|
|
| 4 honor guards ni Tita Cory may one year supply ng load kay Boy AbundaAuthor: Chan-Chan Torres INUULAN ng blessings ang apat na honor guards na hindi ininda ang sikat ng araw at lakas ng ulan nang ihatid sa huling hantungan si da-ting Pangulong Corazon Aquino. Kamakailan ay sinorpresa ng pamilya-Aquino ang apat na magigiting na honor guards na sina Police Officer 2 Danilo Malab Jr. , Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener Laguindan ng Air Force at si Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez. Nagkita-kita ang magka-kapatid na sina Pinky, Viel, Noynoy at Kris sa bahay ni Ballsy para sorpresahin ng isang hapunan at mga regalo ang apat. Kung si Kris ay bibigyan ng brand new cellphone ang bawat isa, nangako naman si Boy Abunda ng one year supply ng load. Bongga 'di ba? Binigyan din sila, bilang souvenir, ng naka-frame na picture ng buong pamilya-Aquino na kasama si Tita Cory. May souvenir bag din sila courtesy of Kris at isa pang bag na ang design ay ilan sa mga ipininta ni Pres. Cory. Nauna na ring binigyan ang apat ng Aquino- family ng tig-P25,000. Sabi nga ni Kris, maliit na bagay lang ang mga 'yon kumpara sa isinakripisyo nila sa libing ni Tita Cory. * * * Hindi pa handang maging lola si Lorna Tolentino. Ito ay inamin mismo ng grandslam best actress sa solo presscon niya para sa pagbabalik-telebisyon sa te-leseryeng Dahil May Isang Ikaw. Tinanong kasi si LT kung may girlfriend na ang mga anak niyang sina Renz at Rap, at aniya, si Rap ay mayroon na, pero si Renz ay nasa dating stage pa lang daw. "Saka, lagi namang na-sa akin si Chelsea (anak ni Mark Anthony Fernandez). Hindi ako masyadong nalulungkot," say ni LT. Nabanggit din ng aktres na balak niyang ipa-renovate ang bahay nila sa White Plains kung saan matagal silang nagsama ng namayapang asawang si Rudy Fernandez. "Ipapa-renovate ko pa lang, saka baka ipa-rent ko eventually. Tingnan muna natin 'pag kasya na ang budget ko. Uunahin ko pang ipagawa 'yong musoleyo. Mas mahal 'yon, eh. Pa-rang bahay na rin ang pres-yo nu'n," kuwento pa ng aktres. Mariing sinabi ni LT na kailanman ay hindi niya ibi-benta ang bahay nila sa White Plains. May sentimental value raw ito kaya mananatili ito na kanilang pag-aari. Aminado si LT na naka-katulong sa kanya 'yong pagiging busy sa tapings. Tinanong namin siya kung ano ang limitasyon niya sa kanyang mga ginagampanang karakter, ani-ya:"Siguro, walang masyadong torrid kissing scene. Saka, may cut-off ako, hanggang 2 a. m. "Alam ninyo namang hindi na rin tayo bumabata. Pero naga-adjust din ako lalo na 'pag may importanteng eksena na kailangang kunan, 'pag may malaking eksena, okey lang," dagdag pa niya. * * * Lubos ang pasasalamat ni Eugene Domingo sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Spring Films. Bida kasi si Eugene sa pelikulang Kimmy Dora na showing na sa Sept. 2. Kasama ni Uge sa pelikulang ito ang napakaguguwa-pong leading men na sina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes. Dalawang karakter ang ginagampanan ni Eugene sa pelikula: Isang office girl na iniilusyon ang karakter ng papable na si Dingdong at ang isa naman ay si Dora, isip-bata na inaapi ni Kimmy. Sa trailer pa lang, super-aliw na ang lahat sa presscon. Paano naman kasi, ang cute ng eksena ni Uge na nagpapapansin kay Dingdong. Habang nasa presscon, na-ging usapin din kung gaano kasuwerte si Eugene. Nagsimula siya bilang dubber, hanggang naging sidekick o best friend ni Ai Ai delas Alas sa halos lahat ng TV at movie projects ni-ya. Ngayon, it's Uge's turn to shine, 'ika nga. Sinabi naman ng komed-yana na sa araw-araw na gi-nawa ng Diyos, ipinagpapasalamat niya ang biyayang ito. "Siyempre, sa 'yo na na-ka-focus ngayon ang mga tao. Pagdating mo sa set, set mo na 'yan, ang mga tao riyan parang mga bisitang pinapaakyat mo sa bahay mo. So, may added pressure na rin. Pero, ang lahat ng ito ay ipinagpapasalamat ko. " Usap-usapan din ang tungkol sa Spring Films na nag-produce ng Kimmy Dora na dati ay iri-release ng Star Cinema. Pero balita na-min, Solar Films na ang mag-ri-release ngayon. May kinalaman ba ito sa conflict between Star Cinema and SM Malls? Source: Taliba |