Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

1st Star Awards for Music, gabi nina Regine at Ogie

Author: Vinia Vivar

Kahit nanganay nang kaunti, matagumpay na nairaos ang kauna-unahang Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Thursday sa Skydome SM North Edsa.

Bagama't 25 years na ang PMPC Star Awards for Movies at idaraos na rin ang 23rd Star Awards for Television ngayong Nobyembre, hindi naging madali para sa club na isakatuparan ang matagal nang minimithing 1st Star Awards for Music, lalo na sa panahon ngayon ng krisis, malawakang problemang pang-ekonomiya at sunud-sunod na hagupit ng kalamidad.

Naging malaking hamon ito sa PMPC kaya kahit maraming hirap na dinaanan, finally ay naipanganak na rin ang Star Awards for Music at natapos nang maayos.

Hosted by Toni Gonzaga and Billy Crawford (hindi nakarating si Janno Gibbs na dapat sana ay host din), 22 awards ang ipinamahagi ng PMPC sa iba't ibang kategorya kabilang na ang pitong major awards na Female Recording Artist of the Year, Male Recording Artist of the Year, Album of the Year, Song of the Year, Female Pop Artist of the Year, Male Artist of the Year and Pop Album of the Year.

Ang showbiz couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang nagkamit ng Female and Male Recording Artist of the Year, kaya masasabing gabi nila ang naturang awards night for bagging the major awards.

Ang Album of the Year naman ay ang Your Universe ni Rico Blanco. Song of the Year ang Ikaw ang Aking Pangarap ni Martin Nievera na matatandaang theme song ng "Lobo" teleserye ng ABS-CBN.

Si Sarah Geronimo naman ang win sa Female Pop Artist of the Year na naroroon nang gabing iyon para personal na tanggapin ang kanyang paranga, ganundin si Jed Madela na tinanghal na Male Pop Artist of the Year.

Pop Album of the Year naman ang Ikaw na Nga ni Willie Sayang at hindi kumpleto ang Apo Hiking Society na nagkamit ng Lifetime Achievement Award. Sina Jim Paredes at Danny Javier lang ang nakarating dahil wala si Buboy Garavillo na kasalukuyang may taping.

Sobrang na-touch sina Danny at Jim sa tribute at presentation ng ibinigay sa kanila ng programa na talaga namang pinaghandaan nang husto ng production.

Kagagaling lang sa States ng grupo at umuwi lang sila para tanggapin ang first Lifetime Achievement Award ng Star Awards for Music.

Samantala, last minute ay nagbigay ng tensyon si Janno sa programa dahil bigla siyang nag-back-out sa paghu-host nang magsisimula na ang awards night.

Wala nang oras para maghanap ng kapalit niya kaya naman napraning ang lahat ng production staff at pati na rin ang NPC (National Press Club) at AFIMA (Alyansa ng Filipinong Mamamahayag) na siyang kaakibat ng PMPC sa pagtatanghal ng nasabing awards night.

Good thing, magaling na hosts sina Toni at Billy kaya hindi halatang nagkaroon ng pagbabago sa script.

Sa text message ni Janno na ipinadala sa manager na si Malou Choa-Fagar, nakasaad dito na naghahanda na siya sa show kahit masama ang pakiramdam niya pero nilagnat siya after taking a bath. Humihingi siya ng dispensa dahil hindi raw niya talaga kaya.

Anyway, narito ang iba pang winners sa 1st Star Awards for Music:

Duo / Group Artist of the year -MYMP "Now" (Ivory Records)

Music Video of the year- Pambansang Kamao" Directed by : Ace Villena Performed by : D'Coy (Wika Records)

Dance Album of the year- "Delisciosa" Artist �" Mocha Girls (Viva Records)

Alternative album of the year- "Biyaya" Artist �" Bayang Barrios (Produktong Mayumi ni Bayang Barrios)

Revival album of the year- (Tie) "Low Key" Artist- Regine Velasquez (Universal Records) & Falling In Love" Artist- Rachelle Ann Go ( Viva Records)

New Female Recording artist of the year- Maricris Garcia "Mahal Kita" (GMA Records)

New Male recording artist of the year (Tie)- Bugoy Drilon "Paano na Kaya" (Star Records) and Jmore "Self Titled" (LDG Prod. & Ent. Recording Co. & Galaxy Records)

Album cover design of the year- "Complicated" Cover Concept �" Andrew Castillo Artist-Gretchen Barretto (Star Records)

Compilation album of the year -"Lovelife" Artist �" Boy Abunda (Star Records)

Acoustic Album of the year-"Back to Basics" Artist- Paolo Santos ( Ivory Music)

Acoustic artist of the year (Tie) -Aiza Seguerra "Open Arms" (Star Records) & Sabrina "I Love Acoustic" (Universal Music International/ MCA Music Inc. )

Rock Album of the year- "Long Time Noisy" Artist �" Kamikazee (Universal Records)

Rock Artist of the year- Kamikazee "Long Time Noisy" ( Universal Records)

R & B Album of the year- "Groove" Artist �" Billy Crawford (Universal Records

R & B Artist of the year- Billy Crawford "Groove" (Universal Records)

Source: People's Tonight