Apr 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

ABS-CBN decides to shelve "Anna Liza"

After getting a starring role in Pangarap na Bituin, young actress Maja Salvador was supposed to be given her own soap opera, Anna Liza. But the management of ABS-CBN has decided not to push through with the project.

Author: Ruel Mendoza


Kinumpirma ng sexy actress na si Juliana Palermo ang pagsi-shelve ng soap opera na Anna Liza sa ABS-CBN.

Kasama si Juliana sa cast ng Anna Liza, along with Dawn Zulueta, Eric Quizon, Gardo Versoza, Rayver Cruz, at Jason Abalos. Sina Maja Salvador at ang child actress na si Ella Cruz ang gaganap sana sa title role. Si Jerry Sineneng ang direktor nito.

Sa pamamagitan ng text message ay tinanong namin si Juliana tungkol sa balitang shelved na ang Anna Liza at ito ang ipinadala niyang mensahe sa amin:

"Yup! Sadly, shelved nga. We really didn't see it coming. But well, everything happens for a reason. What's more important is the relationship we were all able to build with each other.

    

"Dawn, as well as others, is just too much of a sweetheart to not stay in touch with. Super dami ako natutunan. So overall, it was indeed a great experience. The few days we shot. I really hope to work with them, especially with Direk Jerry again soon. Super awesome ang group na yun. Sayang nga lang talaga."

    

Isa sa mga original soap dramas ng GMA-7 ang Anna Liza during the early '80s. Pinagbidahan ito ng yumaong child actress na si Julie Vega. Naging rival pa nga ng Anna Liza noon ang Flordeluna ng RPN-9 na pinagbidahan ni Janice de Belen.

    

Matagumpay namang nagawa ng ABS-CBN last year ang sarili nilang adaptation ng Flordeluna na naging Maria Flordeluna at pinagbidahan ng child actress na si Eliza Pineda.

    

First show pa naman sana ni Ella Cruz ang Anna Liza after siyang ilipat ng kanyang manager na si Becky Aguila from GMA-7, kung saan una siyang nakilala. Gumanap siya bilang batang Angel Locsin sa Majika; bilang batang Nadine Samonte sa Super Twins; at huli siyang napanood bilang batang Marian Rivera sa MariMar.

    

Ang Anna Liza rin sana ang maglulunsad kay Maja Salvador bilang solo star sa primetime at ipapares siya kina Jason Abalos at Rayver Cruz.

    

Kung matatandaan ay regalo ng ABS-CBN ang title role na Anna Liza kay Maja nang mag-celebrate siya ng kanyang 19th birthday last October 2007.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung bakit nagdesisyon ang Kapamilya network na i-shelve na ang Anna Liza.

Source: Philippine Entertainment Portal