|
|
| Agot, ayaw nang magkaanakAuthor: People's Tonight PINASOK na rin ng aktor na si Joel Torre ang pagpu-produce ng indie movies sa ilalim ng Pabrika Pictures and Pelipula. Ang kauna-unahan nilang handog ay ang Ang Beerhouse, na tinatampukan nina Gwen Garci bilang beerhouse dancer, Ryan Eigenmann, ang lalaking mai-in-love kay Gwen, Epi Quizon, health-conscious pero mataray na beerhouse manager, atbp. Ang indie movie director na si Jon Red ang namahala sa nasabing proyekto, na magsisimulang mapanood sa Robinsons Galleria Indie Sine simula sa October 28. May premiere night din ito sa Oct. 18 sa Market Market, 8 p. m. Sa presscon na ipinatawag ni Joel sa sarili niyang JT's Manukan sa may Sgt. Esguerra St. , QC, sinabi nitong naisipan niyang mag-produce dahil bata pa siya'y nasa teatro na, umaarte't nagdidirek. "Naisip namin, ito na talaga ang buhay natin, dito sa industriyang ito, ito na ang mundo natin. We are here for the arts, hanapbuhay. "Naisip naming gawin ang Ang Beerhouse, dahil we wanted a subject that's accessible and marketable. "Sinasabi nila, independent film, independent lang kasi naiiba sa mainstream. Ang gusto naming mangyari rito, we can marry both the independent and the mainstream. "And the subject matter, which is beerhouse, is very interesting, very colorful. It's not a male-dominated field, kundi kuwento talaga ng mga babae rin. "So, it encompasses a lot, dito lalo sa Pilipinas, laganap ang mga beerhouse natin. And it's about time we tell their story," paliwanag ni Joel. Aware raw sila (siya at co-produ na si Ronnie Lazaro) na marami nang nagawang pelikula tungkol dito. Nariyan ang Burlesk Queen at Mananayaw, pero dahil may Jon Red silang director, "this is a different take on the subject. " Dagdag ni Joel, na gaya ni Ronnie ay may cameo sa pelikula, "They say it's the oldest profession (prostitution). They say it's a sub-culture na talagang nangyayari. So, ito ang aming version of it. We try to tell the story of everybody inside the beerhouse. Para ma-expose rin natin kung ano ang kultura sa loob nu'n. " Kahit may sexy scenes, lalo na ang paggiling-giling ng dancer na si Gwen, binigyan pa rin ito ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ng "R-13. " Sey ni Direk Jon, "Nakita nila (Censors board) ang tunay na subject ng pelikula. " Malaking bagay din daw na halos lahat ng nasa cast ay kaibigan nina Joel. Karamihan sa kanila'y presyong kaibigan lamang ang siningil, kaya naman umabot lang sa P1. 5 million ang cost ng production. "It's largely bigger than an indie considering na we're working with friends. If we paid everybody's budget, aabot kami ng P3M. Ngayon, kung kikita ang pelikula, everybody has points na ipamamahagi like that United Artists thing. "Ang intensyon naman namin dito ay 'di para yumaman, kundi para makagawa kami uli ng pelikula. Makabawi lang kami, ayos na. Basta makagawa lang uli ng susunod na pelikula. That's why it's Pabrika Pictures and Pelipula, parang factory of films. " Sa kasalukuyan, ani Joel, nakikipag-usap pa sila sa mga opisyales ng Gateway Mall para maipalabas din sa mga sinehan nito ang Ang Beerhouse. * * * KUNG si Joel ay sumabak sa pagpu-produce, balik-recording naman si Agot Isidro, na lubos na hinangaan sa papel ng mataray na si Ingrid sa katatapos na serye ng Dos na Tayong Dalawa. Labas na ang bago niyang CD, White Lace and Promises, isang compilation ng wedding songs, sa ilalim ng PolyEast Records. Ani Agot, "Nakaka-miss kumanta. My last album was in 2006, 'yung bossa ko. Maganda itong project, maganda ang offer ng Polyeast na wedding album. "That time, I just sang for the Juday-Ryan wedding, kaya naisip ko, parang gusto ko munang maging wedding singer this time. " Habang nagre-record, bumalik din daw sa kanya ang masasayang alaala ng sariling kasal sa dating advertising man na si Manu Sandejas. 'Yung misa, 'yung ulan habang nagsesermon ang pari at maging ang guests na pawang close sa kanilang dalawa. Siyam na taon na palang mag-asawa sina Agot at Manu. Pero sad, dahil hanggang ngayon, wala pa silang anak. Actually, tanggap na raw ni Agot ang sitwasyon kung iyon ang kaloob ng Diyos. Hindi rin niya type sumubok ng artificial method para mabuntis considering her age. "All is well" daw sa pagitan nila ni Manu at "communication is really the key. " Very supportive si Manu sa showbiz career ni Agot and in fact, pumayag itong mag-model kasama ang asawa sa songbook ng White Lace and Promises. "Ang bayad, isang dinner. Cheap lang ang asawa ko. Hahaha!" biro ni Agot. "Love ko ang asawa ko, ha. " Bukod sa recording, may sisimulan na ring bagong soap si Agot sa isang buwan. Excited na raw siya para rito although nate-tense. Unlike Ingrid, mabait naman ang papel niya sa next soap, na nakatakdang umere sa January 2010. * * * MASAYANG-MASAYA ang mga taga-Stairway to Heaven dahil base sa AGB Nielsen Philippines overnight ratings ng Mega Manila households, ang Dingdong Dantes-Rhian Ramos starrer ay nanguna sa primetime viewing since last week. Nu'ng Martes, nakakuha ito ng 31. 2 percent overnight rating at nu'ng Miyerkules at Huwebes, nagtala ito ng 30. 5 at 32. 7 percent, respectively. Patuloy na subaybayan ang Stairway to Heaven, weeknights after Darna sa GMA Network. IFF Source: People's Tonight |