|
|
| '28,' doble suwerte sa 'Dobol Trobol'Author: Ernie Enrile SA wakas, tuloy na rin ang matagal nang pinananabikang tambalan ng dalawang hari ng komedya — Dolphy at Vic Sotto. Bukas, Biyernes, nakatakda ang first shooting day ng pelikulang Dobol Trobol under M-Zet Films, at wala nang urungan, 'ika nga, ang lahat. Base sa paniniwala ng mga tao sa likod ng produksiyon, itinaon ang unang araw ng principal photography sa petsang '28' — masuwerte raw kasi ang numero otso at dahil may '2,' dobleng suwerte nga naman ito, lalo pa't dalawang Box-Office Kings ang magsasama sa kauna-unahang pagkakataon. Kung ilang taon din ang binilang bago magkaroon ng katuparan ang natatanging proyekto, na kahit saang anggulo tingnan, walang katalu-talo sa takilya. Anyway, we will keep you posted sa iba pang detalye ng Dobol Trobol nina Dolphy at Bossing, na tinitiyak naming sa shoot pa lang, tiyak na riot na ang mga eksena. * * * SA sobrang problema, marahil maraming tao ang walang inaabangang panoorin kundi mga comedy movie. Kaya hindi kataka-taka na umani ng tagumpay sa box-office ang Supah Papalicious nina Vhong Navarro at Valerie Concepcion. Masaya ngayon sa bakuran ng Star Cinema dahil sa success ng SP, kung saan bukod sa box-office appeal ni Vhong, in fairness, nakatulong din ang co-stars like Makisig Morales, Pokwang, Kitkat, Mura at marami pang iba. Aba, box-office director na rin ang friend naming si Gilbert Perez. Congrats, SC. Congrats, Direk Gilbert. * * * NAKATUTUWA ang fans ng Eat Bulaga, lalo na ang mga balikbayang nagsasadya pa talaga sa Broadway studio upang panoorin nang live ang said No. 1 noontime show. Imbes na kung anong Filipino product ang una nilang maisipang ipasalubong para sa mga kamag-anak abroad, 'yung latest CD ni Joey de Leon ang hinahanap nila. Kaya nga hindi imposible kung maka-platinum agad ang Kagat-Labi album ni JDL. A certified Joeylicious, tampok sa nasabing album from EMI Records ang mga sumusunod na awitin: Kagat-Labi, Walang Daya, Luhod, Bikini Mong Puti (Na May Nakangiti), Food Na, Eat Na, Pinagpatung-patong, Kahit Tuyo, Kagat-Labi (Eat Bulaga Version) at Kagat-Labi (Minus One). Source: People's Tonight |