Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Adik na aktres, iniwan ng boyfriend!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

EARLY this week, nakatanggap si Aster Amoyo ng phone call mula kay Lizette Santos, ang anak ni Mrs. Rose Flaminiano.

Maayos ang kanilang naging pag-uusap. Sinabi ni Lizette na inaayos ng kanyang ina ang problema ni Aster sa PAG-IBIG. Hinihiling din ni Lizette kay Aster na bigyan pa nito ng pagkaka­taon si Mrs. Flaminiano na maa­yos ang problema sa loob ng anim na buwan.

Hindi pa namin alam kung pagbibigyan ni Aster ang request ng anak ni Mommy Rose. Isa lang ang kanyang hinihiling, ang linisin ang pangalan niya dahil wala siyang utang sa PAG-IBIG.

Iginiit ni Aster na hindi siya nagkulang kay Mommy Rose sa pagpapaalaala na ayusin ang problema sa PAG-IBIG. Nagdesisyon si Aster na magsampa ng reklamo sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) dahil hindi tumupad si Mommy Rose sa mga sinabi nito.

Naghain ng kaso si Aster sa HLURB nang madiskubre niya na may housing loan siya sa PAG-IBIG at malaki na ang kanyang utang para sa bahay sa subdivision na pag-aari ni Mommy Rose sa Tarlac. Isang bahay na hindi niya nakita o natirhan.

Si Mommy Rose ang developer ng subdivision at siya rin umano ang nagpasok sa PAG-IBIG ng housing loan application ni Aster, kahit sinabi nito na hindi na niya itutuloy ang pagbili.
***

Mababalewala ang appeal ng mga tagahanga na bigyan ng mala­king break ng isang major TV network ang kanilang hinahangaan na young actress.

Lalong gumanda ang young actress nang makita namin ito sa isang showbiz event.

Pero useless ang kanyang kagandahan kung ipagpapatuloy niya ang pagiging pasaway.

Maraming beses na inalok ng mga TV project ang young actress pero tumanggi ito.

Mas pinili niya na samahan sa mga lakad at bantayan ang kanyang boyfriend na artista rin pero hindi masyadong sikat.
***

Hooked sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang aktres kaya hiniwalayan siya ng kanyang boyfriend.

Hindi nagdalawang-isip ang lalake na hiwalayan ang aktres. Hindi raw siya drug-user. Na-turn off ang lalake dahil ang aktres pa ang nagbubuyo sa kanya na subukan ang paggamit ng bawal na gamot.

Naiintindihan na namin ang mga weird na kilos ng aktres. Sa isang party na kapwa namin dinaluhan, masayang-masaya ang aktres pero bigla itong umiyak nang walang dahilan. Posibleng 'yon ang epekto sa kanya ng bawal na gamot na gina­mit niya.
***

Napanood na ni Boss Orly Ilacad ng Octoarts Films ang rushes ng One Night Only. Tuwang-tuwa si Boss Orly dahil magaganda ang mga eksena ng pelikula na official entry ng kanyang film company sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Last week, nagpunta si Boss Orly sa Hong Kong dahil dito ginawa ang teaser ng One Night Only.

Sina Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, Katrina Halili at Alessandra de Rossi ang mga bida sa filmfest movie ng Octo­arts Films.

Kasama rin sa cast sina Ricky Davao, Chokoleit, Jon Avila at Manilyn Reynes. Bilib na bilib si Boss Orly kay Ricky dahil iniba nito ang itsura para sa kanyang role. Tomboy naman ang papel ni Manilyn sa One Night Only.

***


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante