Aga, marami pang ibubuga! Author: Abante MAS magiging masuwerte at mas marami pa raw na ibubuga si Aga Muhlach ngayong Taon ng Daga. Aba, mataas ang rating ng “That's My Doc” niya sa ABS-CBN 2, kasama sina Nova Villa, Roderick Paulate, Bayani Agbayani at Precious Lara Quigaman. At bongga ang health theme ni Aga ngayong new year sa bago at high-tech looking campaign ng Carbocisteine Solmux. Usap-usapan nga ang Solmux Ad niya dahil sa kanyang anyo, na mala-Transformers. Ipinakita kasi ang kanyang baga at ang pagsira ng bacteria na kasama ng makapit na plema sa ating respiratory system at kung paano ito nabibigyang lunas ng Solmux with Bacteria Expel Action. Tinatapos na rin ni Aga ang pelikulang “Waiting For Love”, kasama si Anne Curtis. Source: Abante |