|
|
| ANGEL, MATATALBUGAN NINA CRISTINE AT KATRINA! 'UH' New Year Starters 2!Author: Alfie Lorenzo Narito ang karugtong ng kolum ko kahapon. At muli, nagpapasintabi ako sa mga tatamaan ng kolum kong ito. Sabi ko nga, walang personalan dito, kundi ito po ay paglalahad lamang ng mga katotohanang nangyari na, dahil na rin sa sarili ninyong kapabayaan o kapalarang sadyang itinakda para sa inyo na hindi ninyo naiwasan o naremedyuhang ganap! At muli “Magpasalamat na lang kayo sa Poong Maykapal na buhay pa kayo hanggang ngayon para madinig ito at mapanood ninyo ako! Ha! Ha! Ha! Ha!*** 9. Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Jon Avila, Victor Basa, Rafael Rosell merely passing fancy. Malapit na silang tawaging “mga dating artista”, hindebah Baron Geisler? Who would thought na ang dating “hunks” ay lilipasan ng panahon at maja-junks? 10. Mahihirapan ang Mark Herras-Jennylyn Mercado loveteam na makaangat uli. Magsisimula uli sila sa day one. They need a fresh start. Agrabyado si Mark na binata at katambal ng isang dalagang ina. 11. Lalampasan pa nina Cristine Reyes at Katrina Halili ang kasikatan ni Angel Locsin. Sila ang mag-aagawan sa titulong sexy actress na marunong umarte. 12. 'Yang magkakapatid na nag-aagawan sa stardom would not make it both. Dapat isa lang ang flag carrier. A) Dapat mag-lie low muna si Ara Mina para magtuluy-tuloy sa stardom si Cristine. B) Nagbuntis na si Vina Morales kaya dapat umangat na si Shaina Magdayao. C) Hindi malalagpasan ni Karylle ang kasikatang inabot ng nanay niyang si Zsa Zsa Padilla. D) Mas maraming trabaho si Enchong Dee kesa sa kuya niyang si AJ Dee na nasa GMA na. E) Nagtatluhan ang magkakapatid na Legaspi kaya pare-parehong nawala sina Kier, Brando at si Zoren ay so-so na lang ang roles. F) Nagtatluhan din ang magkakapatid na Agassi kaya pati si Carlos ay namahinga na! G) Hindi makaagapay sa angas ni Robin Padilla kaya si Rustom ay umiba ng linya. Pa-girl na ang role niya. H) Sisters Janice and Gelli de Belen - hayan at true enough nasa “SIS” na lang nga! I) Brothers Mico and Bernard Palanca nawala rin, sa GMA nga uli bubuhayin si Bernard! J) Nag-lie low si Ruffa kaya sumikat si Richard Gutierrez. Iba ang linya ng kakambal na Raymond na hosting ang expertise, like Ruffa na magkatapat pa ng show tuwing Linggo! K) Sa Santiago brothers naman, tanging si Raymart ang active sa acting. Namahinga na sina Randy at Rowell. L) Ang magkapatid na Paolo at Bubbles Paraiso waiting for their big break. N) Si Baron Geisler ay junior John Regala, effective kontrabida na akala mo true-to-life. Choose na lang sa dalawa kung sino ang mas mura ang talent fee para makatipid! O) Mag-asawa man o magsyota lang, uso ngayon ang hiwalayan! Na-abort ang Sunshine Cruz-Cesar Montano separation. After Beth Tamayo, Jolina & Bebong, susunod na ba si Assunta de Rossi? P) Before them, naghiwalay na sina Pops & Martin, Aiko & Jomari, Alma-Joey, Janice & John, Ruffa & Yilmaz, Sheryl Cruz & Norman Bustos. Q) Pero hindi na naman bago 'yan o nakapagtataka. Even Nora Aunor nahiwalay sa tatay ni Ian, si Vilma Santos kay Edu Manzano, si Maricel kay Edu pa rin, si Dina kay Vic Sotto, si Snooky kay Ricardo Cepeda, si Carmina kay Rustom, at si Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion! So, what else is new? R) Kahit na mga Miss Universe pa o Miss International nahiwalay din sa asawa, like Gloria Diaz, Aurora Pijuan, etc. S) Remember, even the loveliest lady of Hollywood na si Elizabeth Taylor nahiwalay na sa ika-11 husband niya and still searching for her ika-isang dosenang husband! T) Kaya ang advice ko sa mga nagmamahalan: Just enjoy the moment. A marriage certificate doesn't guarantee anything. Mas mahal pa nga ang magpa-annul kesa ikasal. Nowadays there is no guarantee that husband and wife will live happily ever after till death do them part like Susan & FPJ, Gloria & Juancho, Marivic & Temyong Marquez, Boots Anson & Pete, Lorna and Daboy. U) Kaya si Juday ay inabot ng 30-years old dahil mataman siyang nag-oobserba sa mga happenings sa paligid niya before she and Ryan take the plunge. They do not merely jump into the pool of fools! V) Before ending, I'd like to wish myself a happy, happy healthy, wealthy and long life this January 26, na sa mismong birthday ko bumagsak ang Chinese New Year of the Ox. Being an Aquarian in the Year of the Tiger na maswerte pa rin sa year na ito - kaya babalatuhan na lang namin kayoooooo!!!!!!! More predictions will come in as we move on to the Chinese New Year!!!!! Source: Abante |