|
|
| 81-anyos na lolo, sasabak sa Showwwtime!Author: Abante Bongga agad ang nakuhang ratings ng bagong show ni Michael V., ang Bitoy's SHOwwwTIME. Base sa AGB Nielsen Media Phils., nakapagtala ng 22.3% overnight rating ang pilot episode nito, na ka-partner ang international video sharing website na YouTube para sa uploading ng mga videos. Apat ang segment ng nasabing show na nagpapatawa at nagpapamangha sa maraming manonood tulad ng Talbugan, Videokariran, Facemuk at Gaya Nyo 'Yun? Para sa mga entry sa segment na Videokariran at Facemuk, puwedeng maglog-on ang mga gustong sumali sa official website na http://www.bitoystv.com o sa http://www.youtube.com/bitoystv. Bukod dito, puwede ring makisali sa Facebook account ng Bitoy's SHOwwwTIME sa http://www.facebook.com/bitoysfans at sa Twitter account nito na http://www.twitter.com/bitoystv para makakuha ng mga regular updates, exclusive behind-the-scenes photos at mga get first-hand information tungkol sa mga video pati na sa mga contestant sa programa. Alamin kung anong extraordinary talent meron si Lolo Potpot. Source: Abante |