Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Wish Ko Lang

New Topic

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18 - 19 - 20 - 21 - 22 - 23 - 24 - 25 - 26 - 27 - 28 - 29 - 30 - 31 - 32 - 33 - 34 - 35 - 36 - 37 - 38 - 39 - 40 - 41 - 42 - 43 - 44 - 45 - 46 - 47 - 48 - 49 - 50 - 51 - 52 - 53 - 54 - 55 - 56 - 57 - 58 - 59 - 60 - 61 - 62 - 63 - 64 - 65 - 66 - 67 - 68 - 69 - 70 - 71 - 72 - 73 - 74 - 75 - 76 - 77 - 78 - 79 - 80 - 81 - 82 - 83 - 84 - 85 - 86 - 87 - 88 - 89 - 90 - 91 - 92 - 93 - 94 - 95 - 96 - 97 - 98 - 99 - 100 - 101 - 102

Name: diana may geroleoLocation: calungbuyan balaoan la union
Subject: para po sa magulang ko na pinipilit kaming ginagapang na mga anak makatapus lang ng pag-aaralRating: 3 stars

magandang araw po. ako po ay panganay na anak sa aming pamilya. hindi ko na po matiis yong nakikita
ko sa mga magulang ko na halos wala na maabot saming pera pangbaon sa araw araw. kami po ay apat na
magkakapatid. ako ay graduating na sa korsong bachelor of science in travel and tourism management.
sana nga po ay titigil na ko sa pag-aaral dahil kapus na talaga sa pang gastos. pero gigawa pa din
nila ng paraan makatapus lang ako. tumutulong din po ako sa panggastos ko sa school sa pamamagitan
ng pagsali sa mga beauty pageant pero kulang na kulang pa din po iyon. gusto ko din po kasi sila
matulungan. kumukuha sila ng pera sa isang tinayong maliit na bakery pero mahina ang aming negosyo.
halos magkanda utang utang na din mama ko sa mga lending companies para mkakuha ng puhunan pero wala
pa din. isang malaking disapointment pa nangyari sa kapatid kong pangalawa sakin ang magasawa n agad
at mabuntis ng wala p sa panahon habang nag-aaral p siya. kya lalong nabaun kami sa kahirapan.
hiling ko lang po ay matulungan ang aking mga magulang sa pag lago ng aming negosyo at ang
matulungan din po sila na mapagtapus kami. ang pangatlo kong kapatid ay graduating na din ng high
school at my posibilidad n tumigil din po sa pag-aaral. sana po ay matulungan nyo kami sa hiling
kong ito.

MARAMING SALAMAT PO AT ADVANCE MERRY CHRISTMAS. SANA AY TUMAGAL PA ANG INYONG
PROGRAMA.

lubos na gumagalang,
Diana May Geroleo

December 04, 2012 06:22 AM
Name: ronabelle andaLocation: tarlac
Subject: lola edad na 95 na patuloy parin inaalagaan ang kanyang anak edad 51 na may sakit na epilepsy 

good day Wish Ko Lang! Inilalapit ko po sa inyo ang isang buhay ng magina na taga tarlac na
kahit may kapansanan at may edad na sila ay hindi hadlang para ipagpatuloy na mabuhay dito sa mundo.
Maagang na byuda ang lola ko 95 yrs.old at naiwan sa kanya ang tiyo ko na may epilepsy 51
yrs.old,hindi na nakapagasawa ang tiyo ko dahil sa sakit nya na laging sinusumpong.ang lola ko ay
may dating tindahan sa palengke ngunit dina nya ito maharapan magbenta dahil sa anak nya.umaasa na
lamang ito sa pension nya na limang libo kada buwan.kahit na may edad n sya hindi sya tumigil sa
paggawa ng gawaing bahay araw araw siyang nagluluto,naglalaba ng damit nilang magina,nagwawalis,at
kung anu ano pa,.Kahit ayaw namin syang pakilusin sya parin ay makulit na kilos ng kilos.Aliwan nya
ang manuod ng t.V lalo na sa balita.Ang anak nya ay nakakagawa parin ng gawaing bahay sya naman ang
nagiigib ng inumin nila sa poso,ngunit nitong mkalipas na buwan madalas na itong sumpungin at bigla
na lang ito matutumba kaya naman puro sugat na ang buo nitong katawan at nabasag ang ilong nya..Ang
lola ko naman sinapo nya ang tiyo ko ngunit nadulas sya at naitukod nya ang kanyang kamay kaya
nagkafractured ang kaliwa nyang kamay dinala namin sya sa ospital at sa awa ng panginoon maayos na
sya,.Malusog at masigla pa ang aking lola kaya lang talagang iyakin pagnkwentuhan ka nya ng buhay
nya.Naawa ako sa kanya at sa tiyo ko dahil sa dami ng anak nya at apo wala man lang magmalasakit na
tulungan sya s pagalaga sa anak nya o dalawin man lang sila at bigyan ng kaunting panahon,.Mas
madalas pa pumunta sa bahay nila lola ang mga kapitbahay namin na may malasakit mgbigay ng
tulong..Pero kahit na kapos sa pagaruga sa mga anak ang lola ko lagi parin nyang sinasabi na mahal
nya ang mga anak nya at naawa sya sa mga ito kaya minsan o madalas nyang binibigyan ang mga apo nya
pg dumadting na ang kanyang pension.Wish Ko Lang para sakanya na madalaw sya at magkaisa
ulit ang kanyang mga anak ngaun darating na kaarawan nya december 18,at maipasyal sya sa gusto nyang
lugar kasama ang tiyo kong may sakit..Maraming salamat po.

