Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

2 pares ng kambal, pasok sa Bahay ni Kuya

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Umere na nga last Sunday ang first episode ng Pinoy Big Brother Double Up">Pinoy Big Brother Double Up, kung saan ay ipinakilala na ang 14 housemates na pumasok including two sets of twins, sina Toffi at Kenny, JP at JM.

Ang mga nasabing kambal ang isa sa bagong twists pati na rin ang paggamit ng dalawang bahay. This explains kung bakit may Double Up sa title ngayon.

Sa confession room, binigyan agad ng first task ni Kuya ang dalawang pares ng kambal.

Sila ang mga unang nakaalam na may dalawang bahay na gagamitin kasama ang instruction na huwag na huwag sasabihin sa ibang housemates ang tungkol dito pati na ang pagkakaroon nila ng twin brother.

Ang task ng kambal, paghihiwalayin sila ng bahay na siyempre ay walang kaaalam-alam ang iba pang housemates.

Sa mga darating na episodes, magpapalit sila ng bahay ng kakambal at kailangang walang makahalata sa mga housemate na hindi na sila 'yon.

As always, colorful pa rin ang bagong design ng Bahay ni Kuya matapos ang unos na ating pinagdaanan.

Anyway, ang iba pang housemates na pumasok ay sina Princess (Sassy Vamp ng Cebu), Tom (Romantic Stud ng Samar), Delio (Simpatikong Kusinero ng Batangas), Paul Jake (Negosyante Prince ng Cebu);

Jason (Boy Astig ng Mindoro), Melissa (Inday Kengkay ng Gen San), Yuri (Multilingual Hottie ng Japan), Carol (Conservative Pharmacist ng Tondo), Mariel ( Struggling Mom ng Davao) at Yhel (Young Widow ng Pampanga).

* * *

Huling linggo na ngayon ng Kambal sa Uma at labis-labis ang pasasalamat ng dalawang bidang sina Shaina Magdayao at Melissa Ricks sa mga walang sawang sumubaybay nito na naging dahilan para ma-extend ito nang ma-extend sa ere.

Ayon kay Shaina, supposedly ay one season lang ito, pero dahil sa mataas na ratings na natatanggap ng afternoon series, humaba nang humaba ang airing hanggang sa umabot ng six months.

After Kambal sa Uma, susunod naman nating mapapanood si Melissa sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla with Jolo Revilla.

Si Shaina naman, mapapanood sa Ruby with Jake Cuenca (na habang sinasabi niya ang pangalan ng aktor ay siniko pa si Melissa na parang tinutukso), Diether Ocampo at Angelica Panganiban.

Source: People's Tonight