|
|
| 2 female singers, banned sa weekly variety show![]() Author: Vinia Vivar Nagtampo raw ang TV exec nang minsang sabay na magpa-interview sa isang radio program ang dalawang female singers at may sinabing hindi kagandahan tungkol sa isang matinee idol na hina-handle ng network. Simula noon, hindi na puwedeng mag-guest ang dalawa sa mga TV show na hawak ng TV exec, lalo na sa weekly variety show. Isang taon na ang nakararaan buhat nang mangyari ang radio interview sa dalawa, pero hanggang ngayo'y pinagdurusahan pa ng mga ito ang nangyari dahil up to now, hindi pa rin sila puwedeng mag-guest sa shows ng network. Kung tutuusin, napagaya lang naman daw ang dalawang female singers sa sagot ng mga dati nang artistang nag-guest sa radio program at hindi naman alam ng mga ito na magiging ganu'n kakontrobersyal ang kanilang sinabi. Nakita namin si Valerie sa birthday party ng manager niyang si Becky Aguila last Saturday at kitang-kita sa mukha niya na haping-happy nga siya ngayon. "Ang dami-rami ngang inili-link sa akin ngayon, eh," pagsusumbong niyang parang bata. Ang latest tsismis kasi ay sila na raw ni Vhong Navarro at kaya nagkakalabuan ang komedyante at si Desiree del Valle ay dahil sa kanya. "Naku, hindi totoo 'yan," namimilog ang mata niyang sabi. "After Manny Pacquiao, ngayon, si Vhong naman," say niya. May ginagawa lang daw silang movie ni Vhong kaya siguro nali-link sila. Aware naman daw siya na may girlfriend ito at wala namang ligawang nangyayari to begin with. Nang tanungin namin sa kanya si John Lloyd Cruz, napangiti na lang si Val. Anyway, hinintay ng lahat sa birthday party ni Tita Becky ang hottest ward niyang si Angel Locsin, pero hindi nakasipot ang young actress dahil may taping daw ng Lobo. Pero, dumating ang kanyang amang si Angel Colmenares at ang iba pang mga alaga ni Tita Becky, tulad nina Jennylyn Mercado with boyfriend Patrick Garcia, Empress Schuck, Charee Pineda, Chubi del Rosario, Ella Cruz at marami pang iba. Source: People's Tonight |