|
|
| Acting ni Regine may OA factor![]() Author: Pilipino Star Ngayon Seen : Ang mga showbiz issue na pinagsawaan na ng mga tao. Mga showbiz issue na hindi na pumupukaw ng kanilang interes. Ang walang kamatayang isyu tungkol sa paghihirap ni Snooky Serna. Ang marital problems nina Kris Aquino at James Yap. Ang pampamilyang problema nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Ang pilit na pagli-link kina Jake Cuenca at Bea Alonzo, alang-alang sa promo ng Pinoy Betty La Fea. Ang mga gawa-gawang isyu tungkol kay Rhian Ramos. Ang network war ng ABS-CBN at GMA 7. Scene : Funny ang pilot episode ng My Kim Samsoon, isa lang ang reklamo ng televiewers. Medyo OA si Regine kaya dapat rendahan ang kanyang pagganap. Seen : Ang mga e-mail ng fans nina Robi at Nicole na natatanggap ng mga executive ng ABS-CBN. Nagmamakaawa sila na bigyan ng project ang mga baguhang artista na naging instant celebrities nang sumali sa PBB Teen Edition. Kinaiinisan ang fans dahil sa sunud-sunod na e-mails na kanilang ipinadadala. Scene : Sina Alessandra de Rossi at Dennis Trillo ang mga image model ng isang skin clinic. Bagong bukas pa lamang ang skin clinic ngunit may balita na may problema ang mga business partner. Seen : Ang Friendster account ni Ynez Veneracion at ang kanyang litrato sa tabi ng isang expensive sports car. May pinariringgan si Ynez sa kanyang message na "Sorry ka, gusto mo itong car di ba. .. girl!" Ni-remind din ni Ynez sa kanyang mga kaibigan na magkakaroon siya ng show sa Scene : Ang maling tsismis na huling TV show ni Robin Padilla sa GMA 7 ang Joaquin Bordado. Si Robin ang bida sa TV remake ng Totoy Bato at siya mismo ang nagkuwento nito sa mga reporter na nakakausap niya. Seen : Ang walang improvement na acting ni Aljur Abrenica sa Dyesebel. Kailangan niyang mag-enroll sa acting workshop o mag-isip na siya ng ibang fall back na hindi showbiz-related. SCENE : Ang URGENT prayer request para kay Kapamilya Director Gilbert "Manong" Perez na inatake sa puso kahapon ng umaga. Naka-confine si Gilbert sa Coronary Care Unit ng St. Luke's Source: The Philippine Star |