December 03, 2012 09:43 AM
Name: christine joyLocation: blk 6 apras st. san juan cainta,rizal
Subject: para sa pamilya naminRating: 3 stars

Dear Mam Vick,

Magandang araw po sa inyo at sa buong pamilya ninyo,nagagalak po ako pag
nakakasulat ako dito sa programa ninyo at nawa po matulungan niyo ang aming pamilya.Gusto ko po
sanang makapag-aral kaso po wala pong pera ang mga magulang ko para mapag-aral ako kahit na po sana
sa mababang paaralan lang naman.Nalulungkot po ako kapag nahihirapan ang mga magulang ko sa
pagbabayad ng ilaw at tubig namin.Buong puso po akong magpapasalamat sa maykapal at sa programa niyo
kong magkakaroon po kami at mabibigyan niyo kami ng sarili naming bahay at lupa malaki pong tulong
sa mga magulang ko kapag nakaroon kami ng bahay at lupa na sarili.Nawa po matulungan niyo po ako at
ang pamilya namin,nawa po mapansin niyo ulit itong sulat ko sa inyo.
Maraming salamat po at
magandang arw po muli sa inyo.
GOD BLESS YOU PO

Lubos na gumagalang,
Christine joy L.Buslon

December 03, 2012 05:40 AM
Name: Nieves O. IbanezLocation: 296 Ilang-ilang St,VFL Subd. Noveleta,Cavite
Subject: Help for my son 

Dear Ms. Vicky Morales,
Ako po ay napilitang sumulat sa inyo,para sa anak kong si Jun Ibanez,
kasi po, simula po sa pagkabata kinahiligan na po niyang tumugtog ng flute. Nun pong siya ay bata pa
binigyan po siya ng isang secondhand flute at pinaturuan po namin siya na tumugtog ng maayos. Di po
iyon nagtagal kasi po ang teacher niya ay nag ibang bansa kaya nawalan po siya ng teacher. Hindi po
siya nawalan ng pag asa at siya po nag self study hanggang siya ay lumaki na. Ngaun po siya po ay
nagtuturo sa mga bata lalo na po't ang bata ay interesado na matuto. Ang pagtuturo po niya ng
flute ay walang bayad - ang gusto lang po niya ay dedicated ang bata sa pag- aaral. Nagtuturo po
siya ngaun sa orchestra na binubuo ng mga bata edad 8-16 years old at siya po ang conductor.
Kadalasan po sila ay tumututog sa mga church services at sa mga lugar na kung saan sila ay puede na
maglingkod for free.
Nag-enrol siya sa ng Master in music, major in performance sa St Paul
University Manila, na sinusuportahan ng kaniyang kapatid na nasa Mindanao. Sa madaling salita,
matatapos na siya ng kurso nito at ang kulang na lang ay ang requirement para sa graduation na
recital na dapat sana ay ganapin sa katapusan ng school year na ito. Kaya lamang po ang kanyang
flute na ginagamit na regalo pa sa kanya noong birthday niya nang siya ay 12 years old pa lamang ay
hindi kayang tugtugin ang piyesa na kailangan para sa recital na nabanggit.
Siya po ngayon
ay kumukuha din ng Master in Music Education sa Adventist University of the Philippines na kung
saan kakailanganin ang level ng performance niya na matatapos niya sa St Paul upang makatapos siya
noon at makapagturo siya ng music at magkaroon ng regular na pagkakakitaan para naman siya ay
magkaroon ng sariling pamilya.
Ang pag-aaral niyang ito ay sa suporta din ng kanyang kapatid
na nasa Mindanao sapagka't hindi po namin kaya iyon dahil maliit lamang po ang pension ng aking
asawa na isang retired military. Sa ngaun po di na siya kayang suportuhan ng kanyang kapatid dahil
tumutulong siyang suportahan ang kanyang biyenan ng nagda-dialysis halos dalawang beses isang
linggo.
Nais po ni Jun na makatapos sa end of school year na ito nguni't ang malaking
problema po ay ang flute niya na ginagamit ay pang intermediate pa lang at ang level na po niya ay
7. Katulad po ng aking nabanggit, hindi ito puwedeng gamitin para sa piyesang kailangan para po sa
recital na magsisilbing final exam niya sa St Paul. Kinakailangan po niya na magpalit ng flute na
mas advance at iyon po ay ang ALTUS, ayon sa sabi ng kanyang professor sa St Paul University.

