Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

AXN channel, nagkainteres kay Dingdong!

AXN channel, nagkainteres kay Dingdong!

Author: Abante

WALANG duda na malakas ang pangalan ngayon ni Dingdong Dantes sa international channel. Wala halos ka-effort-effort on his part, pero ang maganda, siya mismo ang tinatawagan at binibigyan ng rekognisyon ng mga international channels na ito.

Hindi nga ba, kailan lang ay natalbugan pa ni Dingdong ang ibang sikat na modelo at artista sa iba't-ibang panig ng mundo dahil nailagay siya sa #3 position ang Pili­pinas dahil sa pagkakahirang sa kanyang #3 sexiest ng E! Network sa buong mundo.

Noong Wednesday naman, nagbalikan lang halos galing sa Singapore ang isang crew ng isang international channel, ang AXN. Hindi pa sana namin papangalanan ang network dahil sa pakiusap na huwag munang banggitin ang mismong international channel dahil by early next year pa naka-sche­dule ang feature episode on Dingdong.

Pero may mga naglabasan na kaagad na AXN channel nga ang dumating sa bansa kasama ang host ng show na si Eunice Olsen, isang Singaporean host at model.

Hindi na lang muna namin isusulat ang detalye ng show at kung bakit si Dingdong sa Pilipinas ang napili nilang i-feature dahil na rin sa pakiusap sa amin na hindi pa talaga ito puwedeng i-out not unless ipapalabas na ang mismong episode.

Anyway, siguradong magiging proud kahit sinong Pinoy kapag napanood ang naturang episode ni Dingdong sa AXN channel dahil minsan pa, magandang bagay naman sa Pilipinas ang naipi-feature.

At least, sunud-sunod ang positive news sa bansa, isa na nga rito ang recent victory ni Manny Pacquiao.

Source: Abante