Sep 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

30,000 Kapamilya, naki-party sa Rose Bowl Stadium

Success ang Kapamilya Caravan sa LA. Johnny Deep is not imitating Michael Jackson. Susunod sa Sugo. Kapamilya Caravan dadalo sa San Franciso.

 

30,000 Kapamilya, naki-party sa Rose Bowl Stadium

Nora Aunor

Column: Star Nga Siguro!
Author: Alfie Lorenzo

Patok ang simula ng 'US Kapamilya Summer Caravan' ng ABS-CBN sa Pasadena noong nakaraang weekend.

Mahigit 30,000 Kapamilya mula sa West Coast ang dumagsa sa Rose Bowl Stadium para mapanood ang tatlong oras na live show ng ASAP '05.

Sinubaybayan ng ating mga kababayan sa States ang palabas, simula sa opening number ng ASAP '05 regulars na sina Martin Nievera at Gary Valenciano, kasama ang The Hunks (Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Carlos Agassi), Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Toni Gonzaga, Nikki Gil, Erik Santos at Sheryn Regis, Special guests sina Lea Salonga, Nora Aunor at Jasmine Trias, kasama sina Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Rachel Alejandro, Antoinette Taus, at ang Star Magic Talents na sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Aaron Agassi at Ava Johnson. Si Johnny Manahan ang director ng palabas na ito.

Ang mga The Filipino Channel (TFC) subscribers ay nagkaroon din ng mga libreng merchandise galing sa kanilang mga paboritong ABS-CBN shows sa pamamagitan ng mga booths sa grounds ng stadium. Sinundan ito ng maghapong autograph signing at picture-taking sa mga Kapamilya stars na pinangunahan ni Charo Santos-Concio ng Maalaala Mo Kaya.

Sa umpisa ng palabas, nagpa-raffle ang ABS-CBN Global ng $25,000 sa isang TFC subscriber, bilang bahagi ng ongoing Kapamilya Sweepstakes promo.

Isang brand-new Honda Civic ang natanggap ng isa pang TFC subscriber na nandoon sa stadium.

***

Gaganapin naman ang San Francisco show ng 'US Kapamilya Summer Caravan' sa Hulyo 24 sa Monster Park Fair Grounds (dating Candlestick Park).

Tulad sa Los Angeles, mayroon ding mahigit 20 booths ang iba't ibang ABS-CBN show kung saan mamimigay ng giveaways ang mga artista.

May autograph signing before the show at 2:00 PM.

Sabay na darating sina Kris Aquino, Boy Abunda, Cristy Fermin, Chokoleit, AJ Dee at Vhong Navarro.

Kasunod na ang iba pang champions na kinabibilangan nina Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista at Rachelle Ann Go. Tapos, sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo naman.

Si Bea Alonzo ang guest co-host nina AJ at Chokoleit sa 'Wannabuzz' segment ng The Buzz.

Live na mapapanood si Nora Aunor sa The Buzz. May exclusive interview si Boy kina Jasmine Trias at Kim delos Santos (na umalis sa Pilipinas dahil sa kontrobersya sa dating lover na si Dino Guevara).

Nagpaunlak ng interbyu si Angela Velez who is now married to Roy Ofek at mayroon silang isang baby.

May interbyu rin sa magkapatid na Carlo at Leandro Muñoz na naka-settle na sa America.

***

Mapapanood na sa Linggo sa All-Star 'K' ang pasiklaban ng campus crushes na sina Kyla, Cristine Reyes, Johlan Velliz (ng Sexbomb), Katrina Halili, Nicole Anderson, Juliana Palermo at Genesis Canlapan (aka Patricia Javier).

Ang K!Ller ay si Kai Brosas.

***

Nilinaw ni Johnny Depp na ang karakter niyang Willy Wonka sa pelikulang Charlie and the Chocolate Factory ay hindi niya ibinase kay Michael Jackson.

Nagulat siya na may nakitang pagkakahawig ang moviegoers kina Willy Wonka at Michael Jackson.

""A few people have mentioned it, and it kind of took me by surprise. I really didn't expect that,"" pahayag ni Johnny Depp.

""Michael Jackson was not a sort of ingredient or inspiration for the character at all.""

Ibinase umano Johnny Depp ang paraan ng pagsasalita ni Willy Wonka sa show hosts na natatandaan niya noong bata pa siya.

""How odd it was the way that they spoke,"" sambit ng 42-anyos na aktor. ""That bizarre, musical cadence to their speech pattern.""

Ang report na ito ay hinalaw sa AP (Associated Press).

***

Matindi ang pakikipagsapalaran at kwentong pag-ibig ni Richard Gutierrez bilang kambal na bidang sina Miguel at Amante mula sa angkan ng dalawang naglalabang tribo na Karag-ayan at Binhil-an sa Sugo ng GMA 7.

Makapigil-hininga ang mga pakikipagsagupaan ni Miguel. Umpisa pa lamang ng kuwento kung saan hinabol niya ang isang magnanakaw na kumuha ng kahon ng Taiwanese na si Mei Li (Joe Chen) ay puno na ng bakbakan.

Sa ganitong pagkakataon, nakilala ni Miguel si Mei Li, ang Taiwanese national na may misyong ibalik ang isang mahiwagang pulseras sa Pilipinas.

Ilang beses nang aksidenteng nagkakatagpo ang dalawa at sa mga pagkakataong ito, nagkagustuhan sina Mei Li at Miguel.

Ngunit nabuhay na ang berdugo, ang unang bantay sa lagusan patungong libingan ni Apo Abukay (Gardo Versoza), ang pinuno ng mga Binhil-an na angkan ni Amante.

Nabuhay ang berdugo dahil napunta na sa Karag-ayan na lahi ni Miguel ang mahiwagang pulseras at kailangan itong makuha para sa muling pagkabuhay ni Apo Abukay.

Ayaw sanang gampanan ni Miguel ang pagiging sugo ngunit nabuyo siya ng pinsang si Adan (Paolo Contis), na may ambisyong maging sugo, para maipaghiganti ang mahal niyang si Mei Li na napatay ng berdugo.

Gamit ang isang mapa na nakalakip sa mahiwagang pulseras, pinuntahan nina Miguel at Adan ang kweba na kinaroroonan ng berdugo. Doon nagsagupa si Miguel at ang berdugo

Ngunit sa pagkakapatay ni Miguel sa berdugo ay ang paggising ng isa pang bantay ng himlayan -- ang magtutuba na si Garela (Sherilyn Reyes).

Hahanapin ni Garela ang pumatay sa berdugo at sa bawat lalaking makakasalubong niya ay sisipsipin ng bantay ang lakas ng mga ito at iiwan silang natutuyot.

Sa pagsalakay ni Garela, ipagpapatuloy pa ba ni Miguel ang pagiging sugo o makukontento na siyang naipaghiganti na ang mahal niyang si Mei Li?

Sundan ang mga makapigil-hiningang pakikipagsapalaran ni Miguel, ng mga Karag-ayan at Binhil-an sa Sugo, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Encantadia sa GMA 7.

Source: Abante Tonite