Kaya ako po ay nakikiusap sa Wish Ko Lang kung maaari po tulungan po ninyo siya na makakuha
ng flute na iyon na kanyang kinakailangan para po siya makagraduate at lalo pang makapglingkod sa
ibang mga bata.
Sa ngaun kami pong mag-anak ay nagtutulong-tulong sa pag produce ng salapi na
kinakailangan subali't wala po talaga kaming ikakaya, kaya po sumulat po ako sa inyo
nagbabasakali na matulungan ninyo po si Jun upang mas maging effective po siya sa kanyang
paglilingkod. Ako po ay nakikiusap na kahit po secondhand ay mabigyan po siya ng Altus na flute.

Ang music po ang buhay ni Jun at ang pagtuturo sa mga bata.
Salamat po sa inyong pagtulung.
Pagpalain ng Dios ang inyong programa na sana ay marami pang tao ang maabot at matulungan.


Lubos na gumagalang,

Nieves O Ibanez

December 01, 2012 10:38 PM
Name: gerrylyn danezLocation: candelaria quezon
Subject: kahilingan para sa tyahin koRating: 3 stars

dear Wish Ko Lang nag email po ako sa inyo para sa munting kahilingan ko sa tyahin ko na
mayroong malubhang karamdamam dhil sa kahirapan di na magawang ipagamot ng kanyang pamilya cya po ay
may 12 anak at pawang maliliit pa sana po cfya ay matulungan nyo gusto ko pong hilingin sa inyo na
cya ay inyong matulungan sa nalalbi pa nyang araw asahan po namin ang inyong tulong sa kanya salamat
po

December 01, 2012 05:04 AM
Name: Francia BunaoLocation: franzbunao@yahoo.com
Subject: Ang wish ko poRating: 3 stars

Dear Wish Ko Lang, magandang araw po sa inyo lalo na po sa makakabasa po ng email na ito.
Nagbakasakali lang po ako kaya naisipan ko pong magpost po dito. Ako po si Franz, 31 na po ako at
may isang anak na limang taon. Lumaki po kami dito sa pinsan ko kasi wala po kaming sariling bahay.
Wala din po akong asawa kaya tanging trabaho lang po ang inaasahan namin mag ina. Wala din po
trabaho tatay ko matanda na po. Sa ngayon po hindi po ako pwede pang magtrabaho dahil kelangan ko pa
daw po magpagamot. Tatlong taon na po ang findings ko na may PTB po ako sa baga. Di ko po nagagamot
kasi kapag may trabaho po ako lagi ko lang naiisip ang anak ko at ang may maibigay dito sa bahay.
Nahihiya po ako lumipat sa mga ka anak dahil may mga sarili din po silang iniisip sa buhay. Wish
Ko Lang
po na sana po maktulong ang programa sa aking mga gamot. Tatlong klase po ito. Wala po
ako sapat na pera para dito. Gusto ko na po gumaling upang makapag trabaho na uli para sa aking
anak. Sana po ay mapansin ang post ko po. Handa po ako i share ang buhay ko po para sa Wish Ko
Lang
. GOD bless Wish Ko Lang. Salamat po

November 28, 2012 07:39 AM
Name: christine joyLocation: blk 6 lot 10 apras st anak pawis cainta,rizal
Subject: para sa kahilingan ng mama koRating: 3 stars

Dear Mam Vicky,

Mapagpalang araw po sa inyo at sa programa niyo nawa po matawag ng pansin ng
inyong puso ang aking kahilingan para sa mama ko at sa pamilya namin.Naaawa po ako sa mama ko at sa
papa ko gusto ko lang po silang tulugan talaga na makaroon ng sarili naming bahay at
lupa.Nahihirapan na po ang aking mama sa paglalaba para lang manatili kami sa tinitirhan namin
ngaun.Pagpasensyahan niyo na po ako kong marami na akong sulat na nababasa niyo hindi po ako
nag-aaral ngaun dahil sa financial problem.

Nagmamakaawa po ako sa inyo nawa po matulungan niyo
kami sa problema namin at ng hindi na po nahihirapan ang mama ko sa paglalaba sa may-ari ng bahay
namin ngaun.
Umaasa po ako sa inyong tulong sa pamilya namin at sa aking mama at pati po sa
akin.
Lubos po akong magpapasalamat sa diyos sa tulong niyo.

