|
|
| AI AI, EXCITED MAGING ASAWA NI ERAP!![]() Author: Dondon Sermino GULAT na gulat si Ai Ai delas Alas nang malaman niya na siya ang napipisil ni dating Pangulong Joseph 'Erap' Estrada na maging leading lady sa pagbabalik pelikula nito. Siyempre, welcome na welcome `yon sa kanya. At katunayan, super exci- ted talaga siya na simulan na ang pelikulang `yon. Hindi pa raw niya nababasa ang script. Pero, sa Star Cinema umano nila `yon gagawin, at misis ni Erap ang papel niya. “Yes. Loi Ejercito ang role ko sa buhay ni Erap. Bonggang-bonggang excited talaga ako. “Ang saya-saya, ha! Imagine, ako ang napili ni Erap na maging asawa niya sa movie niya. “Hindi ko pa alam kung ano ang magiging tile ng movie namin. Pero, bonggang-bongga talaga `yon!” sabi ni Ai Ai. Teka lang, hindi ba magkakaroon ng problema sa pananaw nila sa pulitika? Sabi pa ni Ai Ai, hindi raw niya alam kung paano ang magiging reaksiyon niya sa sandaling magkaharap na sila ni Erap. Alam na alam ni Ai Ai ang karisma ni Erap, hindi lang sa masa, kundi sa mga babae. Ayaw isipin ni Ai Ai na liligawan siya ni Erap. “'Yung mapili lang niya ako bilang asawa niya sa pelikula, okey na `yon. Type ko talagang maging asawa ni Erap sa movie. “Sa totoong buhay, hindi na puwede. May asawa na siya, `no! “Pero, ngayon ko lang napatunayan na maganda talaga ako. Nung una, may duda ako sa ganda ko. Pero nung ako ang pinili ni Erap, totoo nga, walang duda, na maganda talaga ako. Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na kuwento pa rin ni Ai Ai. Hindi pa sure si Ai Ai kung may kissing scene sila ni Erap sa pelikula nila. Pero, wala namang problema `yon kung saka-sakali. Source: Abante |