|
|
| 2 yate dala ni Willie na nagbakasyon sa BoracayAuthor: Noel Asiñas BALIK-Anne Curtis si Richard Gutierrez na dating partner niya sa GMA-7 projects noon, tulad ng Click. Mainit ang loveteam nina Anne at Richard sa Kapuso network dahil inamin naman nilang naging mag-on sila. Nagsalita pa nga noon ang butihing ina ni Richard na si Annabelle Rama na boto siya kay Anne. Ang balik-tambalan ng dalawa ay sa ilalim ng GMA Films at Viva Films, titled Maybe This Time na ididirek ni Maryo J. Delos Reyes. Sa teaser pa lang na ipinapakita sa GMA-7, nakaka-engganyong panoorin ang dalawa. May chemistry talaga sila kasi pareho silang beautiful people. 'Di ba noon ay naging laman ng Internet at cellphone ang kissing scandal ng dalawa. Dito nakitang magaling humalik si Richard, 'di ba? May ma-rekindle kaya sa muling pagsasama ng dalawa? Remember hot na hot ang loveteam nila noon. Bida si Richard ngayon sa soap na Zorro ng GMA na partner si Rhian Ramos sa evening primetime at malapit nang mapanood ang soap ni Anne sa ABS-CBN 2, ang The Wedding kasama si Derek Ramsey. * * * FABULOUS talaga itong si Willie Revillame. May nagtsika sa amin na galing sa Boracay na may dalawang yateng dala ang host ng Wowowee sa island na kilalang may finest white sand. Enjoy ang mga dalang friends ni Willie sa yate niya dahil dito sila natutulog at nagpapahinga. Pero, ang kanilang kainan ay sa isang sikat na restaurant sa Boracay. Trend setter talaga itong si Willie sa mga taga-showbiz. Kasi naman may sarili siyang yate na puwedeng dalhin kahit saan. At sino ang special someone na dala ni Willie sa Boracay? * * * BABALIK agad si Chris Tiu sa Pilipinas pagkatapos ng 11 days na training ng RP basketball team sa Serbia. Kasi, kailangan niyang mag-report sa set ng dalawang shows niya, ang Pinoy Records at Ripley's Believe It Or Not. Nagpasabi naman agad si Chris na babalik siya sa bansa sa production staff ng dalawang programa. Ganyan ka-professional si Chris sa kanyang trabaho at mahal niya ang TV hosting kaya hindi niya kaya itong pabayaan. Ngayong Lunes, siguradong mapapabilib kayo sa mga istoryang hatid ng Ripley's Believe It Or Not! Samahan si Chris Tiu ngayong Lunes at mapabilib sa Ripley's Believe It Or Not pagkatapos ng GMA Telebabad. * * * NATULOY na ang shooting ng movie na Kamoteng Kahoy ni direk Maryo J. Delos Reyes na inspired sa true story ng 21 namatay na kabataan sa Bohol nang kumain ng kamoteng kahoy. Pinagbibintangan dito ay ang matandang nagtitinda ng kamoteng kahoy na ga-gampanan on screen ni Gloria Romero. Nag-shooting si direk Maryo J sa Montalban, Rizal na ngayo'y kilala sa tawag na Rodriguez town. Ginawa ng first shooting day bago mag-Mahal na Araw. Bukod kay Gloria, kasama rin sa cast sina Nash Aguas at si Robert "Buboy" Villar. Supporting sina Marissa Sanchez, Yul Servo, Anna Capri, Anton Bernardo at iba pa. Kasama ang Kamoteng Kahoy sa taunang Cine Malaya ng CCP. * * * LALONG magiging super busy si Marvin Agustin sa kanyang trabaho, hindi lang sa pagiging actor, kung hindi sa pagiging athlete. Puspusan ang training ngayon ni Marvin para mag-qualify siya bilang atleta ng Pilipinas sa larong archery sa darating Olympics. Panay ang ensayo ni Marvin ngayon at panay ang lahok sa iba't ibang international competition para mag-qualify sa Olympics ang kalidad niya bilang magaling sa archery. Para mag-qualify sa Olympics, dapat mag-place ka sa international qualifying games. Sa pag-aartista, nadagdagan ang trabaho ni Marvin, magsisimula na ang taping ng Adik Sa 'Yo na isang soap opera na ipapalit sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang. Magtatapos na sa Mayo ang soap opera nina Dingdong Dantes at Marian Ri-vera. Balik-tambalan sina Mar-vin at Jolina Magdangal sa soap at kasama ang bagong tambalan nina Dennis Trillo at Jenica Garcia. Hindi apektado sa pagiging busy ni Marvin ang taping ng once a week solo program niya, ang Outrageous and Courageous. Kasi, once a month lang ang taping nito. Aba, limang episode agad ang natatapos ni Marvin sa isang araw na taping. Last Tuesday, kahit busy ang mga tao sa Holy Week vacation, naka-16. 6% rating ang show. Sa pagbabalik-Studio 6 si Marvin, kung saan nagte-taping ang C and C, may bagong bihis na puppet na kasama niya, si Paps. * * * PINAPLANO nang mabuti ang bagong show ni Manny Pacquiao sa GMA-7 na isang sitcom o isang comedy soap opera. Impressive kasi ang paglabas niya sa Totoy Bato kung saan ang bida ay sina Robin Padilla at Regine Velasquez. Nakatulong din si Manny sa pagiging no. 1 ng Totoy Bato sa evening primetime ng Kapuso Network. Kaya next project ni Manny ay solo show na niya. Balita ng aming source, isang sikat na movie noon ni Vic Vargas na kasama si Gloria Diaz ang gagawing remake para sa TV show ni Manny. Malaking project ito kaya pinaghahandaan na ng pamunuan ng network sa production side. Source: Taliba |