|
|
| ABS-CBN talents malabong umapir sa b-day special ni RegineAuthor: Nitz Miralles May primetime show na uli si Regine Velasquez dahil leading lady siya ni Robin Padilla sa Totoy Bato na magpa-pilot sa February 23 na mula sa panulat ni Carlo J. Caparas at sa direksyon ni Mac Alejandre. Singer ang role rito ni Regine at siya rin ang kakanta ng theme song na sinulat ni Ogie Alcasid. Nagiging malapit ang Songbird sa co-stars niya at tiyak magiging friends niya sina Caridad San-chez, Angel Aquino, LJ Reyes, Ehra Madrigal, Tuesday Vargas at Queenie Padilla. Incidentally, makarating sana sa management ng Channel 7 ang request ng fans ni Regine tungkol sa gagawin nitong birthday special sa April. Sina Rowell Santiago, Freddie Santos at ibang directors ang gusto nilang humawak ng special. Kabilang sa guests na gusto nilang mapanood ay ABS-CBN talents gaya nina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Piolo Pascual, Ai-Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Gary Valenciano, Martin Nievera, Kuh Ledesma, Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go at Christopher de Leon, kaya malabo. Sina Richard Gomez, Eugene Domingo, Mikee Cojuangco, Donna Cruz, Lucy Torres, Jonalyn Viray at Judy Ann Santos lang ang puwedeng mag-guest sa special. Request din ng fans na maganda ang songs sa special, better arrangement at wala nang VTR ng birthday greetings. Gusto rin nilang mapanood na sumayaw si Regine with Lucy at ang biggest request nila'y sa Araneta Coliseum gawin ang birthday special. * * * Last week na ng Ga-gambino at nangako si Dennis Trillo ng magan-da't exciting na ending nang pinagbibidahang series. Marami pang revelations at confrontations hanggang sa dulo at may mamamatay pa sa cast. Nagpaalam na ang cast ng show sa S. O. P. at naka-costume pa si Dennis, Nadine Samonte, Isabel Oli, Glaiza de Castro, Polo Ravales at Katrina Halili. After Gagambino at habang naghihintay sa taping ng Muling Buksan Ang Puso, maggi-guest muna siya sa Bubble Gang, gagawin na ang second album niya sa Indie Music at gagawa ng pelikula sa Regal Entertainment. Kita ang panghihinayang ni Dennis na hindi na matutuloy ang pagtatambal nila ni Heart Evangelista sa TV remake ng Muling Buksan Ang Puso. Sa story at role nagkaproblema ang aktres dahil may morality clause sa kontrata nito bilang endorser na bawal siyang gumanap na nanay at magkakaanak at hindi dahil ayaw niyang makapareha si Dennis. Umaasa pa rin ang actor na makasama si Heart at kung may isa pa siyang gustong makapareha, si Rhian Ramos 'yun. Hindi naman siguro magagalit si JC de Vera, 'no! * * * Sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, simula na ang labanan nina Proserfina (Marian Rivera at Heleen (Angelu de Leon) dahil kay Homer (Dingdong Dantes). Patalbugan sila sa pagtu-two-piece at binayaran pa ni Heleen si Proserfina para layuan si Homer. Kakampi ni Heleen si Hera (Carmi Martin), mother ni Homer, laban kay Proserfina dahil ayaw nitong matulad ang anak sa kapatid na si Cassandra (Jackie Rice) na nag-asawa ng mahirap. May conflict na rin sina Aristotle (Prince Stefan) at Jason (Kevin Santos) dahil kay Athena (Lovi Poe) na sabay nilang nakita. Samantala, nagsimula na kahapon ang special stint nina Marian at Dingdong sa S. O. P. at susunod ang live chat nila sa February 19, 2 to 4 p. m. , kaya maghanda ng tanong sa dalawa. * * * Magtatapos sa March ang kontrata ni Hero Angeles sa GMA Network at kung ire-renew ang contract niya, tatanggapin niya dahil maganda ang trato sa kanya ng istasyon. Mag-aabot nga ang Luna Mystika at Paano Ba Ang Mangarap, pero sandali lang siya sa afternoon soap at nanghinayang siya dahil hindi siya nabigyan ng chance na maka-bonding ang cast. Hindi makakalimutan ni Hero ang eksena niya sa Paano... dahil humiga siya sa ataul at kailangan niyang pigilang huminga. After his scene, humiga uli siya at nagpakuha ng picture. Malapit na ring matapos ang Luna Mystika, kung saan enjoy siya sa role niyang kontrabidang engkanto. Ayaw mag-spoiler ni Hero kung sino sa major character sa fantaserye ang kanyang papatayin, basta abangan na lang daw. * * * Negative ang resulta ng 11 GMA Artist Center na sumailalim sa drug testing sa Camp Crame, kaya masaya ang GMAAC at mga talents mismo. Si Mark Herras nga, nagbantang isasampal ang result sa mga nagsasabing nagdo-droga siya. May second batch pa ng drug testing. Nasa litrato sina Mark, Ryza Cenon, Prince Stefan, Paulo Avelino, Mike Tan at iba pang GMAAAC talents kasama si DILG Secretary Ronaldo Puno. Source: People's Tonight |