|
|
| A feverish Yasmien Kurdi searches for missing grandmother in Cainta![]() Author: Rommel R. Llanes Isa pang celebrity na naapektuhan ng bagyong Ondoy ay si Yasmien Kurdi. Sa kanyang Facebook account, nananawagan si Yasmien sa kung sino man ang puwedeng tumulong sa paghahanap sa kanyang lola. Ang kanyang lola na si Nenita Ong Navarro, 65 years old, ay residente ng 196 RR St., Soldiers Village, Pasig City. Dahil magkaiba sila ng tirahan ni Yasmien, na tiga Quezon City, nung burol pa ng Iglesia Ni Cristo spiritual leader na si Ka Erdy Manalo huling nakita ni Yas ang kanyang lola. At nang umatake ang bagyong Ondoy, nanatili lang si Yasmien at ang kanyang Mommy Miriam sa bahay nila. Kaninang umaga lang sila nagkaroon ng kuryente. Kahit na may lagnat, kumilos agad si Yasmien at ang kanyang ina upang hanapin ang kanyang Lola Nenita, na ayon sa dalaga ay nasa Cainta daw. Pinilit na kontakin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa kanyang cellphone upang humingi ng update sa kanyang paghahanap, ngunit choppy ang signal at tuluyan nang "out of coverage" ang huling narinig ng PEP mula sa cellphone number nito. Huling entry sa shoutout box o Facebook status ni Yasmien ay ito: "Yasmien Yuson Kurdi is going to Cainta to clean there and find my Grandma." Source: Philippine Entertainment Portal |