|
|
| Judy Ann Santos![]() Ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1978 sa Maynila, nakasanayan na siyang tawaging Juday ng mga malalapit sa kanya. Mayroon siyang nakatatandang mga kapatid, si Jackie at si Jeff, na isa ring artista. Ang kanyang ina ang namahala sa kanilang pagtanda nang ito ay maghanapbuhay bilang isang caregiver sa Toronto, Canada magmula nang sila ay maiwan ng kanilang ama. Mayroon din siyang mga kapatid sa ama na ngayon ay naninirahan na sa California, U.S.A. Nag-aral siya sa Assumption Convent/Our Lady of Peace Antipolo at Mount Carmel College sa Lungsod Quezon at matapos noon ay ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Center for Asian Culinary Studies sa ilalim ni Chef Gene Gonzalez kung saan siya ay nagtapos nang mayroong karangalan. Sa ngayon ay nagsasanay siya upang magkaroon ng sertipiko bilang isang propesyonal na chef. Nagmamay-ari siya ng isang restawran na tinawag na Kaffe Carabana' na matatagpuan sa Lungsod Quezon. Ngunit nagsara na ito. Nauna na siyang nagkaroon ng isa pang restawran, ang Kaffe Kilimanjaro ngunit nagsara rin iyon. Sa ngayon ay mayroon siyang karelasyon, si Ryan Agoncillo, na nagsimula bilang modelo at host ngunit hindi nagtagal ay nagsimulang umarte at kanyang nakapareha sa palabas na Krystala. Kumupkop rin siya at itinuring na sariling anak ang isang batang may pangalang Johanna Lois o Yohan. nagsimula ang kanyang paglapit sa syobis noong kanyang ikawalong kaarawan. Ito ay nang pumasa siya sa pagsubok na makakuha ng karakter na gagampanan sa pelikula ng Regal Films na Kaming mga Ulila, isang proyektong nabago nang isinalin sa telebisyon para sa istasyong GMA. Una siyang nakilala sa kanyang kauna-unahang pinagbidahang palabas sa IBC, ang Ula, Ang Batang Gubat sa edad na 10-taong-gulang bago pa man niya umpisahan ang napakahabang karera niya sa ABS-CBN. Sa ngayon, lumabas na siya sa siyam na teleserye. Kasama na rito ang Kaming Mga Ulila, Ula Ang Batang Gubat, Mara Clara, Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta't Kasama Kita, Krystala, Sa Piling Mo, Ysabella. Lumabas na rin siya sa isang pangkabataang programa, ang Gimik. Nagkaroon din siya ng dalawang antolohiya, ang Star Drama Theatre Presents at Judy Ann Drama Special. Bukod dito, siya ay nakagawa naman ng humigit-kumulang 60 pelikula. Nabigyan siya ng parangal bilang Box Office Queen sa edad na 21-taong-gulang. Noong Nobyembre 2006, nabigyan naman siya ng sarili niyang bituin sa Philippine Walk of Fame. Noong Marso ng 2007, napasama siya sa Paradise of Stars sa Mowelfund. Ang dalawang ito ay pinangunahan ni German Moreno. Sa kanyang pag-aartista sa loob ng halos 20 taon, marami na siyang mga nakasamang mga sikat na artista, kabilang na sina Fernando Poe,Jr., Dolphy, Sharon Cuneta, Christopher de Leon, Connie Reyes, at marami pang iba. Sa dami na rin ng kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon, marami rin siyang nakatambal at nakaugnay sa iba't ibang proyekto. Kabilang na si Wowie de Guzman, ang yumaong si Rico Yan, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Robin Padilla, ang kanyang kasalukuyang karelasyon maging sa totoong buhay na si Ryan Agoncillo, at marami pang iba. Ang nangangalaga sa kanyang karera ay ang kilala rin sa syobis na si Alfie Lorenzo. Kung kaya naman, hindi siya eksklusibong artista ng kahit na anong istasyon sa telebisyon o sa kahit anong produksyon sa pelikula. Una siyang nagkaroon ng sariling album noong 1999 na ipinrodyus ng Viva Records. Taong 2001 nang ito ay masundan at katulad ng pamagat ng kanyang pagdiriwang sa telebisyon ng kanyang anibersaryo, pinangalanan itong Bida ng Buhay Ko. 2007 ang pinakahuli niyang album sa ialim ng Star Records na may pamagat namang Musika ng Buhay Ko. Ipinakita nito ang naging karera niya sa mundo ng syobis sa pamamagitan na rin ng kanyang personal na pagpili sa mga kantang ginamit sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Kumanta rin siya ng dalawang awitin: ang Thanks to You at Ikaw Lang. Taong 2006 nang sa kauna-unahang pagkakataon ay kunin siya at ilagay ang kanyang larawan sa mga magasin, ito ay sa Cosmopolitan. Nang sumunod na taon, kinuha na rin siya ng iba't iba pang mga magasin sa bansa tulad ng Preview, Mod, Metro, at marie Claire. Sa kanya namang pagdiriwang ng kanyang anibersaryo sa A-List, Hi!, Star Studio, at Yes!. Bukod dito ay itinampok na rin siya sa YES! magasin sa unang beses nitong paglalagay ng 100 Pinakamagandang mga Atrista sa Pilipinas. At nito lamang ay naitampok muli siya sa Preview kasama sina Claudine Barretto, Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto bilang apat sa mga pinakamagandang artista sa ngayon. Ito ay bahagi rin ng kanilang pag-eendorso sa produktong Pantene. News
|