|
|
| Abby Cruz sinuwerte nang makipag-break kay Paolo![]() Author: Ricky Calderon MATAGAL nang gustong mag-artista ni Abby Cruz kaya lang parang mailap ang pagkakataon. Kahit na noong time na mag-on pa sila ng Survivor Philippines: Palau host na si Paolo Bediones ay hindi naman masyadong nabig-yan nang pagkakataon na mag-artista ang 2007 Bb. Pilipinas second runner-up. Nakalabas naman si Ab-by bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Lupin pero hindi siya nagkaroon ng regular show sa GMA-7 although nakapag-guest siya sa several Kapuso shows after that. Kaya naman when Abby learned from a friend na may audition for Lovers in Paris, she tried her luck. Hindi man niya nakuha ang role ni Eunice (Assunta de Rossi), happy pa rin si Abby dahil binigyan naman siya ng role bilang best friend ni Assunta. This role was created by the production staff of Lovers in Paris since wala naman ito sa original na kuwento. Bukod sa na-sabing programa ng Dos, may hosting job din si Abby via the show Home TV Shopping ng Solar TV. May movie rin na Cordillera kung saan leading lady siya ni Roi Vinzon. She plays the wife of Roi, an Igorot chieftain. She plays a city girl na ipinagpalit ang buhay sa city to be a wife of an Igorot chieftain. Mayroon din siyang solo film titled Tanglaw na OFW naman ang kanyang papel. Happy rin siya dahil pinagkatiwalaan siya ng isang producer para magbida sa nasabing indie film. Kahit na break na sila ni Paolo may communication pa rin naman daw sila although they have yet to see each other since they broke up. Napuna lang niya na kung kailan siya walang boyfriend ay saka naman siya dinagsa ng offers sa TV at movies. * * * SI Robin Padilla ang bagong endorser ngTrust Condom at sa presscon last Thursday ay tinanong ang action star kung lagi ba siyang may dalang condom sa kanyang wallet. "Ay, wala po, kasi wala naman po tayong pagga-gamitan niyan," mabilis na sagot ni Robin. Nang may magbiro sa kanya kung ano'ng size ng Trust Condom ang kanyang ginagamit, pabiro rin itong sinagot ni Robin na pangit daw na ang lalaki ang nag-kukuwento. "Babae dapat ang nag-kukuwento niyan," pabiro pang sagot niya. May iba't ibang sizes daw ang Trust condom at iba-iba rin ang mga korte. Pero 'yun daw iba na may kasarapang ibinibigay, med-yo mas mataas daw ang bayad. 'Yun daw nabibili na Trust condom na tatlo ang laman sa isang pakete ay P17 lang, kaya pangmasa, affordable at may flavor pa. Ayon pa kay Robin, dapat alamin natin ang solus-yon sa ating mga problema, tulad halimbawa sa population explosion. "Kung iisipin natin na lahat ng solusyon ay dapat manggaling sa gobyerno, aba eh, talagang kalunus-lunos ang sitwasyon. Naki-ta naman po natin ang nangyari noong bumagyo. Ni wa-lang solusyon sa problema ng mga kababayan natin. Puro relief. Nakalulungkot po iyon. "Kaya ang sinasabi ko po, ako ang nangulit sa kanila na isama nila ako sa kampanya ng Trust on responsible reproductive health gayundin ang campaign nila against HIV. Hindi po ako nahihiya na ipri-sinta ang sarili ko. Noon lang pong huling budget hearing ng Department of Health, sinabi na talagang kailangang hikayatin ang ating mga kababayan na gumamit ng condom," say ng action star. Aware naman si Robin na may mga taong posibleng pumuna sa kanyang kampanya sa paggamit ng condom, tulad ng Simbahang Katoliko na alam nating mahigpit na tinututulan ang anumang porma ng contraception. "Kung ang pagbabasehan natin ay ang sasabihin ng iba at hindi naman applicable sa mga kababayan natin mismo, hindi ko naman po sinasabing huwag na. Sa ngayon kailangan natin na pigilin ang paglaki ng populasyon," aniya pa. "Ang kampanya namin ay nakatuon sa mga lalaki. Pakiramdam kasi nila nakakababawas ng pagkalalaki ang paggamit ng condom. Gusto po naming sabihin, kung iniisip niya ang pagkalalaki niya, dapat res-ponsable ka. Lalaki ka, ang dami mong anak? Ano naman ang kinabukasan ng iyong mga anak? Asan naman ang pagkalalaki mo kung ang mga anak mo ay nasa kalsada at namama-limos?" paliwanag pa ni Robin. Source: Taliba |