Lubos na umaasa,
Christine Joy

November 26, 2012 07:48 AM
Name: ana ruth valencia bulosLocation: paradise farms san jose del monte bulacan, philippines
Subject: para po sa aking tiya na may sakit sa kidney.. 

good day po for Wish Ko Lang,ako po si ana ruth valencia bulos nakatira sa paradise farms
1 lagunita road, zone 6, san jose del monte bulacan po ako, my nais po akong tulungan sa inyong
programang Wish Ko Lang para sa aking tita na si Ma. Jessica Repata Delmiendo na may sakit
po sa kidney . hinihiling ko po na matugunan ang kanyang pangangailangan sa pag gagamot at sa
pinansyal. kasalukuyan po siyang nagpapagamot sa hemo dialysis. Naoperahan na sya sa tiyan dati
ngaun po sa kanyang leeg naman. sa loob ng isang linggo tatlong beses siya pumupunta sa hemotek para
ma-dialysis. sa pamamagitan ng inyong tulong lubos ko pong pasasalamatan ang inyong progama. naaawa
po talaga ako sa aking tiyahin dahil sobrang nahihirapan na po talaga siya sa kanyang sakit.para din
po sa nag iisa nyang anak. meron po siyang isang anak mag aapat na taon . hindi na po siya nakakapag
salita ngaun dulot ng siya po ay inoperahan sa leeg. may sa isang taon at anim na bwan na siya
nahihirapan sa kanyang sakit sa kidney..sana po matulungan nyo kami.. maraming salamat po sa inyong
programa at sa lahat ng bumubuo nito ..

November 25, 2012 03:25 AM
Name: sharmaineLocation: BRGY.Santa Cruz Koronadal city
Subject: para kay lola ko..na gustong makita ang anak.Rating: 3 stars

dear Wish Ko Lang sana po kahit paano
ay mabasa o ma tupad ang aking hiling..sana po kahit paano ay matulongan ko ang aking lola kahit
dito na lang sa Wish Ko Lang.ang kanyang anak ay siANECITO E.MIRAR..na simula 2005ay hindi
nya na nkita ang kanyang anak..ang balita po namin ay nasa osamiss Oriental davao po siya..nag po
kami sa kanya pero kahit ni isang sulat niya wala siyang napadala sa amin..kaya sana po ai
mabalita_An na namin siya kung asan siya na papad... at kung sa
kaling mahanap siya.ako nga pala ang kanyang pinsan na si sharmaine londres,,at eto po pala ang #TEL
ko 228_1251,at eto naman ang CELL# ko 09261534989..hope na maka kuntak siya..

November 23, 2012 04:44 AM
Name: Arminda LelisLocation: Calamba Laguna
Subject: para sa tatay ko na may Kumplikasyon sa baga at paralitiko 

dear Wish Ko Lang,
isang mapagpalang araw po sainyo sa ngalan po ng dakilang
Maykapal,nawa po ay mapansin nyo at mabigyang daan ang isang kahilingan na lubos ko pong
ipagpapasalamat sainyo kung ako po ay inyong mapagbibigyan sa suliranin po ng aking mahal na
ama.Siya po ay 72 y.o na malubha ang karamdaman,paralitiko sanhi ng atake nya noong nakaraang buwan
ng agosto.nagawa ko po syang ipa ospital noon at nalapatan ng karampatang lunas.subalit ako po sa
ngayon ay walang trabaho kase contractual employee lang po ako.sa isang anak na katulad ko sobrang
bigat po sa dibdib ko na halos kulang na lang gawin namin lahat mapagmot lang siya ng tama at maayos
subalit sa kakapusan po sa pera ay hirap po kami na maibigay sa tatay namin ang lahat sa tuwing
nakikita namin sya na lumalaban sa kanyang malubhang karamdaman.idagdag pa po ang madalas nya ng
pagsuka ng dugo sanhi na din po siguro ng naging problema nya dati sa baga.litung lito na po ako
kung san makakahingi ng tulong tanging DASAL sa Panginoon ang aking kinakapitan upang maging matatag
sa pag harap sa bawt hamon ng buhay..DASAL ko po na sa tulong ng Dakilang lumikha kayo ang gawin
nyang tulay para sa kasagutan sa aking problema..nawa po ay masulyapan nyo ang liham kong ito at
matulungan nyo po ang tatay ko.salamat po at pagpalain kayo ng POONG MAYKAPAL.

November 23, 2012 01:34 AM
Name: rona soriaLocation: tubod lanao del norte
Subject: lama lama tanngigueron 

If you can help my family at mindanao

November 21, 2012 08:00 AM
Name: MARY LUZ R DESALESLocation: ROXAS CITY CAPIZ
Subject: MS.VICKY TO GMA 7Rating: 3 stars

DEAR.GMA 7 WISH KOLANG KAPUSO STAF

Ako po si mary luz desales.wish kolang po sana ngayon
pasko makita na ng mama ko yong mama at mga kapatid niya.kasi po 30 years napo sila hindi
nagkita.gusto ko naman maging masaya pasko ng mama ko wala din kaming pera para hanapin sila.10
sampo po kaming magkakapatid namatay napo yung isa.kaya ho sana mapagbigyan niyo yung hiling ko.taga
samar leyte po sina mama o abuyog leyte po.yan po address nila noon ng lola ko.sana mapagbigyan niyo
po ako.

