|
|
| ANNABELLE, GALIT NA GALIT KAY WILMA!![]() Author: Alfie Lorenzo WOW! Hindi lang pala si Manny Pacquiao ang may rematch kundi sina Annabelle Rama at Wilma Galvante! Nasa meeting kami with a TV station owner regarding a long-delayed TV offer that I just cannot decide on until today. Nu'ng October pa hanging on the air ang sagot ko kung babalik ba ako sa TV or what. Sinabi ko sa station owner na nakatakda pa akong mag-travel in the next three months at ayaw kong maistorbo ang biyahe ko. Ganyan ang dahilan nu'ng hindi ko tinapos ang 13 weeks ng “Troika” sa TV5, dahil sa travel ko sa Europe with Ruffa Gutierrez, where nagalugad namin ang buong Europe. 'Yan din ang dahilan kung bakit iniwan na namin si Inday Badiday sa “Eye To Eye” after six months dahil biyahe uli ako ng two months sa Amerika, Europe uli, here, there and everywhere. Sabi ko sa station owner, pag nag-expire na siguro ang 10-year US visa ko baka maharap ko uli ang pagraradyo at TV. Or baka pag ikinasal na sina Juday at Ryan, whichever comes first! Nagpupuyos sa galit si Bisaya nung Lunes ng gabi. Nasa The Fort daw siya kausap ang parents ng talent niyang si JC de Vera. Umiiyak daw si JC na nagsumbong sa parents niya na tinakot-takot siya ni Wilma Galvante ng GMA 7 at sinabing idedemanda siya pag lumipat siya sa ABS-CBN. Pupuntahan daw ako ni Bisaya para maihinga ang nasa loob niya. So, we agreed to meet sa Heaven & Eggs sa Morato para makakain siya ng paborito naming munggambo -- o munggo na lutong Kapampangan. Pagka-order ni Bisaya ng munggo ay nilitanya na niya ang namagitan kina JC at Ms. Wilma at sabi ni Bisaya she also gave Ms. Wilma a piece of her mind as JC's manager. “Maliwanag ang pakiusap ko kay Wilma Galvante na habang wala pang trabaho si JC pagkatapos ng “Lalola” ay pagbibigyan ko ang request mo (namin) na ipahiram muna si JC sa Nurserye ni Juday at pagkatapos ay babalik siya sa GMA 7 kung pipik-apin nila ang option sa kontrata ni JC pag natapos na ang kontrata niya sa March. Maayos naman ang usapan namin. Ewan ko kung hindi naiintindihan ni Wilma ang sabi ko na tatapusin muna ni JC ang kontrata niya sa Siyete hanggang sa Marso. At bago kami pipirma sa renewal ng option kung kukunin pa nila si JC, pakiusap ko pa nga na gagawa muna si JC sa Nurserye ni Juday bilang pagbibigay ko sa iyo as my friend for life. “Biglang binigyan ng bagong show si JC, pero hindi naman siya ang bida kundi support lang ni Marvin Agustin! Ano ba 'yun? Apat na linggo siyang nagbida sa “Obra”, tapos ngayon gagawin ng regular ang “Obra” biglang ibinaba ang kategorya ni JC, supporting na lang! Eh, bida siya sa “Lalola”, ang taas ng ratings nu'n, tapos susuporta na lang siya kay Marvin Agustin? Gusto pa yatang sirain ang career ni JC. Nagbida na, ibabalik sa supporting! Hummphh!!!!” naglalagablab na litanya ng friend namin. Hindi sa kinakampihan namin ang aming friend for life kundi dapat maging maliwanag ang mga kumakalat na maling balita na lilipat na ng network si JC de Vera at biglang napasok na ipapareha daw kay Shaina Magdayao. Hellow!!!! Gusto rin namin kasing tulungan ang talent ng kaibigan namin. Feeling namin mas lalaki ang image ni JC de Vera kung maipa-partner siya kay Juday. At kapag tumodo na ang liwanag ng status ni JC ay mas mapapakinabangan pa siya ng GMA-7. After all, sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo na mga bida sa primetime ng GMA 7 ay pawang naging leading men ni Juday. Pati na si TJ Trindiad na nasa GMA na rin ngayon ay nagsimula rin bilang leading man ni Juday. At 'yung nagbida sa “Eva Fonda” na si Jason Abalos ay nakapareha lang ni Juday sa “MMK” ginawa na agad bida sa ABS. And more than anybody else, ang flag bearer nila sa ABS and Star Cinema na si Piolo Pascual ay ginawang solid ni Juday ang status with 5 starring films. Eh, sino ba sa mga non-talents ng magic kingdom ang sikat kesa kay Piolo - dahil hindi natambal kay Juday? And the biggest achievement of Juday bilang starmaker ay si Ryan Agoncillo, who has in turned won Juday's heart, body and soul. So, ayaw nga ba ng GMA 7 na mas mapasikat pa ang kanilang primetime bida na si JC de Vera? JC has already expressed his sentiments - na hindi siya lilipat ng network dahil sa GMA nga siya nagsimula and he knows how to look back. At hindi naman siya inaalis ni Annabelle sa GMA at ililipat sa ABS, kundi ipapahiram lang for one teleserye. So maliwanag ang usapang 'yan, debah? Eh, bakit nga ipinagdadamot ng GMA ang talent na sa kanila dinala in the first place ng ma-nager niyang si Annabelle Rama? Buti sana kung under contract sa Artist Center ng GMA si JC de Vera at hawak nila sa leeg. Eh, hindi naman nga! At ang manager ni JC na si Bisaya ang nagdedesisyon. Bakit nga naman ikinulong sa office ni Ms. Wilma Galvante si JC at pinagalitan at ayon kay Bisaya eh, “tinakot-takot pa”? Kaya nag-iiyak sa nerbyos tuloy ang binata! Well, pinayuhan nga namin ang kaibigan namin na kalamayin niya ang kalooban niya at maging kalmante pagkatapos ng munggo dinner niya. Sana hindi na makaabot pa sa korte ang usaping ito pag tumanggi na si Bisaya to renew JC's contract with GMA7. Afterall, one-sided naman ang option to renew, eh. Kung hindi nga i-renew ang kontrata niyang matatapos sa Marso, eh di si JC de Vera ang lugi? Eh, idinadaan na nga raw ni Bisaya sa mabuting pakiusapan ayaw pa siyang pagbigyan, eh hindi nga niya inilipat si Richard Gutierrez sa ABS-CBN at pinanatiling toprater ng GMA 7, along with another talent of Annabelle na si “Luna Mystica” at pangatlo pa si JC sa “Lalola” Sana nga magbigayan ang magkabilang panig. Pupuwede namang tumakbo ang Nurserye ni Juday without JC de Vera. Kaya lang, gusto nga naming tulungan ang binata para mas kuminang pang lalo ang bituin niya! Eh, kung hindi nga naiintindihan ng iba ang pakiusap ni Bisaya eh magkakagulo nga! Ano kaya ang mangyayari sa rematch na ito? Si Bisaya kaya uli ang unang lalapit kay Ms. Wilma at babati? Ano sa palagay niyo mga bading? I'm sure tulad ko -- hindi rin kayo mapalagay! Ha! Ha! Ha! Ha! Source: Abante |