Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aga Muhlach  pinapangarap ni Marian

Aga Muhlach  pinapangarap ni Marian

Author: Pilipino Star Ngayon
Column: About Showbiz

Kung anu-anong isyu na lang ang inaakusa kay Marian Rivera at ang pinaka-latest    ay ang pagbababad daw nito sa casino na malabong mangyari, dahil kung nagba­bad man ito'y sa taping iyon ng Dyesebel. Naku naman, hindi nga masimulan ang movie nila nina Dingdong Dantes at Iza Calzado sa GMA Films dahil hanggang end of July pang toxic ang kanyang schedule.

Kung isusunod agad ang next project niya sa GMA 7 (ika­tutuwa ito ng kanyang mga fans), baka buong taon na siyang nagti-taping. Mabuti na lang at September pa raw gagawin ang Amnesia, pero baka sumabay ito sa shooting ng  Desperadas 2 ng Regal at GMA Films.

Samantala, kilig-kiligan si Marian sa comment ni Aga Muhlach na "Ang ganda niya pala talaga. " Nangyari ito sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. Award nang magkasama sila ng actor sa stage sa pagtanggap ni Marian ng Star of the Night Award.

Agad nitong ikinuwento sa manager niyang si Popoy Caritativo ang narinig sa aktor na isa sa kanyang hinahangaan at pinapangarap makasama sa pelikula. Matutupad ito kung kukunin ng Regal si Aga para itambal kay Marian na may exclusive contract kay Mother Lily Monteverde.

* * *

Lalabas pala si Gary Valenciano sa  700 Club USA sa June 3, bago ang 25th anniversary USA concert tour niya sa Nokia Theater sa Los Angeles sa June 7. All-over the USA raw ang broadcast ng show, kaya mapapanood siya ng mga kababayan natin sa buong Amerika.

Guest din si Gary sa longest TV show sa Canada na  100 Huntley Street sa July 23, kung saan na-impress sa kanya ang owner ng network at ang misis nito nang manood ng kanyang concert. Sana ang kasunod nito'y ang paggi-guest ni Gary either sa  Ellen ni Ellen DeGeneres at  Oprah ni Oprah Winfrey.

Sa local front, pinag­hahandaan na ni Gary ang series of shows niya sa Music Museum sa May 22, 23, 29 at 30. Billed, His Love ang series of shows na isa lang sa maraming celebrations sa 25th an­niversary niya sa showbiz. Guests are sons Paolo and Gab, Powerplay Band at ang kaibigang si Mon Faustino ang musical director.

* * *

Sasabak uli sa pagpo­prodyus ng pelikula ang Eagle Eye Productions nina Angel Locsin at Becky Aguila and this time, launching movie na ni Valerie Concepcion ang kanilang gagawin. Naniniwala si Becky na right time na for her talent na ma-launch sa pelikula at kailangan lang ng right project at right leading man para maging successful ang movie.

August o September ang target date ng Eagle Eye na simulan ang shooting ng still untitled launching movie ni Valerie and intended for 2009 Metro Manila Film Festival. Si direk Jeffrey Jeturian daw ang susulat ng script at isang kaibigan nitong director ang magdidirek. Involved din sa project si Atty. Joji Alonso ng MLR Films, bilang creative consultant.

Masaya ring ibinalita ni Becky na malapit nang mabili ni Valerie ang worth P7 million house  sa Filinvest, Quezon City. Matagal na raw nag-iipon ang actress para magkaroon ng sariling bahay para sa pamilya at sa kanyang anak.

* * *

Imbitado ang lahat sa Bonggang Bongga,  Isang Gabi ng Kantahan, Sayawan at Kasiyahan, bukas, May 20 sa The Library Malate. Magsisil-    bi ring Nominees Night ng Golden Screen Awards '08 ang gabi. Be a part of a star-studded night for only P300 pesos.

Source: The Philippine Star