|
|
| Adik si Ogie!![]() Column: About Showbiz "Adik" ang pabirong tawag ni Regine Velasquez sa boyfriend niyang si Ogie Alcasid. Adik sa trabaho lang naman, dahil hindi na sila halos nagkikita't araw-araw may taping schedule ang singer-composer. Tuesday na lang ang free day nito, not enough para magawa nila ang movie na Love is Deaf and Blind ng GMA Films at Viva Films. Sabagay, busy din si Regine at magiging mas busy pa sa mga susunod na araw. Puwedeng magreklamo rin si Ogie na wala na silang quality time together. Unang nagpa-busy kay Directed by Louie Ignacio ang birthday special at guests niya sina Ogie, Jay-R, Kyla, at may special number siya with her parents. Taped as live ang special na kinunan sa bago niyang bahay sa Ayala Dumating sa taping ng birthday special sina Jaya (and her family); Mikee Cojuangco, Michael V. , and Ai-Ai delas Alas (neighbors niya); Mr. Tony Tuviera; ang best friend niyang si Grace; Regine's family; Ogie's parents; direk Joyce Bernal; Marian Rivera; Isabella Gonzales; and Kuh Ledesma. April 22, ang birthday ni Regine at isa na ito sa happiest birthday niya. Sa May 1, magsisimula na rin siyang mag-taping ng weekly musical special niya entitled, Songbird Sings (also directed by Louie) at every Thursday ang time slot nito. Excited si Regine, dahil matagal na niyang nami-miss ang kumanta. Sa May din uumpisahan ang taping ng Kim Sam Soon for a June airing. Nabalita nang sina Mark Anthony Fernandez ang leading man niya sa role ni Cyrus at join din si Wendell Ramos. Tsinika ni Regine na kasama rin sa cast si Dr. Hayden Kho, Jr. , sa role ng doctor. Sina Dominic Zapata at Khryss Adalia ang mga direktor nito. * * * Naka-display sa hallway ng ELJ Bldg, ang malaking standee ng cast ng Maligno at dun pa lang, nakakatakot na ang second feature sa The Susan Roces Cinema Collection. May kargang bata si Claudine at katabi niya si Diether Ocampo, pero napansin naming maraming ahas sa kanilang tabi. Sabi nga ng mga bagets, eoww! Ang Maligno ay isa lang sa mga shows na gagawin ni Claudine, dahil siya ang makakapareha ni Gabby Concepcion sa Iisa Pa Lamang with Diether pa rin. Sa dalas ngang magkasama ng dalawa, parang sila ang bagong loveteam na bini-build up ng ABS-CBN. * * * Guest sa Ful Haus sa Sunday si Ryan Agoncillo at ang guesting niya sa sitcom nina Vic Sotto at Pia Guanio ang bale birthday celebration niya. Kung bakit sa show ng GMA 7 magsi-celebrate ng birthday ang TV host-actor, hindi namin batid. On the other hand, walang isyu sa paglabas ni Ryan sa Ful Haus, dahil hindi exclusive ang contract niya sa ABS-CBN at wala pa naman siyang ginagawa. Masaya raw ang taping at never pinag-usapan ang talent fee. * * * Agad palang sisimulan ni Richard Gutierrez ang taping ng Asero, his newest series in GMA 7, pagkatapos ng taping ng Kamandag na April 23 na ang last day. Marksman ang role ng actor sa bagong show na may mga eksenang kukunan sa Ibinalita mismo ni Annabelle Rama na si Ehra Madrigal ang leading lady ng anak sa bagong show, pero sabi ni Richard, dalawa ang kapareha niya rito. Kung sino ang isa pa, hindi niya sinabi, wait na lang daw tayo. * * * Lalabas na rin si Patrick Garcia sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, as Samantala, minamadali ni Via (Angelika dela Cruz) si Alfred (Marvin Agustin) na pakasal na sila. Paplanuhin nilang idispatsa si Salve (Yasmien Kurdi) sa tulong ni Harry (Arthur Solinap) at pinsan ni Via. Dobleng pahirap na naman ito kay Salve. Source: The Philippine Star |