Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Action film for Dingdong in the can

Author: Tempo
Column: Entertainment

IF plans push through, matutupad ang inaasam-asam ni Dingdong Dantes na maging action star. May nakalatag itong na project na joint venture ng GMA Films at Unitel Pictures na si Mark Reyes ang director.


Ito ang masayang ibinalita ni direk Mark in a talk with Tempo sa presscon ng "SRO Cinemaserye" na siya ang megger ng "Suspetsa" episode na mapapanood for eight weeks sa GMA-7 starting May 28. Ayon kay direk Mark, isang graphic novel mula sa komiks ang gagawin nilang project ni Dingdong titled "Andong Agimat." Idea nilang dalawa ni Dingdong ang project na nang i-present nila sa GMA ay agad nagustuhan.

Hopefully, shooting starts in September, ayon kay Direk Mark. By that time, tapos na niya ang "Zorro." Wala pang leading lady sa gagawing action movie ni Dingdong at pinag-iisipan pa nila kung sino ang kukunin. "But I'd like to make it clear, the project is in development pa lang. I'm keeping my fingers crossed na matuloy 'yon. Marami pa kasing naka-line up na projects ang GMA," he said.

For the meantime, pinaghahandaan ni Dingdong ang bagong teleseryeng gagawin niya sa GMA, ang "Stairway to Heaven" kung saan gaganap siya bilang Cholo. By July magsisimula siyang mag-taping. (Rowena Agilada)

Source: Tempo