Gumagalang
mary luz r desales
nickname m.m

wish kolang kapuso show

salamat sainyo

November 20, 2012 02:45 PM
Name: christine joyLocation: lot 10 blk 6 apras st. anak pawis cainta rizal
Subject: para sa mama koRating: 3 stars

Dear Mam Vicky,

Magandang araw po nawa po mapansin ninyo ang aking hilng sa inyo at ang sulat
ko.Sumulat po ako dahil naaawa na po ako sa mama ko dahil nangungupahan lang po kami at dhil po sa
financial problem hindi na po kami nakabayad at nilalabhan nalang po namin ang damit ng may-ari ng
bahay namin dahil wala naman po kaming magagawa baka po kasi palayasin kami.Gusto ko lang po sanang
magkaroon kami ng sarili naming bahay at lupa para hindi ko na po nakikita ang mama ko na nhihirapan
sa paglalaba para lang wag kaming paalisin.Parang awa niyo na po nawa po tulungan niyo po kami at
tumigil din po ako s pag-aaral para mapatapos din ng mga magulang ko ang dalawa ko pang kapatid
nanasa high school na at nahihirapan din po ako na iniind nalang ng papa ko ang sakit niya sa
katawan dahil wala naman po kaming pambili ng gamot.Umaasa po ako sa inyong tulong,buing puso po
akong magpapasalamat sa matkapal.

Nawa po dinggin ninyo ang munti kong hiling sa inyo salamat
po.
GOD BLESS YOU ALWAYS...........
Ito nga po pala ang no. ko 09103947553

Umaasa,
Christine
joy

November 20, 2012 07:43 AM
Name: gretch lore?oLocation: trece martires city cavite
Subject: tulong po para ky ate jhingRating: 3 stars

dear wish ko lng gusto ko pong matulungan amin pong kapitbahay n si ate jhing,ako po ay naawa
sakanya sa araw araw na paglalaba po nia gus2 ko pong hilingin pra sakanya ay isa pong washing
machine..hindi po sya makabili sapagkat pito po ang anak nya at lagi pong kinakapos sa pang araw
araw n gastusin..kahit po hating gabi o kaya ay madaling araw ay naglalaba p po siya..wish ko sana
po ay matulungan nio po ako at aking kapitbahay at kaibigan n a c ate jhing..maraming salamat po at
nawa'y pagpalain pa p0 kayo ng puong maykapal at sana marami pa po kayong
matulungan..nagpapasalamat,gretch ng trece martires cavite

November 16, 2012 08:08 AM
Name: JIESZYL T. MATIENZOLocation: PAJO SAN ISIDRO, VIRAC, CATANDUANES
Subject: Wish Ko Lang-For my GrandparentsRating: 3 stars

Dear Wish Ko Lang,

Magandang hapon po Ms. Vicky...

Ako po c JIESZYL T. MATIENZO ng
Pajo San Isidro, Virac, Catanduanes..sumulat po ako sainyo dahil kailangan ko po ng tulong niyo at
ng Wish Ko Lang na mapagamot ang aking lolo't lola..ang lola ko po ay na stroke, at
ngayon ay bedridden na dahil ang kalahating katawan niya ay di na makagalaw,hindi rin po siya
makapagsalita nang maayos, ang tanging nabibigkas niya po ay mga "dasal" or prayers, ang
gusto niya pong sabihin na mga salita ay di niya mabigkas,ang mata niya po ay malabo na rin dahil sa
katarata, nakatama ang ulo niya sa semento nang siya ay atakihin sa puso at ma stroke, kaya gusto ko
po sana na mapa CT-SCAN siya at mapa therapy kaya lang wala po kaming sapat na pera, tulungan niyo
po kami na mapatingnan sa espesiyalista ang aking lola at mapa therapy siya. Ang aking lolo naman po
ay matagal nang umuubo at may sipon na nd matanggal tanggal,ang kanan niya pong mata ay hindi na
makakita, siya po ang umaalalay sa aking lola kapag uupo o hihiga po ito, siya po ang nagbubuhat sa
lola ko dahil wala pong wheelchair ang lola ko, tulungan niyo po kami na mapatingnan sa doctor ang
aking lolo at mapagamot ang mata at sakit nito..Ako po ay inaruga nang aking lolo at lola nang
mamatay ang aking ina nung ako ay isa't kalahating taong gulang pa lamang, kaya gusto ko po na
masuklian ang kanilang kabutihan at pagmamahal sa akin..Minsan umiiyak po ang aking lola dahil hindi
niya makita ang kausap niya kaya naman naiiyak din ako sa kalagayan nang aking lola, kaya po dumulog
na ako sainyo na sana po ay matulungan niyo kami..Mahal na Mahal ko po ang Lolo't Lola
ko..

Sana po ay matulungan niyo kami..hihintayin ko ang inyong sagot..salamat po nang
marami..

God bless and More Power po sa Programa niyo..:)

November 16, 2012 06:25 AM
Name: FELANIE DOCENA VERTUDAZOLocation: Punong, Tomas Oppus, Southern Leyte
Subject: tulong para sa aking anakRating: 3 stars

Good evening, i want to inquire how can i avail for your foundation. My son RHYNEIL 7 months, born
last April 8 2012. He have a congenital heart deceased. And his mother died of heart attack after 7
hours of her birth. And after three weeks, my son rhyneil was admitted to the emergency hospital.
Because of infection of blood. And the doctor referred us to cebu for 2d-ECHO. Because of financial
problem i asked some assistance to the Department of Social Welfare and Development (DSWD) of my
town. And the DSWD give some assistance, and they referred me also to the Kinderhilfe Foundation for
more assistance. I am so lucky because they help me. He have been 2d-ECHO in perpetual succour
hospital in cebu city, last April 2012. He have a ventricular septal defect (VSD) and a whole of 7mm
of his heart. And because of his condition the foundation cannot give a long term medical assistance
to my kid. And i asked your generous heart for the long life of my son rhyneil. He need more
medical attention, and i cannot give it to my son rhyneil. Even on his condition now, he was a
healthy and cute boy. I love my kids so much. I prayed everyday to the Almighty God for his
recovery. thank you so much. This is my mobile number:09095821998

November 15, 2012 03:04 PM
Name: Delsa Sanchez MoranoLocation: Brgy.Osmena,Macarthur,Leyte Philippines
Subject: para sa pamilya ko na mabuo ngayong pasko 

Dear vicky,sumulat ako sayo kasi mayron akong wish na gustong matupad ngayong pasko.Matagal na kasi
na panahon mahigit 16 years na di kami nagkasama ng aking mga kapatid.Dati kasi every xmas buo kami
at masaya,ngayong pasko gusto ko surpresahin ang aking mga magulang na magkasama kami,13 kaming
magkapatid ever since na kami ay nakapag asawa na,never na nangyari na buo kami sa pasko.Ang mga
magulang ko matanda na at sana kahit ngayon man lang mabuo kami,ayoko isipin na mabuo kami kong wala
na sila.76 na ang tatay at67 naman ang nanay.Ang point ko kasi na magkausap kaming magkapatid may
kaunti kasing hidwaan na namuo sa ngayon.Gusto kong maayos habang andito pa ang aking mga
magulang.Isa kasi ito sa nagpapahirap sa kanila,ayaw nila na magkawatak watak kami.Mabuting magulang
sila samin.Ang dami nilang pangarap pro di natupad tulad nalang ng may makapagtapos ng kolihiyo
kahit isa man lang.Ang laki ng kanilang pagsisikap pero bigo parin.Tita vicky,wala akong material na
bagay na hinihingi ang mapasaya lang ang aking magulang kasi kahit marami kami salat din kasi sa
buhay kaya malabong mangyari kaya nanghingi ako ng tulong sayo baka ikaw lang ang makapagbigay ng
katuparan.Maraming salamat.

November 15, 2012 06:31 AM
Name: LaarnieLocation: 22 Lopez Jaena St., Brgy. San Jose, Antipolo City
Subject: Asawa koRating: 3 stars

DEAR Wish Ko Lang,
AKO PO AY 46 YRS. OLD AT ANG ASAWA KO PO AY SI NARCISO EWAYAN
BADILLES, NAIS KO PO SNANG MTULUNGAN NYO PO AKO NA HANAPIN ANG KAMAG ANAK NG AKING ASAWA ANG
PANGALAN PO NG NANAY NYA AY NATIVIDAD DUKAY EWAYAN ISA PONG TRICYCLE DRIVER ANG ASAWA KO AT LUMAKI
PO CYA DTO SA MAYNILA DAHIL SYA PO AY DINALA NG TATAY NYA DTO PAGKA ANAK SA KANYA SA DAHILANG NMATAY
PO ANG NNAY NYA SA PAG AANAK SA KANYA SNA PO AY MTULUNGAN NYO AKO NA HANAPIN PO ANG IBA PA NYANG
KAPATID SA NLALAPIT NA PASKO AY ISA LANG PO ANG HINIHILING ANG MKITA ANG MGA NKAKATANDA NYANG
KAPATID ANG NANAY PO NYA AY TUBONG ESCALANTE NEGROS OCCIDENTAL LUBOS PO AKONG NAGDADASAL NA SNA PO
AY MPILI NYO ANG LETTER KO MARAMING SALAMAT PO....

