|
|
| Ahron, gustong kausapin si Mark![]() Author: Rey Pumaloy Tumatanggi nang mag comment si Ara Mina tungkol sa isyu sa kanila ni Keempee de Leon. Sa aming pakikipagtsikahan sa aktres, nakiusap siyang huwag nang pag-usapan ang tungkol sa mga pahayag niya sa Startalk para hindi na ito lumaki pa. Hindi nagustuhan ni Keempee ang ilang sinabi ni Ara na dati niyang kasintahan at ate ng nililigawan niyang si Cristine Reyes. ""Expected ko na 'yon na pag nagsalita ako, hindi ako maiintindihan. Pero kung sila ang nasa sitwasyon ko, ganundin ang mararamdaman nila. ""Wala akong sinabing masama. Kung may nasaktan o natamaan, hindi ko sadya 'yon. Kung ano ang sinabi ko, 'yun ang gusto kong sabihin. Ayokong magpa-tweetums, tapos, deep-inside, ito pala ang dapat kong sabihin,"" sabi ni Ara. Hindi malaman ni Ara kung matutuwa siya sa kanyang kalagayan ngayon. Dati kasi, mga isyu lang niya ang hinaharap niya pero ngayon, pati na ang mga intriga sa kapatid niya ay siya na rin ang sumasalo. ""Wala akong choice, underage pa ang kapatid ko. Kailangan ng guardian para magsalita on her behalf. Ayoko namang siya ang magpa-interview nang magpa-interview, baka kung ano lang ang masabi eh lalong mag-create ng issue,"" esplika niya. Bagama't, wala pang regular show si Ara sa GMA 7, abala siya sa kanyang restaurant na pinapa-renovate niya uli. Malapit nang mag-open ang 'Bubblegang Café' sa Katipunan Rd., QC kung saan sila mismong mga cast ng TV gag show na Bubble Gang ang magkakasosyo. Ngayong July 29-30, mapapanood ang concert nila nina Marissa Sanchez, Jessa Zaragoza na Soul Sisters sa Music Museum. *** Gustong makaharap at makausap ng TV Idol na si Ahron Villena si Mark Herras. Nais linawin ni Ahron kay Mark na kailanman ay hindi siya nakikisawsaw sa relasyon nito kay Jennylyn Mercado. Gusto ring ipaliwanag ni Ahron na lalong hindi niya ginagamit si Jennylyn para mapag-usapan siya. Alam ni Ahron na siya ang tinutukoy ni Mark sa isang interview nito sa isang showbiz-oriented talk show. Sa pahayag ni Mark na may mga 'nakikisawsaw' sa kanila ni Jennylyn, alam niyang siya ang tinutukoy ng GMA 7 artist. Bago pa kasi nagpa-interview si Mark sa naturang talk show, nababasa na ni Ahron ang mga komento nito tungkol sa pagkaka-link niya kay Jennylyn. Walang masamang tangka o plano si Ahron kay Mark pag nagkita sila nito. Nais lang niyang kausapin ito para malinawan ito. Pinaninindigan ni Ahron na wala siyang intensyong ligawan o sulutin si Jennylyn kay Mark. Itinuturo ni Ahron si Kris Aquino na siyang tulay kung bakit nagkaroon sila ng communication ni Jennylyn. Ito raw ang nagbigay ng cell number ni Jennylyn at ang TV host-actress din raw ang nag-advise sa kanyang tawagan si Jennylyn dahil depressed ito sa break-up nila ni Mark, na siya niyang ginawa. Hindi araw-araw, kundi isang beses lang sa isang linggo kung mangumusta si Ahron kay Jennylyn. Hindi masagot ni Ahron ang tanong namin kung interesado ba siyang ligawan ang aktres. Sapat na ang facial expression niya para masabi niyang ""wala siyang plano."" Kung dedmahin siya ni Mark kapag nagkita sila, wala na raw magagawa si Ahron. Siyanga pala, kabilang si Ahron sa endorser ng Tito Aga's Food Center. *** Nag-text sa amin ang isang kaibigan namin sa Las Vegas, Nevada. Nakita raw niya ang kasintahan ni Kris Aquino na si James Yap na namamasyal sa isang shopping center doon. Kasama raw ni James ang isa pa ring basketbolista na si Romel Adducul, na na-link din kay Kris. Akala namin, kasama na ni James si Kris nang mga sandaling iyon pero narito pa pala siya noon sa 'Pinas. Ang concert-promoter na si Robbie Tarroza ang nagsabi sa aming nasa loob ng simbahan ng Baclaran si Kris at nagdadasal. Ibinibida pa ni Robbie sa amin na napakaganda ngayon ni Kris. Source: Abante Tonite |