|
|
| Advertiser, na-offend sa panlalait ni Arnel kay Reese Witherspoon!Author: Jojo Gabinete Posibleng hindi pa alam ni Arnel Ignacio na na-offend ang advertiser ng sikat na produkto dahil sa panlalait niya kay Reese Witherspoon nang mag-guest siya sa Startalk noong nakaraang Sabado. Ang promo guesting ni Arnel ang sumunod pagkatapos ipakita sa Startalk ang exclusive interview sa Japan ni Butch Francisco kay Reese. Si Aiko Melendez ang nag-interbyu kay Arnel. Pinagkumpara ni Arnel sina Aiko at Reese. Sinabi niya na mas maganda si Aiko kesa kay Reese dahil mahaba ang baba (chin) nito. Napanood ng advertiser ang panlalait ni Arnel sa kanilang endorser. Na-offend sila sa ginawa ng TV host/comedian dahil naging unfair ito kay Reese.
Nalaman namin mula kay Phillip na ipinalabas na pala noon sa mga sinehan ng SM ang Mainit Na Tubig. Naghahanap nga pala si Phillip ng DVD copy ng Orapronobis (Fight For Us), ang 1989 critically-acclaimed movie na pinagbidahan niya. Naging kontrobersyal noon ang Orapronobis kaya hindi ito naipalabas sa mga sinehan. Napanood namin ang pelikula pero hindi namin maaalaala kung saan kami nakakuha ng kopya. Ipinalabas ang Orapronobis sa Director's Forthnight ng 1989 Cannes Film Festival. Si Lino Brocka ang direktor ng pelikula na umani ng papuri sa Cannes. Nagustuhan ng mga film critic ang performance ng mga artista at ang well-written script ni Pete Lacaba. Si Dingdong Dantes ang bagong celebrity endorser ng Touch Mobile O TM. Ngayong tanghali ang big launch ng TM commercial ni Dingdong at kasabay ito ng 28th birthday celebration niya sa SOP. Makakasama ni Dingdong sa TM commercial launch ang kanyang fellow TM endorsers na sina Bearwin Meily at Diana Zubiri. Mula sa SOP, didiretso si Dingdong sa kanyang fans day na gaganapin sa SM Fairview at live na mapapanood sa Showbiz Central. Hindi matatapos sa fans day ang mahabang araw ni Dingdong dahil kinagabihan, ang party para sa kanya ng Belo Medical Group ang pupuntahan niya. Pumayag ang ex-lovers na sina JC de Vera at Michelle Madrigal na mag-guest sa Don't Lie To Me segment ng Showbiz Central. Sila ang tatanungin ni John Lapus kaya magkakaalaman kung sino sa kanila ang nagsisinungaling tungkol sa mga nangyari sa relasyon nila na nauwi sa hiwalayan. Ito ang unang pagkakataon na pumayag sina JC at Michelle na magkasama at magkasabay na pag-usapan ang kanilang nakaraan. Lihim na lihim ang shooting ng Survivor Philippines sa Thailand. Iilan ang nakakaalam sa exact location ng shooting sa Southern part ng Thailand. Dalawang linggo nang namamalagi roon si Paolo Bediones, ang staff at mga contestant ng Survivor Philippines. Limitadung-limitado ang impormasyon na nakararating sa amin, ang malayong lugar, bad weather at ang araw-araw na pagsakay sa truck at bangka ng grupo para makarating sa kanilang paroroonan. Sa dami ng hirap at mga pagsubok na pinagdaraanan nila, isa lang ang ipinagdarasal ni Paolo at ng Survivor Philippines team, ang maging matagumpay ang kanilang show kapag ipinalabas na ito sa TV. Simple pero makahulugan ang pakiusap ni Richard Gutierrez sa mga nagtatanong tungkol sa tunay na status ng relasyon nila ni KC Concepcion. “Kung anuman ang nangyayari ngayon sa amin ni KC, give us the freedom to indulge in our feelings now.” Sa kabila ng request na ipinahayag ni Richard sa presscon ng For The First Time, hindi pa rin nagpaawat ang mga reporter sa pagtatanong. Ayaw maniwala ng ilang entertainment press na para lamang sa promo at publicity ng pelikula nina Richard at KC ang closeness na ipinakikita nila. Source: Abante |