|
|
| Adel Tamano, posibleng ma-in love kay Belo![]() Author: Rey Pumaloy HINAYANG na hinayang si Atty. Adel Tamano na hindi siya nakasali sa Celebrity Duets ng GMA 7. Umasa raw siya na makakasali sa pakontes na `yon, dahil sinabihan na raw siya ng isa sa mga boss ng Siyete. Pero, 'yun na nga, sa final na pilian ng mga contestants ay hindi nakasali ang kanyang pangalan. Hindi na rin daw siya nakatanggap ng tawag mula sa staff ng Celebrity... Pag-amin ni Atty. Tamano, mahilig talaga siyang kumanta. May mga nagsasabi ang napipinto niyang pagtakbo sa darating na eleksiyon ang dahilan kung bakit natsugi ang pangalan niya sa Celebrity... Samantala, nilinaw ni Atty. Tamano na hindi pa lifted ang hold departure order sa kliyente niyang si Dra. Vicki Belo. Nag-file raw kasi ng extension ang abugado ni Katrina Halili. Kuwento ni Atty. Tamano, nag-file lang sila ng request para payagan si Vicki na makadalo sa isang pagtitipon sa Amerika. Kasalukuyan na ngang nanduon si Vicki. Ginagarantiyan ni Atty. Tamano na hindi tatakas o magtatago sa Amerika si Vicki. Nandito raw ang mga negosyo nito, at hindi niya `yon puwedeng iwan. Anyway, ikinuwento ni Atty. Tamano na hinihintay na lang nila ang resulta sa DOJ tungkol sa pagpapakalat ng sex video nina Katrina at Hayden Kho. Aware si Atty. Tamano na natsitsismis siya kay Vicki Belo. Pero, mariin nga niyang itinanggi `yon, at professional lang daw ang relasyon nila. Eleven years na nga raw kasal si Atty. Tamano, at wala raw dahilan para maghanap siya ng ibang babae. “Wala naman akong nakikitang ibang babae o nararamdamang kailangan ko pang magdagdag o magpalit ng asawa,” nakangiting sabi ni Atty. Tamano. Tanong namin kay Atty. Tamano, kung sakaling wala ba siyang asawa ay posibleng magustuhan niya si Vicki? “Why not?” sagot ni Atty. Tamano. “Dra. Belo is a very charming lady. She's smart and intelligent. She's fun to be with. Masayahin siyang tao at napakabait niya,” sabi pa ni Atty. Tamano. Source: Abante |