporter ng abs cbn news..nagpadala daw po ang pres.noy2 aquino ng plane tickets s ksa pra mkauwi npo ang mga tnt dun n gsto ng umuwi...ang siste po, ibinebenta nman daw po ng mga tao ng gobyerno na nsa ksa ung mga plane tickets sa halagang 1000riyal kya nwwalan npo sila ng pagasa n mkauwi ng pinas...anu po ang mgandang gawin nila sir?...sna po m2lungan po ninyo kami regarding sa bgay n ito...ito po ang number ng father ko sa ksa +966562258215 at ang akin po nmang numero ay 09095717816...
January 18, 2012 02:46 PM
Name: caselyn salenga
Location: tarlac city
Subject: khaye
Rating: 3 stars
sir,hihingi po ko ng tulong nyo gusto lang po sana matigil ang ginagawa ng kaibigan ko habang maaga,may anumalya po sila giganawa sa company nila,sinabihan ko po sya tigilan na pero nanganib po ang buhay ko,pinagbantaan po nya ko papatayin nya ko pag pumunta po ko sa trabaho nya. sir humihingi po ko ng tulong sainyo sna po matulungan nyo ko sa lalo madaling panahon dahil hanggang ngayon po nanganganib ang buhay ko..e2 po ung number ko.. 09476192366
December 30, 2011 01:21 AM
Name: eszemacau
Location: apolonio samson, q.c.
Subject: baha sa basketball court
Rating: 3 stars
sir magandang araw po sa inyo ako po ay member ng RG YOUTH ORG. D2 sa aming lugar idudulog ko lang po sana ung problema d2 sa lugar namin kc po bumabaha sa basketball court d2 dahil sa butas na tubo ng maynilad , inabisuhan na po namin cla pero d nila pinapansin . ano po ba ang dapat gawin sa bagay na ito ? delikado po kc para sa mga batang naglalaro kc marami nang nadudulas swerte na lamang dahil walang nababagok ang ulo pero sana ay walang mangyaring gnito bago maayos ang lugar . eto po ang cel# ko 09298232180 itext nyo po ako wag call kc may work po ako kung anu ba ang dapat na gawin . maraming salamat po . . more power , godbless sana marami pa kaung matulungan mga idol tulfo . .
December 14, 2011 09:58 AM
Name: Concern Citizen
Location: Philippines
Subject: Illegal Drugs and Cybersex
Gusto ko lang po matigilan ang illegal na trabaho sa kaibigan ko. Hindi pa naman siya big-timer pero kailangang mahinto na niya ito hanggat maaga pa. Nagbibinta po siya ng illegal na druga at nag-cybersex para kumita ng pera. Siya po si Analyn Boroy at ang number po niya hopefully active pa po ito dahil marami po siyang ginagamit na mga numbers: 09472026281 at 09182123528 at may facebook po siya sa pangalan na iyon. Sana po makatulong po itong mensahe kong ito para matigilan siya para din po sa kapakanan ng ating sambayanan.
Marami pong salamat.
December 11, 2011 03:25 AM
Name: Roy Palanca
Location: Santa Cruz Davao del Sur
Subject: illegal Termination
Sir magandang gabi sa inyo ang problema mga regular kami na trabahante ng Franklin Baker company of the phil.d2 sa santa cruz davao del sur barrio coronon..pina alis kami ng aming companya na walang sapat na dahilan ang masaklap pa nito pinalitan kami ng mga trabahanteng contractual na galing sa ibat ibang agency....pinarating na nmin aming problema sa DOLE noon pang may sa kasalukuyang taon pinakuan nman kami ng DOLE na reresolbahin nila aming problema pero hanggang ngaun 8 months na wala paring ibinaba na desisyon ang DOLE....ang duda namin sir baka nabayaran nnman ng aming companya ang DOLE para lang matagalan ang kanilang desisyon..sana matulungan nyo kami sa aming problema d2 sa aming companya...hirap2x na kami d2 kung saan ku2ha ng pang araw2x na panga2ilangan mga estudyante nmin huminto na sa pag-aaral.. salamat and God bless you always! aasahan nmin na maaksyunan nyo kagad ang amin problema...e2 nlang sana ang inyong pamasko samin!merry x-mas and hapi new year!
November 26, 2011 10:20 AM
Name: Susan
Location: Pasig City
Subject: utang ng tao
Rating: 3 stars
gd pm po,humihingi po ako ng tulong may utang sa akin ang isang silahis ng bading na halagang P15thousand pero po nagdaan ng ilang buwan na ay hndi po sila nag bayad kahit magkano.at may katibayan po ako na magbabayad siya pero wlang nagyari.marami akong utang sa kagagawan niya.pls.po tulong niyo po ako.hndi ko po alam kung doon pa siya nakatira.Dito sa V.Luna mapagbiyag street.QC.Kung pupwede po na tumawag ako sa inyo.kaya lng wala po akong number sa inyo.At hindi lang ako pati po sa work namin ginawa niyang umutang na malalaking pa sa akin.please bigyan ninyo ng pansin itong sulat ko po.
November 09, 2011 09:26 AM
Name: wilfredo
Location: Taguig City, Manila, Philippines
Subject: Problema sa lupa
Rating: 3 stars
Mabuhay po ang programa ninyong Tutok Tulfo at marami kayong natutulungan!! Nais ko pong ihingi ng tulong ang lupa ng tatay ko sa Calamba City Laguna. Ito po ay naisanla ng isang pekeng abogado sa isang insurance sa halagang 1M..Nakapirma po ang tatay ko sa isang SPA na sulat ingles na hindi naman niya alam ang nilalaman. Ang tanging nasabi sa kanya ng abogado ay hahatiin sa dalawa ang kanilang lupa pero hindi po iyon ang nangyari. Ngayon po ay mae elit na po ito ng pinagsanlaan kaya po humihingi po kami ng tulong sa inyo kung may HABOL PA BA ANG TATAY KO SA KANYANG LUPA?Sana matugunan nyo po ang problem ng tatay ko. Maraming maraming salamat po
November 02, 2011 03:27 AM
Name: Len
Location: Fabella Road, Mandaluyong City
Subject: Reklamo ko lng po tungkol sa linya ng trycicle at tindahan na naging tambayan ng mga manginginom
Rating: 3 stars
Me nkapagsabi po sa akin na sa inyo ko daw po isumbong ang aking reklamo tungkol po dito sa aming lugar. Itago nyo na lng po ako sa pangalang len. Simula po nang lumipat kami dito sa Brgy Plainview, Fabella Rd, Mandaluyong City tapakatahimik po ng aming lugar at kami po'y masaya dahil na rin sa pabahay ni Mayor Abalos. Pero labis po akong nadismaya ng kami ay pasukin ng magnanakaw. Matagal nap o kami dito ngunit ngayon lamang po nangyari ito. Mga pulis at teacher ang pawing mga residente. Meron pong isang lugar dito malapit sa International Baptipt church na biglang nagkaroon ng linya ang mga tricycle na hindi po nmin alam kung bakit nagkaroon nito at tindahang mukhang squatter. Marami pong tumatambay at umiinum dito at kadalasan nagsusugal. Hindi lang po kami ang naakyatan ng magnanakaw marami na rin po. Wala pong nagagawa ang aming Barangay upang magronda gabi gabi. Sana lamang po bigyan nyo po ng pansin ang aking reklamo at usisain ang aming lugar at pati na rin po ang Barangay Plainview. Nakakatakot isipin na walang protekyon ang mga permanenteng residente tulad namin. Humihingi po ako ng konting pansin. Salamat po!!
October 10, 2011 06:03 AM
Name: Juvy Mamac
Location: Olongapo City
Subject: Cherry Mobile
Good Day! Sir Erwin, i hope makita at mabasa ninyo agad to bago pa po mawala nang tuluyan ang cp ko...It's been 4 mos. since nang dinala ko po ang cp ko for repair, nawawala po kasi ang screen nya, bigla na lang namamatay at ang sabi po nang mga ilan kong kaibigan, baka daw ung flex ata un ang may problema...Since february lang po siya nabili ng husband ko dahil gift nya po un saken for my birthday, under warranty pa siya kaya dinala ko agad sa pinagbilhan namin. UTECH & I-Call po ang name ng dealer na nabilhan namin. May ko po siya dinala sa kanila at ang sabi 2mos before ko makuha ang unit ko, pero until now po wala pa silang malinaw na information kung kelan nila talaga irerealease ung cp ko...Sinubukan pong tawagan ng husband ko ang Cherry Mobile Service Center, pero naging mas kumplikado na ang mga sagot nila, hindi na daw under warranty ang naging sira...Sir Erwin nadagdagan ng sira ang cp ko mula nang dinala ko sa kanila...kung anu-anu nang sira ang sinasabi nila..at malamang na hindi na daw nila magawa...ang sobrang pinagtataka ko lang po bakit pa nila pinaabot ng apat na buwan bago kami sabihan nang ganun, samantalang hindi kami nagkukulang sa kakafollow-up sa kanila..at isa pa rin po, bakit nag-iba ang sira ng cp ko...sana po matulungan ninyo kami, Sir Erwin February lang ung cp at imposible ang sinasabi nilang sira nang cp ko, 3mos ko lang nagamit un at sa loob nang 3mos na un, un na ang naging problema niya...ngayo apat na buwan na sa kanila ang cp ko, mas matagal pa nilang nagamit kaysa saken na supposed to be mag-enjoy sa mga pinagmalaking features ng cp na un..paki gising naman po ang pamunuan ng Cherry Mobile sa bagay na to, bago pa tuluyang mawala ang cp ko at bago pa nila gawen ang bagay na to sa ibang tao...sana rin po makonsensiya naman sila dahil hindi naman kami mayaman na namumulot lang nang pera na ipambibili nang ganun, pinaghirapan po un ng husband ko...Marmaing Salamat po at sana'y matulungan ninyo ako....