LUBOS NA GGUMAGALANG,
LAARNIE F,
BADILLES
ANTIPOLO CITY

November 12, 2012 09:57 AM
Name: Laarnie Fidel BadillesLocation: 22 Lopez Jaena St., Brgy. San Jose, Antipolo City
Subject: Asawa koRating: 3 stars

Dear Wish Ko Lang ang hiling ko po ay sna mtagpuan na ng asawa ko ang mga kmaganak nya isa
po syang tricycle driver at pangalan po nya ay Narciso Ewayan Badilles ipinanganak po nuong Oct.29
1966 at pangalan po ng nanay nya ay Natividad Dukay Ewayan tga Escalnte Negros Occidental, Sbalit sa
ksamaang palad nmatay po sya sa pagaanak, kya lumaki ang asawa ko sa piling ng step mother nya sna
po ay mtulungan nyu po ako na mhanap pa ang iba pa nyang kpatid na nakalakihan nyang di man lang
nlalaman ang mga tunay na pangalan ang tanging hiling ko lng po ay mtunton nya ang mga kmag anak
nya sa nlalapit na pasko isa pong karangalan ang kami po ay mtulungan nyo maraming pong salamat at
god bless to wish ko lng....

Lubos Na Gumagalang
Laarnie F. Badilles
22,Lopez Jaena St.,Brgy.
San Jose, Antipolo City

November 12, 2012 09:48 AM
Name: jeraldine malaluanLocation: landayan san pedro laguna
Subject: para sa tita ko 

dear Wish Ko Lang ako c jeraldine malaluan nakatira s baranggay landayan san pedro laguna
13 yrs old gusto ko sana na matulungan ang tita at tito ko na nasunugan ng bahay sa muntinlupa gusto
ko po na sana khit bigyan nio nalang po sila ng magiging kabuhayan nila halos back to zero po kasi
sila ngaun eh!! thank you poh sana po matulungan nio po sila

November 11, 2012 07:46 AM
Name: ruel g. pereiraLocation: blk 8 lot 16 opao st. central bicutan taguig city
Subject: para tulungan ang aking lolaRating: 2 stars

Dear Wish Ko Lang,
sumulat po ako dahil gusto ko pong tulungan ang aking lola dahil
hirap na po siyang maglakad hihilingin ko po sana sa inyo na maipaayos ang bahay ng lola ko sa
calauag,quezon kasi po kahoy at malapit na pong bumigay ang bahay na iyon.sa ngayon po ay
ipinapaayos po ang ilang bahagi ng bahay upang hindi ito bumigay,lumang-luma na po kasi iyon. kung
maaari po sana ay gusto kong magin sementado para maging matibay . yan lang po ang aking kahilingan
sana po ay mabasa at maisakatuparan niyo ang aking hiling salamat po

November 11, 2012 05:42 AM
Name: Mary Joy ElicarteLocation: 24 F. Carlos St.Baesa Quezon City
Subject: My motherRating: 2 stars

Dear Wish Ko Lang

Good Evening po,nais ko lang share ung kwento ng buhay ko kasi 6
months pa lang po ako ng iniwan ako ng mama ko, napakalungkot po lumaki na walang magulang kasi 3
years old pa lang ako ng mamatay ang papa ko,lumaki po ako sa lola ko at hindi po ganun kaayos ang
pagsasama namin ng lola ko kasi naging malupit din siya sa akin kaya nong mamatay si lola naisip
kung hanapin ang mama ko, ngayong nasa 20 na ko hindi ko pa rin nakikita ang mama ko ,sana po
matulungan niyo po ako na mahanap siya, kasi gusto ko rin po magkaron ng ina , kahit iniwan niya ko
ina ko pa rin siya at mahal na mahal ko siya . Myrna Masin po ang pangalan ng mama ko, pero hindi na
po ako sure kung masin pa rin ang last name niya, nabalitaan ko kasi na nag-asawa siya ulit :(

hanggang dito na lang po ang kwento ko , sana matulungan niyo ko , at sana po mapili niyo ang
sulat ko . MARAMING SALAMAT , GOD BLESS KAPUSO.

