Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

999 kasal nina Isabel at Paolo, sinira ni Lian!

999 kasal nina Isabel at Paolo, sinira ni Lian!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

NAGSASALITA na si Isabel Oli tungkol sa break-up nila ni Paolo Contis. Minabuti ni Isabel na manahimik sa unang dalawang buwan ng paghihiwalay nila ni Paolo dahil “hurting” pa siya.

Kung nagpainterbyu siya noon, tiyak na maiiyak si Isabel dahil mas­yado itong nasaktan sa mga pangyayari.

Engaged-to-be married na sina Paolo at Isabel at September 9, 2009 (999) ang napili nila na altar wedding date.

Binigyan ni Paolo ng 3-carat diamond engagement ring (worth P1.2 M) si Isabel at nag-propose siya ng kasal sa mismong birthday ng kanyang girlfriend noong October 20, 2008.

A month later, ibinalik ni Isabel ang singsing dahil naramdaman niya na parang may problema sa kanilang relasyon.

Nang isoli ni Isabel ang singsing, nagsalita siya kay Paolo ng “Ibalik mo sa akin ang singsing kapag okey ka na, magpapakasal pa rin tayo.”
Hindi na bumalik ang singsing. Nabalitaan na lang ni Isabel na girlfriend na ni Paolo si Lian Paz.

Naka-recover na si Isabel sa sakit ng paghihiwalay nila ni Paolo, pero hindi pa siya handa na makipagrelasyon. Hindi na rin niya tatanggapin ang ex-boyfriend kung sakaling bumalik ito dahil masyado siyang nasaktan.

Ang pagtatrabaho ang therapy ni Isabel. Naka-focus ang kanyang atensyon sa mga TV taping. Si Isabel ang bagong It Girl ng PLDT MyDSL at magiging busy siya sa bagong campaign ng nasabing telephone company.

Natutuwa si Isabel dahil marami ang nakapansin na nag-improve ang kanyang acting ability mula nang maghiwalay sila ni Paolo. Tanggap niya na nakatulong ang kanyang malungkot na karanasan para maging better actress siya. Walang pinagsisisihan si Isabel dahil maraming aral ang kanyang natutunan.***

Regular co-host na ni Alex Gonzaga sa Juicy si IC Mendoza. Click sa viewers ng showbiz-oriented talk show ng TV 5 ang partnership nina Alex at IC kaya nag-decide ang management na gawing permanent co-host ang dating child actor.

Gustung-gusto ng televiewers ang fresh approach nina IC at Alex sa mga showbiz issue, pati na ang kanilang lively at playful performance sa show na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes (11:30 am) at may catch-up episode tuwing 12 midnight.***

“Walang Iwanan, Walang Atrasan” ang pamagat ng film-bio ni Makati City Mayor Jejomar Binay na pinagbibidahan ng former child actor na si Fredmoore delos Santos.

Matagal na nawala sa eksena si Fredmoore kaya ikinagulat ang pagkakapili sa kanya para gumanap sa karakter ni Mayor Binay.
Malapit nang masagot ang mga katanungan dahil magkasama na haharap sa media sina Fredmoore at Mayor Binay.

Big break kay Fredmoore ang pagbibida sa Walang Iwanan, Walang Atrasan. Posibleng ang pelikula ang maging daan para maging active uli siya sa entertainment scene.***

Mamayang gabi ang pilot telecast ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Apektado ng napaaga na airing ng Tadyang ang timeslot ng huling linggo ng LaLola dahil nagkaroon ito ng late night telecast (9:50 pm).

Naging visible sa TV ang LaLola cast noong weekend. Ipinaalaala nila sa televiewers ang nabago na timeslot ng kanilang magtatapos na TV show.

Source: Abante