|
|
| Actor-politician may binibiktima na namang bagets na beauty queenAuthor: Joey Sarmiento Grabe talaga ang manyakis na actor-politician na ito. Aba, may nakapag-report kasi sa amin na umariba na naman daw ang pagka-manyak nito nang makilala niya ang matangkad at napakaseksing Ms. Oriental Mindoro. Seventeen years old pa lang daw ang beauty queen na ito pero kung anu-ano na raw ang ipinangako kapalit nang pakikipag-one night stand sa kanya! May history na rin naman sa pagiging manyak ang actor-politician na ito sa Mindoro dahil muntik na nga siyang i-reklamo sa Imbestigador ng GMA-7 ng isang magulang ng isang underage na nabiktima niya pero hanggang ngayon ay hindi pa talaga natuto. Ang balita namin, sinasali na naman daw niya sa isang bikini contest ang kawawang beauty queen dito sa Manila dahil parte daw iyon ng kanyang promises. Hay. .. Ilan lang naman ang actor-politician sa lugar na 'yun kaya dapat ay hindi na iboto pa ang mga manyak na tulad niya para hindi na makapambiktima ng mga kabataang babae. * * * Kulang-kulang sa P100,000 worth of shirts and some cash na rin ang naipamahagi ng Page Jeans International para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy, kahit na ang ilang shops ng Page Jeans ay naapektuhan din, tulad sa Malabon at sa Sta. Lucia Mall. Pero ayon nga sa may-ari nitong si Mr. Ricky Chang, hindi niya matiis na wala gawin para sa mga kawawang kababayan natin na nabiktima ng matinding pagbaha. Maging ang ilang mga empleyado ng Page Jeans ay naapektuhan din ng kalamidad pero hindi nagkait si Mr. Chang ng tulong sa mga ito. Naniniwala ang Page Jeans management na sa pagtutulungan at pagkaka-isa ay muling makakabangon ang ating mga kababayan. Si Zara Aldana and the Page Xclusive girls, na nasa ilalim ng Page Jeans International, ay may gagawing dance music video na ilalabas for a limited copy ngayong darating na Pasko under Galaxy Records at hindi na kami magtataka kung mag-decide ang Page Jeans management na part of their proceeds ay ido-donate nila sa flood victims. * * * Ilan sa mga taga-showbiz na naapektuhan din ng ma-tinding pagbaha ay ang Focus Entertainment matriarch na si Joy Cancio. Taga-Vista Real Cainta si Mother Joy at gaya ng ilan nating mga kababayan ay nilubog sa baha ang first floor ng kanyang bahay at sabi nga niya sa text message niya sa amin, halos lahat ng kanyang mga kagamitan sa unang palapag ay wasak. Pero kahit ganu'n ang nangyari, tuloy pa rin ang taping ng "Chacha Muchaha" at lalong hindi na rin mapipigilan ang paghahanda nila sa panibagong episode ng Daisy Siete na "My Shuper Swet Lover. " * * * BINAHA rin ang bahay ng fashion model-turned-businesswoman na si Madam Ina Alegre at dahil kagaya ni Mother Joy ay taga-Vista Real din siya. Mabuti na lang at nasa Pola, Mindoro sila kasama ang kanyang mga anak nu'ng panahong nanalasa si Ondoy kaya safe ang kanyang pamilya. Pero ang mga gamit sa basement at ang mga sasakyan niya ay hindi rin nakaligtas sa matinding pagbaha lalo na sa kanilang lugar sa Vista Real. Sa Pola, Mindoro na rin kasi naglalagi si Ina dahil may plano itong kumandidatong mayor sa Pola, kaya hindi na rin siya gaanong visible sa Maynila. In behalf of Taliba, we just hope and pray na sana ay hindi na tayo salantain ng bagyo para tuluyang makabangon ang ating mga kababayan na nabiktima ni Ondoy. * * * For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo. com Source: Taliba |