Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

ARA, SAWA NA SA PAGPAPALIT-PALIT NG LALAKE!

ARA, SAWA NA SA PAGPAPALIT-PALIT NG LALAKE!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

NAGBIGAY na ng limitasyon sa sarili si Ara Mina pagdating sa personal na buhay ng kapatid niyang si Cristine Reyes. Sabi ng aktres, hanggang hindi nagsasalita ang younger sister niya, hindi niya ito tinatanong.

Kagagaling lang ng magkapatid na Ara at Cristine sa Guam. Nagkaroon sila ng oras doon upang mag-bonding. Pero pagdating sa lovelife ng sister, never daw siyang nagtanong.

"Ayokong magtanong pagdating sa lovelife niya. I think they�re friends naman ni Dennis (Trillo) pero ganoon lang. Kumbaga, ayusin muna nila ang dapat nilang ayusin," sabi ni Ara sa kontrobersyal ding kapatid.

"Wala siyang sinabi sa akin kung nagkabalikan sila ni Dennis. Kasi, meron na kong limitations, eh.

"Kumbaga, mas nagiging close kami pag ganoon. Siya �yung nag-o-open up pag ako ang hindi mausisa.

"And I�m happy na mas naging close kaming magkapatid," say pa ng aktres.

Feeling ba niya, may pagmamahal pa si Cristine kay Dennis?

"Normal naman �yon. Ang puso, hindi naman damit �yan na madaling palitan, di ba? Kung ako nga, after Polo (Ravales), wala pa akong boyfriend, di ba?

"Ang ibig sabihin, wala pa akong nakikita. Kapag nag-boyfriend ako, gusto ko, for keeps na. Ayoko naman kasi na papalit-palit ng boyfriend. Nakakapagod din naman kasi. Another pakikisamahan," katwiran niya.

Okey lang ba sa kanya na makipagbalikan si Cristine kay Dennis?

"It�s up to her. Matututo ka naman from your own mistakes. Kumbaga, nasasabi ko sa kanya na nagkaroon na rin ako ng boyfriend na may anak. Nagkukuwento lang ako kung ano ang na-experience ko before.

"From there, bahala na siya. Hindi ko siya pagbabawalan. Malaki na siya. Nineteen na siya next year," paliwanag ni Ara.

Paano niya ide-describe �yung relasyon nina Cristine at Dennis?

"Civil. Hindi kasi ako nakikialam. Basta ako, susuportahan ko si Cristine. Ayokong mag-clash kami.

"Pag lovelife talaga, hindi mo puwedeng pakialaman �yan, di ba?" dugtong pa ni Ara.

***

Halatang ngarag at pressured si Manny Pacquiao nu�ng presscon ng Anak ni Kumander na inihanda ng GMA 7 publicity team.

Eh, prior to the presscon para sa entertainment press, nag-hold din siya ng presscon sa Bar One ng Crowne Plaza para sa mga sports writers.

After ng lunchtime presscon niya with sportswriters, sumama ang pakiramdam ng bunsong anak na si Princess, kaya si Manny, halatang wala sa sarili nang kinakausap ng press.

Patuloy pa rin kasi ang intriga sa kanya tungkol sa dalawa niyang leading ladies sa filmfest entry niya na sina Ara Mina at Valerie Concepcion.

Although tinanggal na �yung kontrobersyal na halikan nila ni Valerie, hindi naman itinanggi ng boxing champ na mas naapektuhan ang asawa niyang si Jinkee sa kissing scene niya with Ara, huh!

"Hindi kasi puwedeng tanggalin �yung kay Ara kasi siya ang leading lady ko. �Yung kay Valerie..." putol na sabi ni Manny.

Ipinagtanggol naman ni Pacman ang asawa niya tungkol sa diumano ay pangit na text nito kay Valerie.

"Hindi magagawa ng asawa ko �yon. Baka may ibang tao na sumakay din sa isyu!" depensa niya.

Batbat man ng kontrobersya at intriga ang pagpu-produce ni Manny ng pelikula, ang tanging motibo niya ay matulungan ang nangangailangan at walang mga trabaho.

***

For comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com

Source: Abante