Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aalis na po ako -- Marky

Author: People's Tonight

Napuna ng grupo ng PMPC ang pama-mayat ni Marky Cielo nang dumalo ito sa katatapos lang na 22nd Star Award For TV sa SMX International Convention Center, Pasay City

Sa backstage ay tinanong namin si Marky kung masaya ba ang Pasko niya?

Kaagad niyang sagot:" Malungkot nga po Tito. Parang may kulang po sa akin sa darating na Kapaskuhan. "

Hindi namin inisip na ang mga katagang binitiwan ni Marky bago magpa-alam paalis ng venue ng awards night ay isang premonition ng kanyang pagpanaw.

Pagkatapos kasi namin siyang kausapin ay malungkot itong nagpaalam, Ang mga katagang lumabas sa bibig ni Marky: "Aalis na po ako. "

Makaraang ang ilang minuto ay muling bumalik sa amin si Marky at inulit ang sinabing "aalis na po ako. "

Napaiyak ang kasamahan namin sa grupo. Sobrang bait ni Marky para kunin kaagad ni Lord,

Naikuwento nga ni Jon Fontanilla na kasamahan namin sa PMPC at nagpi-PR sa GMA Artist Center na siyang nanga-ngalaga ng showbiz career ni Marky nang magkausap sila sa rehearsal ng SOP, na may ibang pakiramdam din siya about Marky.

Matapos daw kasi silang magtsika-han ay nagpaalam din ito nang dalawang ulit sa kanya.

Samantala, nang araw na mamatay si Marky ay nasa tahanan kami ni Robin Domingo na kapwa mga doktor ang parents.

Tinanong namin ang ama ni Robin na si Doctor Domingo kung sa tingin niya ay bangungot ang ikinamatay ni Marky?

Sagot ng ama ni Robin: "Malabong bangungot, kasi kung bangungot ay kakainin nito ang pancreas ng tao. Unti-unti itong matutunaw. "

* * *

Inamin ni Karylle na dahil sa sobrang kaba at nerbiyos kaya medyo nakalunok siya ng laway habang kinakanta ang Lupang Hinarang sa laban ni Pacquiao at dela Hoja sa MGM.

Masayang ibinalita ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes ang experience niya kasama ang team Pacquiao sa isang kuwarto bago magsimula ang laban ni Pacman,

Sinabihan daw siya ni Manny na huwag kabahan dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Nakatulong daw 'yon ng malaki para mabawasan ang kabang nararamdaman ng singer-actress.

Nagkita ba sila doon ni Dingdong?

"Marami po akong nakitang tao sa venue pero hindi ko nakita si Dingdong," pahayag ni Karylle

"Pero hindi ko sure kung siya 'yung nakasalubong ko habang paakyat ako ng ring," dagdag pa niya.

* * *

Sa Friday ay hahataw na naman ang Bubble Gang barkada at ang inaabangang portion nina Ogie Alcasid at Michael V na "Angelina with her Yaya" ay muling magpapasayaw sa mga televiewer.

Sa taping ay usap-usapan pa rin ang biglaang pagpanaw ni Marky Cielo. Lahat ng BG barkada na sina Diana Zuburi, Rufa Mae Quinto, Francine Prieto, Pekto at mga guest celebrity ay hindi makapaniwala.

Anyway kahit malungkot sa set ng Bubble, tuloy pa rina ng kanilang taping. Ilang beses ding nag-guest si Marky sa naturang show.

Source: People's Tonight