September 15, 2011 08:56 AM
Name: Mitch
Location: Mindanao
Subject: Cargo forwarder
Rating: 3 stars
Good day po Sir Tulfo. I need your help po. I have a problem with the rockets shipping cargo forwarder in 0153 Quirino Avenue, Tambo Paranaque City. I send 3 boxes last June from UK and until now di pa po natatanggap ng pamilya ko. Nong tinawagan ko po nong August ang Office nila sa UK na ang namamahala ay si Steve Canete ang sabi ay nasa Cagayan de Oro na daw. Binigay pa sa akin ang tracking number pero wala naman dumating. I have contacting Mr. Steve Canete through email and just last night He said it was already sent in cagayan De Oro City. my nephew personally went to Junits Cargo Forwarder in Puntod Cagayan De Oro but said no cargos/shipping arrived for more than a month. Pag tinatawagan po ang contact numbers ng rockets shipping, di na po nag ri-ring or kung mag ring man hindi o sinasagot. 0923 811 4223/ 09069405860/ 09298007396 ang contact person po dito ay isang nag ngangalang Willie at Ditas. Paulit ulit po akong ng punta sa main office nila sa Tambo, Paranaque pero wala pong tao.Twice ko po nakausap ang may ari ng building at kahit po ang may ari ng building ay hinahanap sila dahil matagal na daw na di nagbabayad ng rent. Ang sabi pa ng may ari ng building, balita nya daw po na nahold ng customs ang 2 container ni Steve Canete dahil may halong illegal. Please Sir, I need your help po.
many thanks!
September 13, 2011 02:48 AM
Name: kristian
Location: teresa,rizal
Subject: sana matulungan nyo po kami tungkol po sa mga bahay dito sa subdivision namin
good day po..taga teresa rizal po aq.. hihingi lang po sana kami ng tulong.. kami po ay mga taga teresa,rizal. concern ko lang po tungkol sa mga bahay dito sa subdivision namin.. may 1 po kasing nakatira dito na bumubili ng mga bahay sa pag-ibig na kahit my nakatira pa nakukuha nilang bilhin ang bahay.. madami na po ang nagagalit sa knya dahil sa ginagawa nya.. hndi din po namin alam dito mg kakapit bhay kung panu ang ngyayaring kalakaran between sa kanya at sa ahensya ng pag-ibig housing dept... example ko na lang po yung gusto i housing loan ng kapatid ko.. nag pa reserve na po kami sa pag- ibig nung gusto namin na bhay dito sa subdivision namin.. ngayon nag ka problema po kami kasi yung bahay na dapat iloloan ng kapatid ko eh d makakabitan ng ilaw sa dahilan na nahuli sila ng meralco malaki ang nging utang nila sa meralco.. kaya ng desisyon kami na d na lang namin kunin.. ngayon nagpunta aq sa pag ibig last july 16 2011 para dun sa bahay na kukunin namin pero cnabihan nila kami na kung ganun ang sabi ng meralco eh mahihirapan nga daw kami.. ed ngtanung aq ng bahay ulit para sa 2nd choice namin para i loan.. nag inquire aq nung 2nd choice namin kung available pa.. ngayon sinagot skin ng taga pag-ibig is ok sya kunin dahil nasa aquired asset n sya pero nakausap daw nila yung nakatira na wag dw ibigay sa iba at sila n lang daw ang mg-aaply for housing loan.. ngayon kung gusto ko daw yung unit na yun kausapin ko daw yung nakatira at kung papayag man daw sya.. hingian ko daw ng letter na katunayan na pumapayag sya na i housing loan namin yung bhay.. ngayon wla pa 30 days my pumunta dun sa bhay na 2nd choice namin na nakapag down n dw cla at pinapaalis na nga yung nkatira.. nagtaka yung nakatira dahil nung kami ang mg apply nung bahay hinahanapan kami ng letter.. na dapat mg dodown n ko dun sa 2nd choice namin.. nitong july 22,2011 nag down n dw yung kumuha sabi sakin ng pag ibig kaya hndi n dw available.. marami na pong bahay ang ngyayari na ganyan dito samin isang tao lang po ang kilala namin na bumibili ng bahay pero pagdating sa pag-ibig iba ang pangalan ng bumuli.. at nkakapgtaka p po ay napapaalis nya yung nakatira kagad ng wla pang move-in letter yung pag-ibig.. sana po matulungan nyo po kami dito regarding dun sa tao na bumibili ng bahay at s ahensya ng pag-ibig.. salamat po..godbless..