|
|
| 2 pelikula ni Alessandra de Rossi pasok sa Cannes Film FestivalAuthor: Mell T. Navarro BONGGACIOUS ang film career at pagka-aktres ni Alessandra de Rossi, especially for this year, dahil hindi lang isa, kundi dalawa, ang pasok niyang pelikula sa prestihiyosong Cannes International Film Festival 2009. Yes, sa tatlong pelikulang Pinoy na kalahok sa Cannes this month of May, dalawa rito ay kasama si Alessandra sa cast -- sa Independencia ni Direk Raya Martin at sa Manila nina Direk Raya pa rin at Direk Adolf Alix, Jr. Ang Independencia ay isang period film na Pinoy na Pinoy ang setting. Kasama ni Alex sa cast sina Sid Lucero at Tetchie Agbayani. Isang French ang director of photography. Kilala ring metikuloso si Direk Raya kaya pumasok ito sa competition category. Ang Manila naman ay isang twin-bill indie film na ginawa at prinoduce ni Piolo last year, at sa Cannes nga ang premiere nito, bago pa man dito sa 'Pinas, pero out of competition (or exhibition) lang ang said film sa nasabing filmfest na nilalahukan ng maraming bansa worldwide. Kasama rin sa cast ng Manila sina Rosanna Roces, Jay Manalo, Ani-ta Linda, etc. Bihira sa isang aktres na nasa edad ni Alessandra ang makakuha ng ga-noong feat and record, in all fairness. Kaya naman sa ABS-CBN ay bilib din sa kanyang talento si Deo Endrinal, isa sa top executives ng network. Kaya happy si Deo kay Alex at vital ang role nito sa top-rating na Ta-yong Dalawa, isa na yata sa pinakamagagandang original soap operas ng Dos para sa amin. Congrats for making it to Cannes, Alex, at da-lawang films pa. * * * SPEAKING of Tayong Dalawa, kung nasa house rin lang kami at walang lakad, we make it a point na ma-watch ang pabulosang soap ng ABS-CBN, na again, for us, hindi kami mangingi-ming sabihing isa na nga yata ito sa pinakamatitinong soap na nagawa ng Dos. Ang husay-husay ng mga artista rito. From Cherry Pie Pica-che, to Gina Pareño, to Helen Gamboa, na bihira nang gumawa ng soap (pero ang galing-galing niya rito). Maging kina Anita Linda at Spanky Manikan na akala mo talaga ay mga Intsik, bilib din kami. Nagkaroon din ng malaking improvement sa acting ni Agot Isidro sa said soap. Pati na sina Jake Cuenca and Gerald Anderson, ang huhusay din. Pero, lalo kaming bi-lib kay Jake. Nangangamote minsan si Gerald sa akting ni Jake. Gulat talaga kami sa improvement ng acting ni Jake. Keep up the good work, Direk Ruel Bayani, Direk Trina Dayrit, Rondell Lindayag, Deo Endrinal, the super-ga-ling na headwriter and his/ her team of writers, dahil itong soap na ito ang soap na sa isang gabi, eh ang daming nangyayari. Mabilis ang pacing ng Tayong Dalawa, at higit sa lahat, nakaka-relate ang Pinoy viewers. Kaya hindi na kami magtataka kung humahataw ang soap na ito sa commercial load at ratings. * * * FOR your comments and feedback, please email us at mell_na-varro@yahoo. com. ph. Source: Taliba |