Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ai Ai at Mommy Dionisia, bongga ang tarayan!

Ai Ai at Mommy Dionisia, bongga ang tarayan!

Author: Dondon Sermino

SOBRANG nag-enjoy si Ai Ai delas Alas sa syuting ng Ang Tanging Pamilya

(A Marry-Go-Round), kasama si former President Erap Estrada.

Kasi naman, halos paliguan daw ni Erap si Ai Ai ng regalo sa syuting nila.

Ganun daw ka-generous at kaaliw si Erap kay Ai Ai.

Kahapon ay subsob pa rin sa syuting ang dalawa. Halos wala na silang pahinga, dahil kailangan nila itong ihabol sa Nov. 11.

“Ito ang naging propesyon ko for 20 years and after 20 years, I'm back. I can't express yung aking feeling na hindi ko alam na may comeback asking ganito. At natutuwa ako dahil sa nakasama ko ngayon, ang leading lady ko, eh, box-office queen, co­medy queen ng Pilipinas. Sobrang bait ni Ai Ai. She's a natural actress, natural comedian,” say ni Erap, patungkol kay Ai Ai.

Sa trailer pa lang ng Ang Tanging Pamilya, kitang-kita na nga na isang masayang pelikula ito. At bonggang-bongga rin ang parungitan at tarayan nina Ai Ai at Mommy Dionisia Pacquiao, ha! Parang nakahanap nga ng katapat si Ai Ai sa katauhan ni Mommy Dionisia, kung husay sa pagpapatawa at natural na pag-arte ang pag-uusapan.

Kasama rin sa Ang Tanging Pamilya sina Sam Milby, Toni Gonzaga, AJ Perez, at marami pang iba.

Source: Abante