Mary Joy Elicarte

November 10, 2012 11:32 AM
Name: mary AnnLocation: Zaragoza, Nueva Ecija
Subject: help for my nieceRating: 3 stars

Magandang araw po!narito po ako upang ihingi ng tulong ang aking kapatid na single parent na me 2
anak na lalake. ang isa ay 9 na taon gulang at ang isa ay 7 taong gulang.un po panganay ay ang
pangalan niya ay Aegee siya po ngayon ay kasalukuyang dumaranas ng congenital heart disease hanga
ngayon po ay nasa ospital pa rin kasi ngayon lang po na,min nalaman na mesakit po sa puso ang
pamangkin ko na lumalaki ang kanyang puso at nahihirapan siyang huminga.wala na pong hanapbuhay ang
aking kapatid umaasa lang po sa kapatid namin sa abroad..di naman din masuportahan ng lubusan sa
dahilanan na naaantala din po un padala nila.sa sakit po ng akin pamangkin di ko matiis na makita
ang aking kapatid na nahihirapan kun saan kukuha ng pambili ng gamot sa araw-araw na reseta ng
doktor.Ako po ngayon ay lumalapit po sa inyong programa upang matugunan po ang kailangan medical at
financial at pantustos sa gamot ng aking pamangkin.Napakabata pa po niya patuloy po siyang lumalaban
sa kanyang karamdaman..tulungan niyo po siya matupad ang kanyang pangarap sa buhay.sana po
matulungan niyo po siya..naawa po kasi ako sa aking pamangkin napakabait niya at napakarami niyang
gusto gawin sa buhay niya..maraming salamat po at umaasa po ako sa pagtugon niyo sa aking
liham..
More power and God Bless!

Nagpapasalamat,
Mary Ann

November 08, 2012 08:00 AM
Name: shairaLocation: plaridel bulacan
Subject: upang matulungan ang isang kaibigan 

ako po si shaira joy martin na kumakatok sa inyong puso upang matulungan ang isang batang naghihirap
sa kanyang sakit. lumalaki po ang kanyang puso sanhi nga butas nito at sya ay nangagailangan ng
tulong ninyo upang sya ay maoperahan at tuluyang gumaling. upaasa po ako na mapagbibigyan nyo ang
aking hiling. maraming salamat po.

November 08, 2012 06:29 AM
Name: rosalindaLocation: blk 6 lot 10 apras st. anak pawis san juan cainta,rizal
Subject: makatulong sa mama koRating: 3 stars

Dear Mam Vicky,

Magandang araw po muna sa inyo nawa po mabasa niyo ang aking kahilingan para sa
aking mama dahil gusto ko pong tumulang sa kanya sa pamamagitan lang ng paghingi ko sa inyo ng
tulong.Nahihirapan po ako kapag nakikita ko ang mama ko na nahihirapan sa pagbabayad ng bahay namin
sa pamamagitan ng paglalaba sa may-ari ng bahay namin kasama ang ate ko na huminto dahil walang-wala
po talaga.Gusto ko lang po sanang magkaroon kami at mabigyan man lang nawa kami ng bahay at sarili
naming lupa para po wag ng mahirapan ang mama ko at ate ko sa paglalaba sa may-ari ng bahat namin at
kung minsan pa po pinagsasabihan pa ng masama ang mama ko tungkol sa paglalaba niya.Gusto ko lang po
sana na kahit sa ganitong paraan man lang makatulong ako sa mama ko at papa ko kasi po paminsan
minsan dinadaing ng papa ko sa mama ko na nawa magkaroon na daw po nawa kami ng bahay at lupa ng
hindi na nahihirapan ang mama ko sa paglalaba.Humihingi po ako ng tulong sa inyo naaawa na po kasi
ako sa mama ko at papa ko lubos po akong magpapasalamat sa inyo.Nawa po matupad po ang hiling ko
para sa mama ko.Maraming salamat po ng malaki.

God Bless to you
po!!!

Napapasalamat,
Rosalinda L. Buslon

November 08, 2012 05:51 AM

Page: 1 - 2 - 3 - 4 - 5 - 6 - 7 - 8 - 9 - 10 - 11 - 12 - 13 - 14 - 15 - 16 - 17 - 18 - 19 - 20 - 21 - 22 - 23 - 24 - 25 - 26 - 27 - 28 - 29 - 30 - 31 - 32 - 33 - 34 - 35 - 36 - 37 - 38 - 39 - 40 - 41 - 42 - 43 - 44 - 45 - 46 - 47 - 48 - 49 - 50 - 51 - 52 - 53 - 54 - 55 - 56 - 57 - 58 - 59 - 60 - 61 - 62 - 63 - 64 - 65 - 66 - 67 - 68 - 69 - 70 - 71 - 72 - 73 - 74 - 75 - 76 - 77 - 78 - 79 - 80 - 81 - 82 - 83 - 84 - 85 - 86 - 87 - 88 - 89 - 90 - 91 - 92 - 93 - 94 - 95 - 96 - 97 - 98 - 99 - 100 - 101 - 102

Posts are moderated for non-members. Fields with asterisk are mandatory.

Post A Comment

Enter your name.

Enter your e-mail address.

Enter your location (City, State, Country).

Enter the subject of your comment.

Enter your comment. HTML and BBCode are disabled.

Rate this series.