|
|
| ASSUNTA, ITINANGGING HIWALAY NA SILA NI JULES!![]() Author: Dondon Sermino BUKOD kina Beth Tamayo at mister nitong si Johnny Wong, pinagdudahan din ang mag-asawang Assunta de Rossi at Cong. Jules Ledesma na hiwalay na rin. Sa presscon ng U Women kahapon, bagama't pangiti-ngiti, halatang asar na rin si Assunta sa intrigang hiwalay na sila ni Jules. “You know what, the next time na makarinig kayo ng ganun, huwag niyo na lang pong patulan. 'Yun pa rin naman ang isasagot ko, eh, baka mainis pa kayo sa akin. “Baka sabihin niyo lang, 'Itong si Assunta, 30 years ko nang tinatanong, 'yun pa rin ang sagot. So, what's the point? “So, huwag niyo na lang patulan, kasi hindi naman siya kapatul-patol!” bungad na pahayag ni Assunta. Ano ba ang naging reaksiyon ni Jules sa tsismis na hiwalay na sila? “You know, bugbog siya sa trabaho. So, he doesn't know what's going on.” Ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Jules ngayon? “Ganun pa rin. We're married. We're together. Kaka-celebrate lang namin ng 6 (years) anniversary namin. We were in Negros, kasi nag-blessing ng Ethanol plant namin. “Nataon na sumabay sa wedding anniversary namin, at nagpa-party kami for the people who worked sa Ethanol. And then, pina-blessed namin. “Hindi totoo! I said, `yun pa rin ang lagi kong sagot, baka mainis kayo sa akin kapag nag-deny ako next year, in 2 years or 3 years.” Siyempre, tinanong din si Assunta ng entertainment press tungkol sa hindi pa nila pagkakaroon ng anak ni Jules sa loob ng anim na taon. “Ganito na lang, if it happens, it happens. You know, there's a reason for everything, and ngayon alam ko na `yung reason kung bakit hindi pa ako nabubuntis. “Kasi nga, wala pa kaming bahay ni Jules. Saan ko naman ilalagay ang anak ko, sa kahon ng sapatos. So, ipinauubaya ko na lang kay God. “Sa ngayon, `yun ang pinaplano namin, na kapag natapos na ang lahat ng obligations niya, sa family niya, sa clan niya, and everything goes well, sana makapag-start kami ng panibagong chapter ng buhay namin sa aming bagong tahanan.” Masaya ba si Assunta sa nangyayari sa buhay niya ngayon? “You know, wala namang relationship na perfect, eh. Kumpara sa kasal ng mommy at daddy ko, na kasal na sila for 26 years, and palaging sinasabi ng mommy ko na matagal na silang kasal ng daddy ko, pero nag-aaway pa rin sila. “So, compared sa marriage ko sa marriage ng parents ko, baby pa itong sa amin. So, marami pa kaming kakaining bigas. Pero ang importante, we have the same commitment,” lahad pa ni Assunta. Anyway, mas aktibo nga sa TV ngayon si Assunta. Bukod sa Camera Café (sa GMA 7), kasali rin siya sa bagong show sa QTV-11, ang U Women (Mondays to Fridays), kasama sina Tuesday Vargas, Candy Pangilinan, Kalila Aguilos, Christian Vasquez, Gerhard Acao, Arnold Reyes, at mula sa direksiyon nina Mark Meily at Henri de Lorme. Malaking challenge para kay Bea Alonzo ang maging Betty sa I Love Betty La Fea. At ipinakita naman niya na kayang-kaya niya `yon at mahusay siyang artista. Bagama't hindi happily ever after ang ending ng buhay ni Betty sa Ecomoda, isang bagong mundo naman ang kanyang haharapin na siguradong ikaka-excite ng mga manonood. Dahil nasa critical na kundisyon pa ang amang si Hermes (Ronaldo Valez), hahanap ng paraan si Betty para makakuha agad ng perang pantustos sa mga bayarin sa ospital. Sasali siya sa isang reality contest kung saan lahat ng mga 'ugly ducklings' ay gagawing 'beautiful swans'. Source: Abante |